Secret : 9

1K 25 1
                                        


2 oras ng nakakalipas ng dumating na sila sa isang bahay. Akala ni Sillie na pupunta sila sa resort o di kaya'y sa isang magandang bakasyunan.

Biglang nalungkot si Sillie dahil mali ang kanyang akala. Anong lugar ba ito? Bakit nandito kami?tanong ni Sillie sa kanyang sarili

Lumingon lingon sya sa paligid at nakaramdam sya ng takot dahil may nararamdaman sya kakaibang presenya.

Hindi nya pinansin ang kanyang nararamdaman at sinuri nyang mabuti ang bahay at doon nya napagtanto na luma na ito. Malinis naman, malaki. Kaya kahit gaano kaluma ay  maganda parin itong tignan dahil sa kalinisan.

Pumasok sila sa loob at biglang tumibok ng napakabilis ang puso ni Sillie. Nagtataka sya kung bakit nakakarmadam sya ng ganito ganoon naman na wala namang kakaibang itsura sa isang bahay.

Yumakap sya sa kanyang Ama at nagtaka ito kung bakit nagkakaganito bigla ang kanyang anak.

"Are you ok? What's the problem?"tanong ng kanyang ama habang hinimas himas ang buhok nito

Sa halip na sagutin ni Sillie ay umuling iling lang ito.

"Dad what are we doing here? Bakit po tayo nandito? Kanino po tong bahay? Akala ko po ba magbabakasyon tayo?"sunod sunod na tanong ni Sillie sa kanyang ama

Tumawa pa ang kanyang ama bago sinagot ang tanong ni Sillie.

"Anak, hinay hinay lang ang dami mo namang tanong. Nandito tayo dahil dito tayo magbabakasyon. Pag aari ito ng lola at lolo mo na matagal ng yumaong dito din ako ipinanganak. But don't worry baby maraming magagandang lugar dito, bukas na bukas ipapasyal kita"

Tumango nalang sya bago uli nagsalita.

"Daddy maari po bang makiusap?"tanong ni Sillie

"Ofcourse sweetie  you can" sagot naman nito

"Daddy please open the light kasi po ang dilim nakakatakot po" sabi ni Sillie habang yakap yakap ang sarili

Tumawa ang mama ni Sillie at tinignan ang asawa at nakingiti din ito. Humakbang si David para magtungo kung saan ang switch ng ilaw. Kinapa kapa nya ang pader at ng naramdaman nya ang switch ay pinindot nya ito agad at nabuhay na ang ilaw.

Umawang ang labi ni Sillie sa kanyang nakita. Hindi nya inaasahan ang ganda ng bahay. Lumingon lingon sya sa paligid at naagaw ng isang bagay ang atensyon ni Sillie. Nilapitan nya ito at tumingala para makita ang isang larawan.

Nilapitan din sya ng kanyang ama at hinawakan ang magkabilang balikat.

"Daddy who is she?"tanong ni Sillie sa kanyang ama. Lumapit naman si Margarete at sya na ang sumagot sa tanong ng kanyang anak.

"Sweetie she is your aunt, kapatid ng papa mo"sagot ng kanyang ina

"Pero nasaan po sya ngayon?Bakit hindi ko po sya nakikita na kasama si daddy kung kapatid nya ito?"tanong nya

Biglang iniwas ang tingin nito sa kanyang anak at nagdadalawang isip sya kung sasabihin ba nya ang totoo.

"Anak she's gone"sagot naman ni David

"What do you mean Dad?"tanong uli ni Sillie

"Nagpakamatay sya dahil sa isang lalake. Dahil sa labis na kalungkutan pinatay nya ang kanyang sarili at sinaksak ng kutsilyo ang kanyang dibdib. Sisingsisi ako sa nangyari dahil ako talaga ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay. Sana mapatawad pa ako ng Aunte Carmen mo"sagot ng kanyang ama

The Library's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon