Ilang araw ng nakakalipas magmula noong nangyari ang pagbabangayan namin. Hanggang ngayon hindi parin nila ako pinapansin. Alam ko naman na ako ang may kasalanan. Pero masisisi ba nila ako na gusto ko lang matapos na ito at wala ng mabibiktima uli?
Sa tuwing nakakasalubong kami ng landas hindi nila ako pinapansin. Alam kong galit sila dahil sa katigasan ng ulo ko. Alam kong ako ang mali sa pagkakataong ito. Alam kong sa pagkakataong ito dapat nagsagawa ako ng plano at huminggi ng tulong sa kanila. Pero nanaig talaga ang pagdesperada ko na malutas ang kasong ito.
Kasalukuyan akong naglalakad ngayong papunta sa Canteen. Oo nag iisa lang ako dahil galit nga sila sa akin. Umorder ako ng isang strawberry cake, leche flan at isang ice tea.
Naghanap ako ng bakanteng upuan at wala akong nakitang bakante. Lininga linga ko pa ang paningin ko at nakita ko sila Kristyl,Grace, at Patty na tahimik lang kumakain.
Tatabi ba ako sa kanila o hindi? Sige na nga ibaba ko nalang ang pride ko kasi ako naman ang may kasalanan. Lumakad ako papunta sa deriksyon nya at pagkadating ko doon hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin o ngiti.
Bumuntong hininga ako para mabawasan naman ang nararamdaman ko.
"Exuse me, maari ba akong tumabi sa inyo? Pero kung hindi ayos lang. Wala na kasing ibang bakanteng upuan"pagsasalita ko dahilan upang tapunan nila ang ng tingin.
Hindi sila sumagot at sa halip ay tumango lang sila. Umupo ako sa tabi ni Grace dahil magkatabi kasi sila Patty at Kristyl. Tahimik lang kaming kumakain. Ni isa walang nagsalita. Ang awkward. Pagmagkasama kasi kami ang ingay nila. Pero ngayon nakakabingi ang katahimikan.Kaya nagpasya ako ilagay ang kutsara sa plato para ako na ag bumasag sa katahimikan at pagkakataon ko na rin to para humingi ng tulong sa kanila.
"Hrmm"pag papapansin ko at napatingin silang tatlo sa akin
"Hmmm alam kong sa pagkakataong ito ako ang mali at alam kong galit kayo sa akin dahil sa katigasan ng ulo ko. Kaya lang naman kayo nagkakaganito diba dahil ayaw nyong mapahamak ako? Naiintindihan ko naman kayo kaya sana mapatawad nyo ako. Sorry na sa inyong tatlo hindi ko kaya na galit kayo sa akin dahil kayo lang ang kaibigan ko. Kaya please patawarin nyo na ako. Kung gusto nyo lumuhod ako luluhod ako rito"sabi ko at luluhod na sana ako ng hawakan ni Kristyl ang balikat ko
"Forgiven"sabi ni Grace
"Me too" sabi ni Patty
"Forgiven too. Gaga ka Sillie luluhod ka talaga at tyaka matitiis ka ba namin? E kaya lang kami galit sayo dahil katigasan ng ulo mo at tyaka hindi-"sabi ni Kristyl at hindi ko na sya pinatapos dahil kakapatawad lang nila sa akin sesirmunan agad ako.
"Opsss tama na. Oo na alam ko na yan kaya nga nag hihingi ako ng tawad sa inyo. At ngayong napatawad ako, wala ng bawian friend na tayo ulit"sabi ko at tinapunan ako ni Patty ng isang maliit na piraso ng cake. Bakit anong problema nya?
"Gaga ka Sillie kahit na hindi tayo nagpapansinan kaibigan ka parin namin at kahit na mag away pa tayo walang magbabago at 4 queens parin tayo"sabi ni Patty at ngayon ang saya saya ko na dahil nagkabati na kami.
"Group hug nga"sabi ni Grace
"Group hug"sabay naming sigaw apat
Ilang oras ng nakalipas bumalik nakami sa dati. Maingay, nagbabarahan at nagtatawanan. Pero may isa pang tanong na bumabagabag sa isipan ko kaya ito na ang pagkakataon na itanong ko ito sa kanila.
"Guys, sino si Ayanna Lusania?"tanong ko sa kanila at tila nabigla sila sa tanong ko. Bakit may problema ba?
"Paano mo nalaman na ang pangalan na yan?"tanong ni Patty sa akin
"Kasi noong pumasok ako sa library nakita ko sya ang sabi nya sya daw ang librarian at nagpakilala sya sa akin"sabi ko
"Naka usap mo sya? Paano?"tarantang tanong ni Patty
Tika nga so kilala nila si Ayanna.
"So kilala nyo sya?"tanong ko uli sa kanila
Sabay tumango sila sa tanong ko.
"Sya ang kaibigan namin noon. Katulad mo lang sya nerd, palatawa , mabait at matalino. Katulad na katulad mo sya Sillie para nga kayong magkapatid. Parihas kayo ng hugis ng mukha,ng katawan, katangkad at magkasing boses kayo. Noong una ka palang namin nakita akala namin si Ayanna ka kasi magkamukhang magkamukha kayo. At tyaka parihas kayo ng salamin. Magkaparihas kayo ng style sa salamin nyo. Minsan palagi syang pumupunta sa library para puntahan ang kababata nyang labriarian doon kaya pagpinupuntahan namin sya tinatawag namin syang Ms. Librarian. Lima kaming magkakaibigan noon pero namatay silang dalawa. Si Dianne ang totoong librarian at si Ayanna. Si Dianne ang pinakaunang nabiktima at pangatlo si Ayanna.
Pagkamatay ni Dianne nakita namin sya nakatali anag leeg ng lubid at putol ang paa at kamay. Kay Ayanna naman ay basag ang salamin at putol ang leeg. Nasaktan kami sa pangyayaring iyon kaya nagpasya kami na sarhan ang pinto ng library pero ang akala namin makakabuti mas lalo pang lumala pinatay nya ang ibang studyante. Siguro nagalit ang killer or multo dahil pinasira namin kaya nagpasya si Patty na wag nalang itong e lock at ipinagbabawal nalang nyang pumasok doon.Kaya ayaw ka naming mapahamak dahil nakita namin si Ayanna sayo"mahabang salaysay si Kristyl
What magkamukha kami? Kaya pala unang pagpasok ko sa school nato nakatingin sila lahat sa akin akala pala nila nabuhay uli si Ayanna.
"Pero Sillie diba sabi mo nakita at nakausap mo sya? Pero paano nangyari yun?"tanong ni Grace sa akin
"Nakakalimutan mo ba Grace may third eye nga ako kaya kung makakakita ng multo kahit nakasalamin ako dahil lumalakas na ito"sagot ko
Tumango nalang sya.
"Pero ano sabi nyo kamukha ko si Alyanna? Impossible naman yun at tyaka wala naman akong kapatid"sabi ko
Kaya pala noong nakita ko si Ayanna kanina familliar sya kasi kamukha ko lang sya.
"Pati nga kami naguguluhan ang akala nga namin magkakambal kayo or magkapatid"sabi ni Patty
Possible kayang kapatid ko si Ayanna. Pero magkamukha lang naman marami namang tao sa mundo ang magkamukha pero hindi magkapatid kaya nakakasigurado akong magkamukha lang kami at hindi kami magkapatid.
♡IwaynEix
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
TerrorThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...
