Secret 5

1.1K 32 0
                                    

Kristyl's POV:

Ilang minuto na kaming nagmumukmok sa kahihintay sa aming prof.pero mag bre break time nalang wala pa.

Mabait naman talaga si Sillie.Mukha pa lang nya malakaibigan na.

Di pa ba kaya niya alam ang mga milagrong nangyayari sa school nato?Tungkol sa library?Tungkol sa pagpa-

Natigil ako sa aking pag iisip
dahil tinawag ako ni Grace.

"Queeny Kristyl,bakit kaba nagmumukmok dyan, di ka ba sasali sa chikahan namin?"

Sumali ako sa mga chika-chika daw nila.

At ang kwento pala ni Sillie may nakakiyak may nakakatawa.

Nagtawanan kami ni Grace at Patty sa kwento ni Sillie noong bata pa sya.

Tawa lang ng tawa ang aming nagawa ng biglang natigil at nasirado ang aming mga bibig sa tanong ni Sillie.

"Ano ba ang sekreto sa library?ano bang nangyayari doon?Bakit palaging sirado,Bakit kayo umiiwas doon?"seryoso niyang tanong.

Nagtinginan kaming tatlo.

"Grabe ka naman Sillie nag change topic ka naman agad at ang dami mong tanong". Pambarang sabi ni Grace

"Aahhhhh ka-si..-".

Di ko natuloy ang sasabihin ko dahil dumating na si prof.

Buti nalang good tyming si Sir.

Sillie's Pov:

Nagsibalik kami sa aming upuan at nakinig sa sasabihin ni sir.

Di ko parin mawala sa isipan ko kong bakit biglang natigil sina Patty sa tanong ko,ano bang meron don.

Makikita ko talaga ang mga reaksyon nila sa mga mata nila.Bakit mukhang nahihirapan silang sagutin iyon.

Bigla na namang lumakas ang ang kabog ng aking dib dib.

Kung may tinatago talaga silang sekreto doon aalamamin ko.

Kung ayaw man nilang sabihin sa akin ang katotohan ako ang mag iimbestiga para masagot na ang mga tanong sa aking isipan.

Darating din ang panahon na malalaman ko rin yun dahil walang sekretong hindi mabubunyag.

"Miss Sebastian,are you listening?"

"Miss Sebastian!", ulit na tawag ni prof sabay hampas ng kanyang kamay sa mesa

"Hoi! Sillie, tawag ka ni Sir"sabi ni Patty sabay kurot sa aking gilid.

"Araaaay!naman,ano?" tanong ko habang naka kunot ang noo

"Tawag ka ni Sir, ano bang nangyari sayo?"tanong nya uli

Hindi ko nalang pinansin ang tanong nya at tumingin sa deriksyon ni Sir.

"Ahhhm yes sir,bakit po?"

"What's happening to you Miss Sebastian, are you out of your mind? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo hindi ka pala nakikinig?"tanong nya

"Im s-sorry Sir may iniisip lang ako"sabi sabay yuko

"Then if you have any promblem , don't bring here dahil wala ka sa bahay nyo nandito ka sa school"sermon nya sa akin

"S-sorry po sir hindi na po mauulit"panghihingi ko ng tawad

"Buti nga sayo, papansin kasi"sabi ng isa kung kaklase

Lumipas ang dalawang pong minuto nag ring na rin ang bell. Mabuti naman, nagugutom na kasi ako eh.

Nagsilabasan na ang ibang mga studyante at nagtungo na sa Canteen. Lumabas na rin si Prof at kami nalang apat ang na iwan.

"Hoi gaga ka, anong bang nagyari sayo kanina bakit lutaw ang isip mo?"tanong ni Grace sabay hampas sa aking braso

"Alam mo Sillie gutom lang yan, tara kain muna tayo"bara ni Patty sa amin

Tumango kaming lahat bilang pagsang-ayon at nag simula ng maglakad palabas.

Ilang minuto ang nakalipas
At sa huli nandito na kami sa harap ng canteen.

"Guys, sandali lang ha naiwan ko kasi ang cellphone ko sa room natin eh , babalik ako agad."paalam ni Patty

"Ano ba yan, cge dalian mo ha ako na ang o-order para sa yo."sabi na man ni Grace

"Cge salamat"Patty sabay takbo pabalik sa classroom

"Ano ba yan,kahit kailan talaga may pagkaburara yang si Patty"pagrereklamo naman ni Kristyl

"Pabayaan mo na nga yun, ikaw rin naman eh"sagot naman ni Grace

"Ay saglit lang girls, parang naiihi ako eh" Kristyl

"Oh yan naman tayo, pa cheack up mo nga yan sa doktor yang puson mo, bakit palagi nalang yang naiihi"-grace

"Ewan ko sige alis muna ako"Kristyl sabay takbo

Pumasok na kaming dalawa ni Grace sa loob at umupo na kami sa isang bakanteng upuan.

"O, Sillie dyan ka muna, upo kalang dyan ako na ang mag o-order para sa ting lahat"-sabi ni Grace

Hindi na nya hinintay ang sagot ko dahil tuluyan na syang umalis.

Bakit parang biglang sumakit ang mata ko?
Hindi ko naman to masyadong pinapagod ha.

Kinuha ko ang aking salamin at hinimas himas ko ang aking mata.

Binuksan ko ito at lumingon sa bandang kaliwa at nabigla ako ng may nakita akong isang babaeng duguan, basa sa ang buhok at magulo na nasa tabi ko.

Tumingin ito sa akin.
Bakit parang pamilyar ang mukha nya?

Agad kung sinuot ang salamin ko at lumingon uli ako doon pero nawala na ang babae.

Mabuti naman epektibo talaga tong salamin na ibinigay sa akin ni Mang Isko.

"Hoi ayos ka lang?"tanong ni Kristyl

Nandito na pala sya kasama si Patty, hindi ko man lang namalayan.

Binigyan ko nalang sya ng ngiti kasi nakakapagod magsalita.

Tama nga ang hinala ko may kababalaghan sa paaralang ito.

Natigil ang pag -iisip ko dahil biglang dumating si Grace.

"Hoi Kristyl, tulungan mo nga akong bitbitin ang e norder ko, wag kang umupo dyan, pwesto ko yan"sabi ni Grace

"Ay Sorry" Kristyl at tumayo at kinuha ang ibang bitbit ni Grace

Nilapag nilang lahat sa Mesa at umupo na sa tabi ko si Kristyl.


♡IwaynEix


The Library's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon