Secret 11

1K 26 0
                                    

Kristyl's Pov

Hanggang ngayon hindi parin masink-in sa utak ko ang sinabi ni Sillie. Hindi naman sa bobo ako pero hindi parin ako makapaniwala na may kakayahang makakakita ng multo si Sillie.

Kaya pala palagi nyang suot ang salamin nya. Kasalukuyan ngayong nakaupo kaming apat sa kama ni Patty. Hanggang ngayon patuloy parin sya sa pag iyak. Patuloy parin syang humihingi ng tawad sa kanyang ama. At sinisisi parin nya ang kanyang sarili.

Kawawa naman si Sillie. Minsan naman sa School tahimik lang sya at walang problema.

"Sillie shhhhh, tama na its ok"pagpapatahan ni Grace

"Hanggang ngayon nasasaktan parin ako pag naalala ko ang nangyari sa papa ko. Ang sakit sakit. Sana ako nalang, sana ako nalang"hanggang ngayon wala parin syang tigil sa pag iyak.

Naaawa na ako kay Sillie ,naaawa na ako sa kanya pag nakikita ko syang ganyan. Kasi hindi ako sanay na nagkakaganyan sya.

Kasalan talaga ito ng mga pesteng babae.Walang hiya talaga yang Angel na yan. Maghintay sya at matitikman nya ang higante ng kapwa nya bruha. Lintek lang ang walang gante.

"Saglit lang ha,kukuha muna ako ng tubig para mahimas masan ng kunti si Sillie"tumango nalang kami sa sinabi ni Grace at tumayo na

"Paano nayan natatakot akong umuwi baka, baka-"hindi na nya natapos ang sasabihin dahil humagolhol naman sya.

"Sshhhh wag kang mag alala we are here hindi ka namin iiwan. Don't worry Sillie"pagpapatahan ni Patty sa kanya

Ilang oras naring nakakalipas ng dumating na si Grace at may dalang isang basong tubig. Binigay na nya agad ito kay Sillie at pinainom.

At dahil doon nahimas masan sya. Wow may gamit din pala tong utak ni Grace minsan.

Natigil ang pag iisip ko ng nagring ang cellphone ni Sillie.Mabilis nyang kinuha ang bag nya.

At laking bigla ko ng sa halip cellphone nya ang ilabas nya ay isang salamin. Salamin na binasag kanina nina Angel.
Hindi lang ako ang nabigla pati rin sila Grace.

Papaanong nabuo ulit yan?
Kitang kita ko kanina basag na basag yan.
Imposible, Imposible to.
Namamalikmata lang ako?

"Papaanong napunta sa bag mo yan? Basag na basag yan kanina kitang kita sa dalawang mata ko. Papaano?"hindi ko mapigilang hindi magtanong

Sillie's Pov

Pagkatapos akong bigyan ng tubig ni Grace gumaan na rin ang loob ko. Laking pasasalamat ko sa kanila dahil hanggang ngayon hindi pa rin nila ako iniiwan.

🎵may tumatawag
may tumatawag.
Sagutin mo🎵

Napalingon ako sa bandang kanan ko kung saan nakalagay ang bag ko. Tumutunog ang cellphone ko. Alam kong si Mama na ang tumatawag dahil hanggang ngayon hindi parin ako nakakauwi.

Mabilis kong kinuha ang bag ko at kinalkal ang gamit sa loob. Laking pagkabigla ko ng nakita ko ang salamin ko.
Akala ko ba nabasag na to?

Nilabas ko ang salamin ko para makita nila Patty.Paglabas ng kamay ko sa bag nagulat sila sa hawak ko.Hindi na ako nagtataka kung bakit ganyan ang reaksyon nila.

"Papaanong napunta sa bag mo yan? Basag na basag yan kanina kitang kita sa dalawang mata ko. Papaano?"tanong ni Kristyl

"Oo nga basag na basag yan kanina. Imposibleng nabuo ulit yan. Nabasag yan into a small pieces"sabi rin ni Grace

"Hindi ko rin alam. Pati nga ako ay nabigla din"sagot ko sa kanila. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at sinuot ko na ang eyeglasses ko. At dahil dito nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.

The Library's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon