Agad akong naalimpungatan dahilan para magising ako.
Pagmulat ko sakto ring pumasok si Mama sa loob.
"Mabuti naman gising ka na. Kanina pa kita hinihintay na magising.Bumaba kana para sabay na tayong kumain."sabi nya
Tumango ako at sya naman ay lumabas na.
Naghilamos muna ako at namumug. Pagkatapos nagbihis at bumaba na.
Pagbaba ko wala si Mama. Tinawag ko sya pero walang sumagot. Ilang sandali ay tumunog ang cellphone nya.
May tumawag ata. Tinawag ko ulit sya pero wala paring sumagot kaya nagpasya nalang ako na ako nalang ang sumagot.
Hinanap ko kung saan nangagaling ang tunog at napagtanto ko na nasa loob ng bag nya.
Kinuha ko ang bag nya at agad itong binuksan. Hinanap ko ang maliit na pocket nya. Kasya lang ang cellphone nya doon.Nakita ko kasi sya na dito nya nilalagay ang Cellphone pagkatapos gamitin.
Hindi rin naman ako nabigo at agad ko ito nakita. Kinuha ko ito at binuksan. Pagkuha ko sa cellphone napansin kong parang may nahulog na isang bagay kaya agad ko itong pinulot.
Pagtingin ko isang larawan ng dalawang bata. Parang pamilyar sa kin tong isa.
Parang ako ata ito.Pero sino ang kasama ko dito sa picture? Parang close na close kami dito.
"ARAY!"mahina kong sambit habang sapo ang ulo "Ang sakit"
Parang nilalamon ng sakit ang lakas ko dahil pakiramdam ko wala ako lakas na labanan ang sakit.
"Sillie anak"
Naramdaman kong may yumugyug sa balikat ko pero hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko dahil sa sobrang pamimilipit sa sakit.
Ang tanging nagawang ko lang ang sapuhin ang ulo ko at sumigaw.
Hanggang sa may biglang pumasok sa isip ko.
"Lala gising na, laro tayo"
"Mamaya na Lili inatok pa ako"
"Ano ba Lala laro na tayo malulungkot ako pag di ka payag"
"Lili please mamaya na ang aga pa. Inaantok pa ako eh. Please"
"Sige 'sniff' na nga 'sniff' aalis na 'sniff' na ako 'sniff' mamaya nalang"
"Sige na nga pumapayag na ako basta wag ka ng umiyak kawawa naman ang baby Lili ko."
"Yehey payag na sya. Laro na kami"
Habang naglalakad sila papunta sa park may narinig silang isang malakas na putok ng baril dahilan para mapalingon sila kung saan nanggagaling ang putok. Agad silang tumakbo para hindi madamay sa kaguluhan pero di nila inaasahan na matatamaan ng ligaw na bala si Lala sa ulo dahilan para gumulong ito papunta sa isang bangin.
"Lalllllllllllaaaaaa"sigaw ni Lili at di nya namalayan na may paparating na sasakyan. Parang na paralized ang buong katawan nya at di nya magalaw.
Bogsh!
"Ate Lala" di ko alam kong anong lumabas sa bibig ko. Parang may sarili itong isip, basta nalang lumabas ang mga salitang yun sa bibig ko ng hindi ko inaasahan.
Nais ko pang malaman ang lahat pero nilamon na ako ng kadiliman at tulayan na akong nawalan ng malay.
********
Nagising ako sa isang di pamilyar na silid. Puti lahat. Nasaan ako?
Tyaka lang bumalik sa alaala ko ang nangyari sa akin kanina. Nahimatay ako. Kaya nasisiguro kong nasa hospital ako.
"Sillie anak, mabuti naman gising ka na" tinignan ko kung saan nangagaling ang boses at nakita ko si Mama na nakaupo sa gilid ng kama ko.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo anak? Sandali lang tatawag lang ako ng doctor" tatayo na sana sya pero pinigilan ko.
"Ma ayos lang ako. Don't worry"sabi ko at tipid syang nginitian.
"Mabuti naman kung ganon. Pinag alala mo ako ng husto, alam mo ba yun? Takot na takot ako anak. Ikaw nalang ang natitirang pamilya ko at ayaw kong mawala ka sakin. Ayaw ko mawalan ulit ng anak. Ikamamatay ko yun"
Anong sabi nya? Ayaw nyang mawalan ulit ng anak? Ulit?
"Ma, anong ibig nyong sabihin?"naguguluhang tanong ko.
"May iba pa po ba kayong anak maliban sa kin?"dagdag ko pa
Pero sa halip na sagutin nya ako sinapo lang nya ang bibig nya at humagulhol ng iyak.
"Anak, naalala mo na?"tanong nya
"Ma, hindi kita maintindihan. Bakit tinatanong mo sa kin kung naalala ko na. Eh wala naman akong amnesia"
Magsasalita sana sya pero biglang pumasok ang doctor. Kaya nabaling ang atensyon namin dito.
"Sorry for my disturbance. But I need to check the patient kung ayos lang ba sya. Pwede po ba?"
Tumango nalang si mama at umalis sa pagkakaupo sa gilid ng kama.
"Hindi na ba masakit ang ulo mo Hija?"tanong ng doctor sa akin at tumango ako bilang pagtugon.
"Good to hear. Ayos naman lahat walang problema. Kailangan mo lang magpahinga. Tyka wag mong piliting makaalala. Ayon kasi sa result ng test kaya sumakit ang ulo dahil pinilit mong makalala dahilan para himatayin ka. Don't worry hija babalik din ang alala mo. Wait for the right time. Sige mauna na ako marami pa kasi akong pasyenteng aasikasuhin" paalam nya at tuluyan na syang lumabas.
Habang ako naiwang nakatulala. Hindi pa rin ma prosess sa isip ko ang sinabi ng doctor sa kin kanina.
So may amnessia nga ako. Paano nangyari yun? Eh wala naman akong nakalimutan. Naalala ko naman si Papa, Si lolo si lola lahat lahat. Paanong nangyaring nagka amnessia ako.
Mapait akong napangiti. Akala ko pa naman ang kababalaghan lang sa library ang kailan ng kasagutan. Pati rin pala sa buhay ko.
Tyaka may kinalaman ba ang dalawang batang nasa isip ko kanina. Kilala ko yung isa. Si Lili ako yun. Yun ang tawag ni papa sakin noon.
Pero sino si Lala? At bakit ko sya tinawag na Ate Lala kanina?
♡IwaynEix
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
HororThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...