Hanggang ngayon nandito parin ako sa room namin. Nagbabasa kasi ako ng libro para may advance Idea naman ako.
Tinignan ko ang paligid ngunit nag iisa lang pala ako.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba dahil sa kahit anong pumapasok sa isip ko na baka pumasok ang multo dito at patayin ako kaya nagpasya nalang ako na umalis na doon at nagtungo sa Caferteria.
Ilang minuto nang nakakalipas dumating na rin ako.Sina Kristyl pala umalis muna dahil may pupunta daw sila. Kaya ako nalang naiwan mag isa dito.
Ang dami pa pala mga estudyante dito,akala ko nagsiuwian na sila.
Nag order na ako at pagkatapos pumunta na ako sa bakanteng table.
Habang nag eenjoy ako sa pagkain may tatlong babaeng tumayo sa harap ko.
Inangat ko ang aking paningin at nakita ko si Angel at ang mga alipores nya na naka Cross Arm.
"Anong kailangan nyo?"tanong ko sa kanila
Tinaasan pa nila ako ng kilay bago sila nagsalita
"How dare you? Akala mo magiging famous ka pag nakipagkaibigan ka sa 3 Queens namin? Hindi ka bagay sa kanila. Dapat ako yun, ako yun at hindi ikaw!" sagot nya
Nabigla nalang ako ng bigla nya akong atakihin at hinablot ang aking buhok.
Dahil sa pinag gagawa nila natanggal ang eyaglasses ko.
No! Hindi pwede tong mangyari! Hindi!
"Ang salamin ko, bitawan nyo ako!Pakiusap"pagmamakaawa ko sa kanila habang nakapikit
Lumuhod ako at kinapa kapa ang sahig para mahawakan ang salamin ko pero nabigo ako.
Hindi ko pwedeng idilat ang mata ko pag walang salamin hindi pwede.
"Ito ba ang hinahanap mo bitch?"tanong nang isang babae. Alam kong pinulot na nya ang salamin ko
"Akin na yan maawa ka" patuloy parin ako sa pagmamakaawa sa kanila
Nabigla nalang ako nang may narinig isang pabasag ng isang salamin.
No! Hindi pwede
"Tulungan nyo ako"sigaw ko
"Ang OA mo naman salamin lang naman ang binasag namin kung maka react ka akala mo mamatay ka na"sagot ng isa sa mga alipores ni Angel
"ANONG GINAWA NYO SA KANYA?"sigaw ng isang boses
Alam kong dumating na sila Patty.Thank you lord.
"MGA WALANG HIYA KAYO"boses ni Kristyl
"Tulungan nyo ako"sigaw ko
"Sillie, anong ginawa nila sayo"alam kong si Patty ito
"Patty tulungan mo ako, ang salamin ko"pagmamakaawa ko
" Sillie subukan mong idilat ang mata mo"sabi niya
"Hindi Patty hindi pwede, hindi pwede, kailangan ko ang salamin ko" sagot ko naman
"Subukan mo lang Sillie, subukan mo lang."pakiusap nya
Dahan dahan kong minulat ang aking mata. At nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa likod ni Grace naduguan.
Nakita ko rin ang isang batang babae nakuopo sa kabilang table habang nakatingin sa akin.
"Ahhhhhhhhhhh" sigaw ko at pinikit uli ang aking mga mata.
Mali ang ginawa ko? Isang malaking pag kakamali na hindi ko isinuot ang aking salamin bago ko minulat ang aking mata.
Habang tumatagal lumakas na ito. Bakit pa kasi ako biniyayaan ng ganitong kakayahan?
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
HorrorThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...
