Sillie's Pov
"Anak gising na, magbihis ka na, may pasok ka pa"mama sabay tapik sa kin.
Dahan Dahan kong minulat ang aking mata at bumungad sa akin ang mukha ng nanay kung nakangiti.
"Ma, anong oras na po ba?tanong ko
Ang papa ko nga pala ay matagal ng patay dahil sa isang trahedya.
Sa tuwing maalala ko iyon hindi ko maiwasang hindi umiyak at sisihin ang sarili ko.
By the way, ako nga pala si Sillie Sebastian, 17 years old at 2nd year College na ako ngayon.
Itong araw na ito ang unang araw na papasok ako sa school na lilipatan ko.
"Mag aalas 8 na anak kaya nga tumayo ka na dyan kasi may pasok ka pa"sya
"Sige mag bihis kana at pagkatapos mo dyan bumaba ka na para mag agahan"dagdag pa nya
Tumango nalang ako at kumuha ng tuwalya pero hindi pa sya tuluyang naka labas lumingon uli sya sa deriksyon ko.
"Sya nga pala anak doon ka na mag aaral sa Hell-ozious University (HU)"
"Ma diba mahal doon at tyaka pwede na man po akong mag-aral lang sa mumurahing University para makatipid naman tayo" pagrereklamo ko
"Anak diba matagal muna ng pangarap na makapag-aral sa school na yon?Diba dapat matuwa ka kasi natupad na ang pangarap mo?" sya
"Oo nga Ma, natutuwa naman po ako pero iba ang sitwasyon noon kaysa ngayon, maiintindihan ko naman po kung sa mumurahing lang akong University mag-aral tutal parihas lang naman po yun."mahabang paliwanag ko
Pero imbis na sumang ayon sya tinignan lang ako ng masama habang nakakunot ang noo.
"Anak ang gusto ko lang naman maging masaya ka at matupad ang pangarap mo na makapag -aral doon at tyaka wag mo ng promblemahin ang gastos ako na bahala doon tutal nakahanap naman ako ng trabaho kaya don't worry anak kering keri to ng mama mo sige mabihis ka na"sabi nya habang nakangiti at tuluyan ng lumabas sa kwarto ko
Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako at sinuot ang eye glass ko.
Hindi naman malabo ang mata ko, hindi rin po ito disguise kailangan ko talaga ito suotin para sa kaligtasan ko.
Bumaba na ako at kumain pagkatapos kong kumain tumayo na ako para makapag paalam na kay Mama.
"Ma alis na po ako, bye Ma"ako sabay halik sa kanyang pisngi
"Anak mag inggat ka at umuwi ka ng maaga at tyaka ingatan mo yang salamin mo na hindi mahulog o masira, alam mo naman diba pag sa oras na matanggal yan sa mata mo?"paalala nya
"Opo Ma, alam ko na po yun kaya don't worry mag iingat ako at iingatan ko po rin tung salamin para hindi mahulog"
*********
Sa School
Nandito na ako sa labas ng gate, hindi pa ako pumasok dahil tinignan ko kung gaano kalaki ang eskwelahang ito.
Ang laki talaga kaya pala ang mahal ng tuition fee dito.
Hinakbang ko ang mga paa ko ng ilang bises para makapasok pero hindi pa ako tuluyang nakapasok may tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
TerrorThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...