Tatayo na sana ako pero maybiglang humila sa paa ko dahilan upang mahiga ako sa sahig at kinaladkad.
Pilit kung sinipa sipa ang kamay nya na nakahawak sa paa ko pero di ko magawa. Kahit anong gawin ko wala paring nangyayari. Hawak pa rin nya ako. Ang higpit higpit ng pagkakahawak nya sa paa ko. Dahilan upang manghina ako.
Sumasakit na rin ang lalamunan ko sa kakasigaw ng tulong. Kahit lakasan ko pa wala pa ring na kakarinig ni isa, wala paring dumadating na tulong.
Kahit anong pagmamakaawang gawin ko para bitawan nya ako pero parang wala lang syang narinig dahil patuloy parin sya sa pagkaladkad sakin.
Gusto ko mang makita ang mukha nya pero di ko maaninag dahil sa sobrang dilim.
Hanggang sa hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko at ang huling salita na lumabas sa bibig ko ay"please bitiwan mo na ako,parang awa mo na,ano ba ang kasalanan ko sayo,Ano ba?!" At tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagising nalang ako dahil sa ingay ng tubig. Tsk. Hindi ba sila marunong magtipid? Hanggang ngayon nakabukas ang gripo hindi man lang sinarhan.
Minulat ko ang mga mata ko at ngayon ko lang napagtanto na nasa CR na ulit ako.
Anong nangyari sa akin? Paano ako napunta dito? Panaginip lang ba yung nangyari sa akin kanina?Pero impossible.
Tinignan ko ang paa ko at tama nga ang hinala ko totoo ang nangyari at hindi yun panaginip. Dahil may nakita akong dugo na nanggagaling sa kamay ng humawak sa akin kanina.
Tinignan ko ang relo ko at 8:03 pm na pala. Siguradong nag aalala na ngayon sa akin si Mama. Pinilit kung tumayo kahit sumasakit parin ang katawan ko sa pagkakaladkad sa kin kanina.
Lumabas na ako at sumalubong sa kin ang tahimik na paligid. Matiwasay at walang kahit anong ingay, ang tanging naririnig ko lang ay ang mga tunog ng insekto at mga yapak ng paa ko.
Ilang sandali pa ay may narinig na naman akong sumisit sit sa likod ko. Kahit kabadong kabado na ako nagpatuloy parin ako sa paglalakad at hindi ko pinansin.
Akala ko titigil na kung sino mangsumisit sit sa akin pero palakas ito ng palakas. Kaya nagpasya akong huminto pero nakatungo.
Pinikit ko ang mata ko. Sobrang kinakabahan na ako at nanginginig na ang tuhod ko. Hanggang maramdaman kung mainit na hininga sa leeg ko.Nabigla ako ng biglang may humawak sa balikat ko.
Ilang sandali pa ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak nya sa balikat ko. Kahit kinakabahan na ako pinilit ko paring humarap.
"Oh Sillie ikaw pala yan"pagkarinig ko sa boses ni Mang Danny nabawasan ang kaba ko huminga ako nang mamalalim bago nagsalita.
"Goodevening po Mang Danny"sabi ko sabay ngiti sa kanya. Si Mang Danny ay isa sa mga security guard dito.
"Masyado ata kitang natakot hija. Hindi ko alam matakutin ka pala. Bawas bawasan mo ang pag inom ng kape para bawas nyerbos"pagbibiro nya sa akin"Teka bakit nandito ka pang bata ka. Gabi na ah"dagdag pa nya at kinabigla ko. Di ko naman pwedeng sabihin sa kanya na minumulto ako kaya ako ginabi dahil baka pagtawanan pa nya ako at sabihing nakahithit ako ng katol.
"Ho?Ahhh- ehh uhmm ano po k-kasi na c-community service po k-kasi ako. Oo tama po na community service po ako at ngayon ko lang natapos."sana maniwala ka Mang Danny ,sana.
"Ahhh ganon ba, may pagkapilyo ka palang bata ka akala ko mabait ka. O sya umuwi ka na. Ihahatid na kita palabas ng gate baka may mangyaring masama sayo dito ako pa ang pagbintangan dahil duty ko pa naman ngayon"sa halip na sagutin ko tumawa nalang ako at sabay tango.
Matapos ang ilang oras ng byahe dumating na rin ako. Ang sakit panga ng katawan ko lumala pa dahil sa sikip ng jeep.
Ilang hakbang pa ay nakasalubong ko na si mama na nakakunot ang noo. Patay lagot ako nito. Anong sasabihin ko. Hindi naman sya maniniwala pag sabihin kong na community service ako dahil alam naman nya na hindi ako gagawa ng ganong bagay na mamaaring makakasira sa grades ko.
"Saan ka galing?Bakit ngayon ka lang?"simula nya
"Hindi mo ba alam kung anong oras na? Alalang alala ako sayo dito baka may mangyari masama sayo. Tinawagan naman kita pero hindi naman kita macontact. Alam mo bang hindi ako mapakali sa kakaisip sayo?"dagdag nya.
"Sorry po ma hindi na po mauulit"yun nalang ang nasabi ko dahil ayaw namang magsinungaling kay mama.
"Siguraduhin mo lang Sillie. Wag mo nang ulitin to. Kung malalate ka ng uwi pwede ka namang tumawag para hindi ako mag alala sayo. Naintindihan mo ba?"tumango nalang ako at hindi na nagsalita. Pumasok na rin kami sa loob ng bahay. Aakyat nasana ako sa kwarto ng biglang nagsalita si mama.
"Anak dumaan pala ang mga kaibigan mo dito kanina. Sabi nila kailangan mong sumama sa Fieldtrip bukas at mag impaki ka na daw ngayon. Susunduin ka nalang nila dito bukas."
Dumaan pala sila Patty dito. Tss. Wala sana akong balak sumama pero baka magalit sila Kristyle sa akin kaya no choice ako.
Pagpasok ko sa kwarto ko nagbihis muna ako. Pagkatapos kong magbihis nag impako agad ako. Maliit lang ang dinala kong damit total 3 days lang naman.
Pagkatapos kong mag impaki humiga na ako sa kama ko. Bigla namang sumagi sa isipan ko ang nangyari sa akin kanina sa library. Paano pala ako napunta ulit sa CR? May tumulong ba sa akin? Kung ganon kung sino man iyon nagpapasalamat ako. Kahit iniwan lang nya ako sa CR.
♡IwaynEix
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
HorrorThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...
