Secret 16

949 23 3
                                        

Tanghali na akong nagising ngayon kaya nagmamadali akong nagbihis. My god ang bobo kasi ng alarm clock ko.

Ilang oras ding nakalipas natapos na rin akong mag ayos kaya nagpasya akong bumaba na para kumain.

"Oh anak ang tagal mong bumaba ha. Late kana mag a-alas otso na"bungad ni mama pag baba ko.

"Napasarap kasi ang tulog ko kaya natagalan ako nang gising."sagot ko sa kanya

"O sya, kumain ka na at tyaka pag katapos mong kumain iwan mo nalang dyan ako na ang magliligpit"bilin nya bago umalis sa kusina.

Ilang oras ding nakalipas tapos na akong kumain. Nagpaalam na ako kay Mama na papasok na ako. Nag abang na ako ng taxi at hindi din tumagal may huminto sa harap ko kaya sumakay na ako.

Nandito na ako sa harap ng School ngayon. Habang papalapit ako sa gate naalala ko na naman ang nangyari kay manong Junie. Ngayong umaga darating ang bangkay nya sa kanilang bahay galing sa morque. Pati ang mga pamilya nya ay hindi makapaniwala sa kanyang maagang pagpanaw kaya labis silang nalungkot.

Hinakbang ko ang mga paa ko hanggang malampasan ko na ang gate ng school at nakapasok na ako sa loob. Patuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa nakita ko sila Patty papunta sa deriksyon ko.

"Hay mabuti nandito kana. Kaloka ka ang tagal mong pumasok pinaghintay mo pa ang kilay ko"napataas ang kilay naming tatlo sa sinabi ni Grace . Kahit kailan nakaka asar to si Grace.

"Yacks! Wag ka ngang feeling maganda Grace kung makaasta to akala mo magkamukha tayo. FYI mas maganda ako kaysa sa iyo"pambabara ni Kristyle sa kanya. Umagang umaga mag babangayan tung dalawang ito. Hindi ba pwedeng mamaya nalang.

"Tama na nga yan. Ang aga pa para sa bangayan nyo. Tayo na baka mahuli na tayo dahil kahit anong gawin nyo mas maganda ako kaysa sa inyong lahat"sabi ni Patty dahilan para mabilaukan si Grace at Kristyle sa kanilang sariling laway.

Sa totoo lang magaganda naman silang tatlo. Nagtataka nga ako kung bakit sila nakikipag kaibigan sa isang katulad ko.

Naka ilang hakbang na kami bago kami dumating sa Room namin. Pagpasok namin busy lahat ang mga estudyante sa kaka tsismis at nakita ko rin si Angel kasama ang mga Alipores nya.Mabuti nalang at hindi na mainit ang dugo nya sa akin. Nagtataka nga ako kung bakit bigla nagbago ang pakikitungo nya sa akin.

Umupo na kaming tatlo dahil magkatabi naman kami. Mabuti nalang at wala pa ang Proof namin. Kaya nagkwentuhan muna kami.

Makalipas ang ilang minuto dumating na rin ang prof namin.

"Good morning class"bati ni Maam sa aming lahat kaya nagsitayo kami para magbigay galang.

"Good morning din po Ma'am"sabay naming sabi lahat

"Ok class,take your seat"sabi nya at umupo na kami.

Ilang segundo ding nakalipas bago uli nagsalita si Maam. At ang sabi nya may bago dawng kaming transferee kaya ang mga kaklase kong babae naghiyawan maliban lang sa aming apat. Ang ilan pa ay nagbulong bulongan kung 'lalake ba or babae' at ang sagot ni Maam lalaki kaya mas lalong lumakas ang hiyawan sa loob ng classroom.

"Sshhh class, shut up. Wag kayong maingay."sita ni maam sa kaklase ko at tumingin sa labas ng pinto
"Ok Mr. Martinez maari ka ng pumasok"sabi ni Maam sa lalaking nakatayo sa labas ng pinto.

Martinez? Parang narinig ko na yang apelyido na yan ha. Familiar ang tunog pero hindo ko lang maalala kong saan ko narinig or kanino.

Ng dahil sa pag iisip ko hindi ko namalayan na pumasok na pala siya. Pag pasok na pagpasok nya naghiyawan ulit ang mga 'malalandi' kung mga kaklase. Tinignan ko sya at nakita ko syang lumingon lingon parang may hinahanap at ng madako ang tingin nya sa akin doon sya huminto at tumitig sa akin. What's wrong with him? Parang familliar ang mukha nya. Saan ko ba sya nakita?

Inangat ko ang paningin ko at nakita ko ang lalaking. Tama. Kaya pala familliar ang apelyido nito dahil ito yung lalaking nakabangga nya sa mall kamakailan lang. Transferree? Ohhh.

'Ahhhhhhhh'

Oh my god S-si Ace n-nagbalik sya?

Kyaaa!! Tama ang hinala ko babalik sya

Kailan ba talaga sila titigil sa kakahiyaw. Talagang naririndi na ako. Kung pwede ko lang saksakan ng papel ang bibig nila matagal ko ng ginawa. Pero ano tong narinig ko? Nagbalik? Bakit nanggaling na ba itong lalaking ito sa paaralang ito?

"Mr. Martinez please introduce your self"sabi ni Maam sa kanya

"No need Ma'am, I know that they know me.Diba?"sagot nya at tumingin sa mga kaklase ko. Tumango naman silang lahat. Akala ko ba transferee? May transferee ba na kilala na noon pa? Baka naman galing na to dito sa paaralang ito tapos bumalik lang.

"Ok. Kung ganon, umupo ka na sa tabi ni Ms. Sebastian dahil ito lang ang bakanteng upuan"Shit! Luminga linga ako sa paligid para kung may iba pa bang upuan pero wala na talaga at dito pa sa tabi ko.

Ace Pov

Buti nalang at katabi ko sya. Hindi na ako mahihirapang maging kaibigan sya. Umupo na ako sa upuan kong saan katabi sa upuan ni Sillie. Why are the two of you are the same aura? Hindi ako nagkakamali magkamukhang magkamukha talaga silang dalawa.

Tumingin ako sa gilid ni Sillie at nakita ko sila Patty , Kristyle, at Grace na kitang kitang naguguluhan. Alam kong tinatanong nila sa isip nila kung bakit ako bumalik. Well, I guess secret ko na yon.

♡IwaynEix

The Library's SecretMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon