Secret : 26

819 14 0
                                        


Silie's Pov

Pagkatapos ng nangyari kanina nagpasya nalang sila Sir MK na hindi nalang ituloy ang field trip. Dahil ang sabi nya baka may sumunod pa na mabiktima at sumang ayon naman ang lahat ng dahil na rin sa takot.

Ilang oras din ang byahe at nakarating na rin kami. Nag si kanya kanyang alisan ang lahat habang ako ay naiwan. Sila patty na rin nauna na.

Gusto ko munang pumunta sa morgue kung saan dinala ang bangkay ng babaeng namatay kanina.

Pumara ako ng taxi at sinabi ang address na pupuntahan ko.

Ilang oras din ang lumipas dumating na rin ako sa isang hospital. Pumasok ako sa loob, nagtanong muna ako sa Nurse kung may dinala bang babae dito at ang sabi nya meron daw. Pero patay na, kaya sinabi nalang nya sa kin ang daan papunta sa morgue.

Ilang sandali pa ay nahanap ko na rin. May MORGUE'ng nakalagay sa pinto. Inayos ko muna ang salamin ko dahil baka malaglag. Alam kong maraming kaluluwa dito.

Pinihit ko ang pinto at bumukas ito. Pagpasok ko nakaramdam agad ako ng ibat ibang presenya.

Sinawalang bahala ko nalang iyon at humakbang papasok. Pinuntahan ko ang kama kung saan inaligay ang bangkay ng babaeng.

Iaangat ko na sana ang tila pero biglang dumating ang isa sa mga taong nagdala sa bangkay dito kanina.

"Miss kayo po ba ang kamag anak ng bangkay?"agad nyang tanong sakin

"Ahm- hindi po, kasi ano gusto ko lang sanang malaman kung anong ikinamatay nya?"

"Ah yan po"sabay turo nya sa bangkay "Nalason po maam."sagot nya na ikinabigla ko

"L-lason?"di maka paniwalang tanong ko

"Opo, cge po mauna na po ako. May gagawin pa po kasi ako. Maiwan ko muna kayo Maam" paalam nya

Hindi ko na magawang tumango o sumagot dahil sa matinding gulat.

Lason? Paano nangyaring Lason. Baka naman hindi Nalason kundi nilason. Pero sino naman. At anong motibo nya.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang pamilya nya. Kaya nagpasya akong umalis at umuwi para makapagpahinga na rin.

Habang naglalakad ako pa labas may nadako ang paningin ko sa isang lalaki at babaeng naglalakad.

Tama ba tong nakikita kong magkasama? O namamalikmata lang ako.

Si Patty at si Ace magkasama?

Di kaya may relasyon silang dalawa? Pero kung may relasyon sila dapat matagal ko ng alam dahil sikat si Patty at Ace sa school at madaling kumalat ang tsismis dahil laganap na ang mga tsismosa ngayon.

O di kaya'y magaling lang talagang magtago ng sekreto ang dalawang to. Ngayon alam ko na kung bakit pinapaiwas ako ni Patty kay Ace.

Sabi nga nila curiosity can kill a cat kaya natagpuan ko nalang ang sarili ko na sinusundan sila.

Parang may nagtulak sakin na sundan sila. Ewan ko ba di ko alam.

Ilang sandali ay huminto sila sa harap ng restaurant. Habang ako ay nandito lang sa isang poste nagtatago.

Ilang sigundo pa ang nakakalipas may lumabas na isang lalaking nasa 20's. At parang may inabot ito kay Ace pero hindi ko makita kung ano yun. Pagkatapos non umalis na sila at ako naiwang nakatutulala.

Tinignan ko yung lalaking kausap nila Ace kanina at pinuntahan ko yun.

"Ahm excuse-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla  syang tumakbo paalis at parang kinakabahan.

Napakunot nalang ang noo ko dahil sa inasal nya. Parang may ginawa syang crimen at hinabol ng mga pulis. Para syang nakakita ng multo.

Kaya nagpasya nalang ako umuwi nalang para makapagpahinga.

Habang nagbabyhe pauwi hindi ko maiwasang hindi maisip ang nangyari kanina.

Argh!!! Ang dami ko ng iniisip. Una, yung babaeng namatay sa field trip, pangalawa sila Patty at Ace, at pangatlo yung lalaki kanina.

Mababaliw na ata ako nito. Isa lang ang kailangan kung gawin para masagot na ang lahat ng tanong sa isip ko.

Ilang oras ang nakalipas, nandito na ako sa harap ng bahay. Bumaba na ako sa kotse at nagbayad.

Pagpasok ko sa loob bumungad sa kin si mama na nakaupo at agad syang napatingin sa akin.

"Oh akala ko ba tatlong araw ang field trip nyo? Napa aga ka yata.Eh kahapon lang naman kayo umalis ah" nagmano muna ako sa kanya bago ko sinagot ang tanong nya.

"Mahabang kwento po ma. Cge po, punta muna po ako sa kwarto ko magbibihis lang ako"

"Oh sige. Kumain ka na ba? Ipagluluto kita" tumango nalang ako at umakyat na sa taas.

Pagpasok ko sa loob, hindi ko na magawang magbihis dahil sa sobrang pagod at dami ng iniisip.

Kaya deritso akong humiga sa kama ko hanggang sa tuluyan na akong tangayin ng antok.

♡IwaynEix

The Library's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon