6 years ago
Abalang abala sa pag iimpake ang mga magulang si Sillie. Hindi parin nya inaasahan na sa araw na ito ang bakasyon nila.
Hindi mawala sa labi ni Sillie ang ngiti dahil sa sa labis na kasiyahan.
"Papa, ilang araw po tayong magbabakasyon?"tanong ni Sillie
"One week lang anak kasi marami pang trabaho si Papa, pero nak don't worry I will make you happy in our vacation"sabi ng kanyang ama
Tinawag na ng kanyang papa ang mama ni Sillie para tuluyan na silang makaalis. Ilang segundo ang lumipas lumabas na rin si Margarete ang ina ni Sillie na dala ang isang malita.
"Hon, ang dami mo namang dala, para kang magbabakasyon ng isang taon"pagbibiro ni David ang asawa ni Margarete
"Alam mo naman hon, ang anak natin kahit saan pumupunta kaya madaling pagpawisan so I bring a lot of clothes for her" sabi ng Mama nya at binigyan ng halik sa pisngi ang asawa
"Ok hon, lets go?"tanong ni David at tinignan si Sillie "Baby girl are you ready for our vacation?"
"Yes Pa, Im so ready"sagot naman nya
Kinuha na ng driver ang mga maleta nila at pinasok na sa kotse.
Papasok na sana sila sa loob ng nagsalita si David.
"Shit! I forget my wallet, f*ck!" mura ng kanyang ama
"Pst! Don't curse if your daughter is here" sita ni Margarete
"Oh sorry, babalik ako kukunin ko lang ang wallet ko sa loob"sabi ni David
"Sama ako naiihi kasi ako"tugon uli ni Margarete
"But your daughter is-" hindi na natapos ang gustong sasabihin ni David dahil nagsalita na si Sillie
"Its ok Dad, nandyan naman si kuya Roger , don't worry I'll be fine" sabi ni Sillie habang tinignan si Roger ang driver nila
"Thanks baby, naiihi talaga si mama eh,babalik ako agad " paalam ni Margarete
"Its ok Ma, go baka hindi mo na mapigilan ang ihi nyo at tuluyan ng lumabas"pagbibiro ni Sillie
Ngumiti nalang si Margarete at tuluyan ng pumasok sa loob kasabay ang kanyang asawa.
Habang Sillie ay naghihintay sa loob nakaramdam sya ng pag inip dahil sa tagal bumalik ng kanyang mga magulang.Bumaba sya sa kotse at tumingin tingin sa paligid.
"Iha pahingi po ng barya,nagugutom kasi ako" nabigla si Sillie ng may nagsalita sa likod nito at nilingon nya kung sino iyon at nakita nya ang isang matanda.
"Lola sorry po pero wala po akong barya eh pero po may pagkain po ako sa loob ng kotse, saglit lang po wag kayong umalis dyan" sagot naman ni Sillie
Hindi na hinintay ni Sillie ang sagot ng matanda dahil pumasok na sya sa loob. Kinuha nya ang isang lalagyan na may lamang hamburger at spaghetti.
Pagbaba nya bibigay nya agad ito sa matanda at ngumiti.
Nagpasalamat ang matanda kay Sillie. Papasok na sana sa loob ng kotse si Sillie ng biglang nagsalita ang matanda.
"Iha ,maaari ba kitang hulaan?"tanong ng matanda
" Hula?, wag na po ayos lang"pag tanggi nya
"Iha sige na kahit saglit lang"pakiusap ng matanda sa kanya
Ang kulit naman ni lola
Sabi ni Sillie sa kanyang isip
"Sige na nga po-" hindi na natapos ang sasabihin ni Sillie dahil may tumawag sa kanya. Nilingon nya kung sino at nakita nya ang kanyang magulang papunta sa deriksyon nya.
"Sillie anak sorry natagalan kami ang Papa mo kasi nakalimutan nya kung saan nya inilagay ang wallet nya." biglang sabi ng kanyang ina at tinignan ang matanda na katabi ni Sillie
"Lola,pasensya na po ha pero po kailangan na po naming umalis may lakad pa po kasi kami eh sa susunod nalang po"pagpapa alam ni Sillie
"Baby, Who is she?" tanong mg kanyang Ina
"Hindi po kilala si lola kasi po nakatayo lang ako dito at lumapit po sya akin at nanghingi ng pagkain kaya binigayan ko po sya" paliwanag ni Sillie
"Wow good girl naman ng baby ko so, shall we?"tanong ng kanyang ama
"Lola pasensya aalis na po kami"paalam ni Margarete at tuluyan ng kinarga si Sillie para makapasok na sa loob.
Sumakay na silang lahat at tuluyan ng binuhay ang makina sa kanilang driver at pinatakbo.
Naiwang mag isa ang matanda at hindi inalis ang paningin sa sasakyan hanggang tuluyan na itong naglaho sa kanyang paningin.
Sana maging matatag ka iha, tanggapin mo ang binigay na biyaya sa iyo dahil ikaw ang magiging susi sa isang problema haharapin mo sa hinaharap. Sana mag ingat ka rin dahil karugtong nyan ang iyong kapahamakan.Malapit ng magising ang iyong kakayahan, malapit na.
Sabi ng matanda sa kanya isip
Ilang minuto ng nakalipas pero hindi parin sila nakarating sa kanilang destinasyon.Kaya nagpasya si Sillie na matulog muna para hindi sya mapagod pagdating nila.
Ipinikit nya ang kanyang mata at isinandal ang kanyang ulobsa balikat ng kanyang ina.
Ilang sandali lang ay malapit na syang tangayin ng antok ng biglang nagpreno ang kanilang sasakyan kaya bigla syang nagising at niyakap ng kanyang ina para hindi masusub ang mukha sa harap.
"Oh my god Roger, What's happening?"tanong ng kanyang ina
"Sorry po Maam, may tumawid po kasing isang babae muntik ko na pong masagasaan"sagot naman ng kanilang driver
"Shit! Tignan mo Roger baka tuluyan mo ng nasagasaan "utos ni David
Bumaba na si Roger para tignan at kamustuhin ang babae kung ayos lang ito pero laking patataka nya dahil wala namang babae. Inisip nya baka namamalikmata lang sya pero hindi sya naniniwala dahil malinaw na malinaw na may babaeng tumawid kanina.
Bumalik na sya sa loob at pumasok. Sinabi nya sa sir nya nawala namang babae kaya nakahinga si Margarete ng maluwag dahil wala silang proproblemahin sa pang oospital nito.
Bago pinaandar ulit ni Roger ang sasakyan sanabihan sya ni David na mag inggat sa pagmamaneho dahil nandito ang kanyang anak. Tumango naman si Roger at tuluyan ng pintakbo ang sasakyan.
Habang si Sillie ay tumingin sa labas at nakita nya ang isang babaeng naka kamisitang puti, mahaba ang buhok, may dugo ang damit at nakatunggo.
Pumikit sya ng mariin at pagdilat nya nakatingin na sa kanya ang babae at tinitigan sya nito hanggang malampasan na ito sa kanilang kotse.
Hindi mawala sa isip ni Sillie ang babae at iniisip nya na baka namalikmata lang sya pero may parte sa kanyang isipan na nagsasabing totoo ang kanyang nakikita at hindi guni-guni lang.
Bakit madalas na akong nakakakita ng hindi ordinaryong bagay? Pangatlo na ito, ang una sa school , pangalawa sa park at pangatlo dito. Anong nangyayari sa akin?
Tanong nya sa kanyang sarili
♡IwaynEix
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
TerrorThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...
