Dalawang araw ng nakakalipas simula noong natagpuan ang bangkay ng mga kaibigan ni Angel. At pati si Angel magmula noong namatay ang mga kaibigan nya lagi nalang syang mag isa. Minsan parang may kinakakatakutan sya.
Magulatin na sya masyado. Kasi noong may biglang sumigaw na estudyanteng bigla nalang syang umiyak at nagmamakaawa. Naawa nga ako sa kanya baka masyado nyang dinibdib ang pagkamatay ng mga kaibigan nya.
Last subject na ito ngayon at papasok na ako sa room namin. Habang naglalakad ako nabigla nalang ako ng may bumangga sa akin dahilan para mapaupo ako sa lupa.
Inangat ko ang paningin ko at nakita ko si Angel na umiiyak. Tinignan nya lang ako at tumakbo uli. Tss. Hindi man lang ako tinulungan o nag sorry.
Pero bakit umiiyak sya. Hindi naman sya maiyakin noon. Sa totoo nga maraming takot sa kanya dahil sya ang UBQ- ULTIMATE BULLY QUEEN. But now she's crying. What's happening to her?
Kaya dali dali akong tumayo at nagpasya sundan sya. Pero napuntahan ko na lahat ang pwede nyang puntahan pero ni-anino nya hindi ko nakita. Isa lang ang naisip ko na lugar kung saan sya pumunta dahil lahat ng lugar napuntahan ko na para mahanap sya maliban nalang sa library. Pero anong gagawin nya doon?
Kailangan kong magmadali baka may mangyaring masama sa kanya. Kaya tumakbo ako agad at nagtungo sa library. Ang libraryng puno na kababalaghan at mysterio.
Ilang hakbang pa ay dumating na rin ako. Kahit kinakabahan ako na baka mangyari na ulit yung nangyari sa akin noon pero hindi ako nagpatinag. Kung iisipin ko ang takot ko baka may susunod na namang mabiktima. Baka may mamamatay na namang inosenteng tao.
Kaya hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang pinto at pumasok. Kagaya parin ito nang dati parang isa lang itong ordinaryong library. Library na walang nabiktima, at namatay. Malinis pa rin ito at nasa ayos parin ang mga upuan.
Kung hindi mo alam ang totoong istorya ng library ito masasabi mong isa itong simpleng library lang. Walang namamatay, pinapatay at pumapatay. Natigil ang pag iisip ko ng may narinig akong isang tawa.
Hinanap ko kung saan galing ang boses at may nakita akong babaeng naka upo.
Parang kilala ko ang babaeng ito. Hindi ko masyadong maaninag kasi madilim kaya nagpasya akong lapitan ito. At tama nga ang hinala ko nandito sya.
Pero bakit nagsasalita sya mag isa. Tumatawa at magsasalita ulit. Baka tama ang sinasabi nila na nababaliw na si Angel. Yes, tama kayo si Angel ang nakita ko na nagsasalita at tumatawa mag isa.
"So Ayanna Friends?"sabi niya sabay lahad nang kamay at para makipagshake hands. Pero anong sabi nya? Ayanna? Tama ba ang narinig ko Ayanna? O nagkamali lang ako ng dinig?
Ayanna sya ang sinabi sa akin nila Patty na kamukha ko. At si Ayanna din ang hinala ko na sya ang pumapatay.Nagsimula ang hinalang ito noong pinagtakaan nya ang buhay ko.
Pero akala ko patay na sya. Bakit nakikita sya ni Angel? Bakit nakikipag kaibigan sya nito? Sana mali ang hinala ko sana mali. Baka, baka s-si A-angel na ang isusunod na bibiktimahin nya.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at nilapitan ko agad si Angel. Tinanggal ko ang eyeglasses ko para makita ko sya.
Pagtanggal ko shit! Ang daming multong nakapalibot sa amin hindi lang isa kundi mahigit sampu. Kinakabahan na ako. Tama ba ang desisyon ko na tanggalin ang salamin ko?
Humarap ako at nakita ko si Ayanna na nakatayo, duguan. Kahit kinakabahan ako mas pinili kung maging matatag para makalabas kami ng buhay dito.
"What is your problem bitch? Bakit bigla ka nalang sumusulpot?"nagagalaiting tanong ni Angel sa akin.
Hindi ako makapag isip ng maayos dahil ang daming multong nakapaligid sa amin. Kinakabahan ako halos lahat sila ay duguan.
Kaya nagpasya akong kaladkarin si Angel para makalabas na kami pero hindi pa man kami nakakalabas ng pinto bigla nalang itong sumara.
Shit lagot na.
"Ano ba bitch? Could you please don't touch my hand. At tyaka bakit bigla kanalang nangagaladkad ha? Kita mo may kausap pa ako"sabi nya sabay turo kay Alyanna.
"Walang lalabas sa inyo"nabigla nalang ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Lumingon ako kaagad at nakita ko si Alyanna. Paano sya napunta sa likod ko e kanina nakatayo lang sya doon.
"Ano ba Sillie bitawan mo nga ako"pagpupumiglas ni Angel
"Wala ng panahon kailangan na nating makatakas dito sa lalong madaling panahon"sigaw ko sa kanya pero parang wala lang syang narinig
Kaya tumakbo na kami papunta sa harap ng pinto. Kinatok ko ito at pinaghahampas.
"Tulong! Tulong! Tulongan nyo kami"sigaw ko sabay hampas sa pinto.
"Tulong! May tao ba sa labas. Please tulungan nyo kami"sigaw ko uli pero ni isa walang sumagot. Tinignan ko si Angel at nakatungaga lang at inikot ikot ang buhok nya gamit ang isang daliri nya.
Hindi ba nya alam na nanganganib na ang buhay namin dito? Ako halos mamatay na sa kaba pero sya parang walang alam sa mga nangyayari.
"Tulong! Please tulungan nyo ako"sa pagkakataong ito mas nilakasan ko na ang sigaw at paghahampas ko sa pinto. Kahit sumasakit na ang kamay ko tiniis ko pa rin.
Tumingin ako sa likod ko at pag tingin ko wala na sila lahat. Wala na ang mga multo at pati narin si Alyanna. Akala ko papatayin na nila kami. Akala ko katapusan ko na. Pero bakit parang wala syang ginawa sa amin?
Nabigla nalang ako ng biglang bumukas ang pinto. At bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Ace. Yes tama si Ace ang nasa harap ko ngayon.
Pero ang lalong nagpabigla sa akin ay ang pagyakap nya sakin. Niyakap nya ako ng sobrang higpit at halos hindi na ako makahinga.
"A-aray k-ko A-ce di a-ako maka-hinga"sabi ko dahilan para lumuwag ang yakap nya sa akin.
"Sorry Sillie. Sorry. Nabigla lang kasi ako. Dahil sa sobrang pag aalala ko sayo di ko na napigilan ang sarili ko."sagot nya na ikinapula ng pisngi ko. Tama ba ang narinig ko? Nag aalala sya sa akin? Pero bakit naman.
Baka nag aalala lang sya sayo bilang kaibigan
Tama ka konsensya tama ka baka nag aalala lang sya sa akin bilang 'kaibigan'.
"Ahh ayos lang ako Ace. Tyaka paano mo nalaman na nandito pala kami?"tanong ko sa kanya.
"Ahhh kasi napadaan kasi ako at may narinig akong sumisigaw ng tulong at tyaka alam kong ikaw yun kaya nagmamadali akong pumunta dito. Para iligtas ka"sabi nya at titig na titig sa akin. Anong problema nya? Nakakailang kasi ang titig nya sakin.
"Ahh Salamat pala kung ganon Ace"sabi ko pero nakatitig parin sya sa akin. Ano bang problema nya?
"Walang ano man. Ah Sillie mas maganda ka pala kung walang salamin. Hindi ko kasi masyadong napagmasdan noong nandon kapa sa Condo ko"shit! nakalimutan kong isuot ang salamin ko. Kaya pala kanina pa sya titig na titig sa akin. Kinapa ko ang mukha ko at nagmamadaling isuot ang salamin ko. Buti nalang walang mga multo.
Hindi na ako sumagot at binigyan ko nalang sya nang ngiti at binaling ko ang tingin kay Angel pero pagtingin ko wala na sya roon. Baka umuwi na.Tsk. kawawa naman si Angel parang nababaliw na. Sana mapatingin na sya ng mga magulang nya para hindi na sya magmukhang baliw at bumalik na sya sa dati.
♡IwaynEix
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
HorrorThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...
