Ace's Pov
Habang bumabyahe hindi ko maiwasan hindi sumisilip kay Sillie na mahimbing na natutulog sa tabi ko.Ang aliwalas ng mukha nya kahit may salamin.
Hindi sagabal ang salamin nya para makita ang maganda nyang mukha. Medyo humihilik sya pero hindi naman malakas.
Ilang segundo rin akong nakatitig sa kanya hanggang gumalaw sya at dahilan para mahulog ang salamin na suot nya. Akala ko magigising sya pero nagkakamali ako. Hindi nya naramdaman na nahulog ito dahil tulog pa rin sya. Kaya nagpasya akong pulutin ito.
Yumuko ako para maabot ang salamin. Nang nahawakan ko ito agad akong umayos ng upo. Gusto kung isuot ulit ito kay Sillie pero baka magising sya.
Kaya nagpasya nalang akong hawakan ito at ibibigay ko nalang sa kanya mamaya paggising nya.
Tika, parang pamilyar ang salamin. Nakita ko na ba ito noon? Pero kanino?
Sinuri ko ang buong salamin dahil parang pamilyar talaga. Gusto kung malaman kung saan ko ito nakita. Habang sinusuri ko ito may nakita akong maliit na nakasulat sa gilid ng salamin.
"Ano to?Karaxom milakuomb maejor hilsir malyen wulron keoejon shalye tarkyom?" basa ko pero hindi naman malakas.
Anong ibig sabihin nito? Tyaka anong language ito? Ang weird ha.
"Bakit hawak mo ang salamin ko?"
Nabigla nalang ako ng may biglang nagsalita. Agad kung binaling ang tingin ko sa taong nagsalita at nakita ko si Sillie na ang sama ng tingin sa kin.
Akala ko sasaktan nya ako pero nabigla ako ng bigla nyang hinablot ang salamin na hawak ko at agad nya itong sinuot. Para syang nataranta ng makita nyang hawak ko ang salamin nya. Anong problema nya? Wala naman akong balak na masama sa salamin nya. Tyaka nagmagandang loob na nga ako na pulutin ito para hindi mabasag.
"Bakit mo hawak ang salamin ko?"ulit nyang tanong pero iba ito ngayon. Mas diniin nya ang bawat salita.
"Ops! Sillie wag kang magalit sa akin. Wala akong balak na masama sa salimin mo. Nahulog kasi yan kanina noong natutulog ka kasi gumalaw ka kaya akong pinulot ko. Isusuot ko sana uli sayo pero baka magising ka kaya hinawakan ko muna at ibibigay ko nalang sayo mamaya paggising mo"paliwanag ko
Sillie's Pov
Nagising ako dahil naramdaman ko na sumasakit ang leeg ko. Oh my! Napasarap pala ako ng tulog.
Kasi naman ala una na ako nakatulog kagabi dahil sa pag iisip sa akin noong nanyari kahapon.
Dinilat ko ang mga mata ko at nabigla ako sa nakita ko. Umawang ang labi ko sa pagkabigla dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natataranta na ako.
Bakit hawak ni Ace ang salamin? Paano ito napunta sa kanya?
"Bakit mo hawak ang salamim ko?"tanong ko
Parang nabigla sya dahil hindi nya inakala na gising na ako. Kaya mabilis kong hinablot sa kanya ang salamin na hawak nya at sinuot ko ito.
"Bakit mo hawak ang salamin ko?"ulit kong tanong
"Ops! Sillie wag kang magalit sa akin. Wala akong balak na masama sa salimin mo. Nahulog kasi yan kanina noong natutulog ka kasi gumalaw ka kaya pinulot ko. Isusuot ko sana uli sayo pero baka magising ka kaya hinawakan ko muna at ibibigay ko nalang sayo mamaya paggising mo"sagot nya
Ah ganun ba? Wala akong masabi. Nakakahiya! Akala ko may binabalak syang masama.
Tumango tango ako at nagsalita"Hehe, thank you" yun nalang ang nasabi ko dahil wala naman talaga akong masabi. Tyaka promise nakakahiya.
Kaya agad ko nalang binaling ang tingin ko sa labas ng bintana.
Walang nagsalita sa amin ni-isa at tahimik lang kami buong byahe hanggang sa dumating kami sa baguio.
Ang lamig. First time kung makapunta dito. Noong namatay kasi si Papa sinubsub na ni mama ang sarili nya sa trabaho para daw sa pag aaral ko kaya wala nakaming panahon para makabanding.
Nagising ako sa realidad ng may biglang tumapik sa braso ko.
"Sillie, tayo na bumaba ka na dyan. Kanina pa nakababa yung iba. Tyaka hindi ba umiinit ang pwet mo dyan. 2 hours yata ang byahe natin. Kaya dalian mo tayo na" inangat ko ang paningin ko at nakita ko si Grace. Oy! Hanep grabi excited much.
Hindi nalang ako ng salita at kinuha ko nalang ang bag ko at bumaba na.
Pagbaba ko nakita ko sila Kristyl at Patty na naghihintay sa akin sa baba.
"Akala ko, dumukit na yung pwet mo sa upuan. Wala ka atang balak bumaba. Kung hindi kapa sinundan ni Grace doon hindi ka pa siguro bababa."bakit ang mga sungit ng mga kasama ko ngayon? May period ba tong mga to?
"Sorry nAman. May iniisip lang. Hindi ko naman namalayan na bumaba na pala kayo"
"Oo nga girl. Kitang kita namin kanina kapa kinakausap ni Ace na bumaba na kayo pero ikaw tulale. May problema ba?"tanong ni Patty.
"Wala naman. Tayo na" aya ko at tumango naman silang tatlo.
Habang naglalakad kami ngayon ko lang napansin ang dalawang hawak na maleta nila Kristyl at Grace. Wow! Hanep laki ha. Saan sila pupunta sa Hongkong? Grabe!
Sa amin nga ni Patty bag lang. Tatlong araw lang naman kami dito hindi isang taon. Ang arte talaga ng mga babaeng to.
Ilang sandali pa ay dumating na rin kami. Ngayon ko lang napansin na marami palang tent na nakatayo na.
Handa na pala ang lahat. Mabuti nalang hindi kami ang pinagawa ng tent. Kung hindi siguradong pagod na pagod na ako ngayon.
"Ok class listen,since gabi na at alam namin na pagod kayong lahat sa byahe kaya nagpagkasunduan nalang namin na gagawin nalang natin ang first activity natim natin bukas ng alas kwatro. Kaya dapat magpahinga na muna kayo. Since ready na ang hihigaan natin maghanap kayo ng partner na katabi nyo matulog"announce ni sir MK. May iba pa nga na sumigaw na pwedeng si Sir Mk daw ang katabi nila. Ang iba naman agad nagsikilos at naghanap ng partner. Ako walang problema kahit sino.
Nabigla nalang ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko kaya agad akong napalingon sa likuran ko kung saan nangagaling ang boses. At nakita ko si Ace.
"Ahm, Sillie pwede bang-"hindi natapos ang gusto nyang sabihin dahil sumingit agad si Patty
"Hindi pwede, kami ang magkatabi ni Sillie, kaya maghanap ka nalang ng iba"sabi ni Patty at lumapit naman sila Grace at Kristyl.
Tinignan ko silang tatlo ang talim ng tingin nila kay Ace. Parang galit na galit sila. Parang magkakakilala na sila. May nagawa bang kasalan si Ace sa tatlo dahilan para magalit ang sila?
Pero ano naman?
Yan ang dapat kung alamin. Baka naman-
Oh-my-ghost
Di kaya ex ni Patty si Ace noon tapos niloko ni Ace si Patty.
Patty's Pov
Ano bang balak nya?
Hindi ako papayag na saktan nya si Sillie. Hindi ako papayag.
Sa oras na saktan nya si Sillie ako makakalaban nya. Kaya wag syang magplano ng ikapapahamak ng mga kaibigan ko.
Bakit ba kasi tinanggap sya ni Daddy sa School. Kahit
anong pakiusap ko na e kick out sya pero sabi nya wala naman daw nagawang kasalan si Ace.
Tyaka tinanong nya pa ako bakit ang init ng dugo sa kanya pero hindi ko naman masagot. Hindi pwede!
Kahit na kinakabahan ako paglumalapit sya kay Sillie nagpatay malisya nalang ako dahil baka mahalata nila.
Sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto ni Ace at lumingon sya sa akin.
Ngumisi sya ng nakakakilabot at kinindatan ako.
"Hindi mo ako mapipigilan"yan ang nabasa ko sa bibig nya
Dahilan para makaramdam ako ng kilabot at pag aalala sa mga kaibigan ko.
♡IwaynEix
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
KorkuThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...
