Secret 13

998 22 1
                                        

Hi guyz sana wag kayong mag sawang sumupurta sa story ko

Lab u guyz!!

*******

Patty's Pov

Tila napintig ang tainga ko sa huling sinabi ni Sillie. Ano bang nangyayari sa kanya? Nababaliw na ba sya? Isasakripisyo nya ang sarili nya para lang masagot lahat ng katanungan nya.

Magpapakamatay ba sya? Alam na man nya na delikado pag pumasok ka roon. Walang kasiguraduhan na makakalabas ka pa ng buhay. Pero yan ang hindi ko hahayahang may manyaring masama kay Sillie at sa mga kaibigan ko. Mas gugustuhin ko pang ako nalang ang mapahamak kaysa sila.

"Are you Crazy?You want to sacrifice your life just to solve this mysterious case of the library? Magpapakamatay ka ba?"iritadong tanong ni Grace. Sa ngayon alam kung seryoso na sya kasi nakakunot ang kanyang noo.

"Wag kayong mag aalala sa akin kaya ko naman ang sarili ko"sagot nya

"Ano ba Sillie gumising ka nga. Wag kang umaktong kaya mo ang lahat. Kaya mo ng protektahan ang sarili mo. Mag isip isip ka naman, kung may mangyaring masama sayo paano na ang nanay mo? Paano na ako, kaming mga kaibigan mo? Paano na? Kaya nga may kaibigan ka para may tumulong sayo. Hindi mo lang ito problema Sillie problema din natin to kaya wag mong sarilihin ang lahat."hindi ko na mapigilang hindi magsalita. Nagagalit na talaga ako. Ano bang gusto nyang mangyari?

"Hindi malulutas ang problema kung wala ang salitang 'pagtutulungan' Sillie. Hindi lahat ng bagay kaya mo. Isipin mong mabuti Sillie buhay mo ang nakasalalay dito kaya isipin mong mabuti bago ka gumawa ng hakbang na baka magsisi kalang sa bandang huli"sagot naman ni Kristyl at tuluyan na kaming umalis sa harapan nya.

Sillie's Pov

Tama naman sila. Walang kasiguruhang magtatagumpay ako sa plano ko. Pero hindi ko kayang tumunganga nalang at hintayin na may mabikitima uli. Paano kung isa na pala sa mga mahal ko sa buhay o ang kaibigan ko ang susunod na mabibiktima? Wala mangyayari kung magpapadaig ako sa takot ko. Wala na akong maisip kundi ito lang. Sana maintindihan nila ako.

Kung ang pagsasakripisyo ko ang paraan para malutas ang kasong ito nakahanda ako, nakahanda akong magpakamatay para mabigyan naman ng hustisya ang mga nabiktima.

Sana mapatawad nyo ako Patty sa gagawin kung ito. Alam kung iniisip nyo lang ang kaligtasan ko pero mas importante sa akin ang kaligtasan ng nakakarami.

Tuluyan na akong umalis sa Canteen at ngayon nandito na ako sa harap ng library. Sana Patty maintindinhan nyo ako. Pinihit ko na ang pinto ang mabuti hindi ito nakalock.

Oo nga no, alam nila na mapanganib pumasok dito pero bakit hindi nila ilock?
Tuluyan ko ng nabuksan ang pinto at humakbang.

Pagpasok agad bumungad sa akin ang isang malinis na lugar. Walang alikabok, maganda ang arrangement ng libro, upuan at lamesa. Parang ordinaryong library lang ito. Parang walang kababalaghang nangyayari dito.

Nakailang hakbang pa ako may nakita akong isang babaeng nakaupo sa librarian chair. Magkasing edad lang kami.Akala ko ba walang tao rito. Lumapit ako sa kanya.

"Exuse me po ano pong pangalan nila?"magalang kong tanong sa babae.

"Ako si Ayanna Lusania, isa akong librarian dito"sagot nya

Librarian? Akala ko ba patay na ang librarian.
Nagsisinungaling ba sila Patty sa akin? Matagal na daw patay ang librarian dito.Pero sino sya?

"Librarian? Akala ko patay na ang librarian dito?"tanong ko uli sa kanya.

"Ano kaba buhay na buhay pa ako, chissmis lang yun, may pumupunta pa nga dito mga estudyante"sabi nya

"Totoo ba na may pumapatay dito?"tanong ko uli sa kanya

"Ewan ko"matipid na sagot nya at tumalikod

Bakit sya tumalikod? Kinakausap ko pa sya?  Ang weird nya ha.

"Ms. Lusania pwede po bang magtanong uli?"tanong ko sa kanya. Pero ulang segundo ang nakakalipas hindi pa rin sya sumasagot.

Kaya nagpasya akong lumapit sa kanya at kakalabitin ko na sana sya pero humarap na sya sa akin na nakataas ang kutsilyo sa ere.

Dahil sa pagkabigla ko napaupo ako sa sahig. Kinakabahan na ako. Ito yung nararamdaman ko nong pinatay ang papa ko. Takot na takot na ako. Sa sobrang takot ko hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Pero pinili ko ito dapat panindigan ko. Binalaan na nila ako. Kaya hindi dapat ako magsisisi.

Dahil sa kaba ko napaatras ako habang nakaupo. Hindi parin tumitigil ang pag papatak ng luha ko.

"Wag mo akong saktan Ayanna maawa ka sakin"pagmamakaawa ko sa kanya habang nakaupo

Hindi parin sya nagsalita at patuloy parin sya sa paghakbang papunta sa akin.

Umatras parin ako habang nakaupo at patuloy sa pagmamakaawa sa kanya. Hanggang sa may humawak sa balikat ko.

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko sila Patty na nagaalala.

"Thank god nakita ka na rin namin"sabi ni Kristyl

"Ano kaba naman Sillie ang tigas ng ulo mo. Tama nga ang kutob namin na pumunta ka rito. Bakit ayaw mung makinig?"iritadong tanong ni Grace sa akin

Sa halip na sumagot ako lumingon ako sa harap ko kung saan naroroon si Ayanna pero pagtingin ko wala na sya.

"Sillie tumayo ka nga dyan"sabi ni Patty at tinulungan akong tumayo

Dinala nila ako sa Room namin. Wala nang mga estudyante. Tinignan ko ang paligid at dumidilim na pala. Umupo ako sa isang upuan dahil nanginginig parin ang tuhod ko.

"Sillie ano ba talaga ang gusto mo? Diba pinagbawalan ka na naming pumasok sa library? Bakit Sillie, pag malulutas mo bang problemang ito magiging bayani kaba ng pilipinas? Malalagay ba ang larawan mo sa Malacañang? Hindi. Hindi basta problema lang buhay ang nakasalalay rito. Naiintidihan mo ba Sillie?"sabi ni Grace

"Napaka selfish mo Sillie. Sarili mo lang ang iniisip mo. Napaka selfish mo"sigaw ni Kristyl sa akin at hinawakan ni Patty para pakalmahin

Selfish? Ako? Hindi ba nila nakikita na ginagawa ko ito para sa kanila? Handa kung isakripisyo ang sarili ko para sa kanila. Tapos ngayon ako pa ang selfish.Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko.

"Selfish? Hindi mo ba nakikita Kristyl handa akong magsakripisyo para sa lahat,  para sa inyo dahil ayaw kong may mangyaring masama sa inyo. Ayaw kung mapahamak kayo dahil ganun ko kayo kamahal bilang kaibigan. Handa akong magsakripisyo para sa kaligtasan nyo. Paano kong kayo ang isusunod? Gusto nyo bang tumunganga nalang ako dito at maghintay kung sino ang susunod na mabibiktima? Hindi ako nagpakabayani Grace. Iniisip ko lang ang kaligtasan nyo at ng nakakarami. Bakit hindi nyo ako maintindihan?"sagot ko sa kanila habang patuloy sa pag agos ang aking luha.

"Akala mo ba ikaw lang ang nag aalala para sa kaligtasan namin, natin? Hindi lang ikaw Sillie, kami rin. Walang araw na hindi namin iniisip na baka may mabiktima na ulit, baka tayo na ang susunod. Sana wag kang makasarili dahil hindi lang ikaw ang nag aalala. Paano kung may mangyaring masama sayo kanina? Hindi porque may Third eye ka kaya mo na. Paano? Paano kung baka hindi ka na makalabas. Maswerte ka dahil ikaw pa ang kaunaunahang taong pumasok sa library na nakalabas. Hindi mo ginagamit ang utak mo palagi nalang kami ang iniisip mo. Kung mawawala ka sa mundo paano ang natitirang taong nagmamahal sayo? Paano ang nanay mo? Sana ngayon Sillie isipin mo naman ang sarili mo kahit ngayon lang"mahabang salaysay ni Patty

Tama sila makasarili ako hindi ko iniisip kung anong mararamdaman nila kung mawawala ako sa mundong ito. Paano kung natuluyan ako kanina? Paano na ang nanay ko?

"Atsaka Sillie hindi ka nag iisa nandito lang kami para tumulong sa iyo. Sa ginagawa mo ngayon parang hindi mo kami pinagkakatiwalaan. Paramg wala kaming silbing kaibigan kaya dito kami labis na nasaktan"sabi ni Grace

♡IwaymEix

The Library's SecretMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon