Nakabalik na kami ni Patty sa tent. Kunti palang ang mga estudyante na dumating, ang iba wala pa.
Habang nililibot ko ang paningin ko nakita ko si Angel naseryusong nakatingin sakin at nagtama ang mata namin, mayamaya bigla ito humalakhak.Baliw.
Hindi ko nalang sya pinansin at binaling na lang ang atensyon ko kay Patty na abala sa paghahanda ng makakain namin, nakakahiya naman kung hindi ako tutulong.
After 7 minutes, dumating na rin ang mga ibang estudyante pati sina Kristyl at Grace. May dala silang sarili nilang pagkain. Pero ang iba hanggang ngayon hindi pa nakakabalik.
Nadako uli ang tingin ko kay Angel na kanina na pa ang talim ng tingin sa akin. May hawak itong kutsulyo at pinapatulis.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba ng magtama ulit ang mata namin, walang emosyon syang nakatingin sa akin at ilang sandali pa ay malakas itong humalakhak. Putek! Nababaliw na ata sya.
Simula noong namatay ang mga kaibigan nya nagkakaganyan na sya. Minsan naririnig ko ang mga ibang studyante na pinag uusapan sya dahil na babaliw na daw sya at kinakausap ang sarili.
Minsan din daw nakita nila itong may dalang kutsilyo at inipit sa gilid ng palda nya.
Simula noong marinig ko yon hindi ko maiwasang isipin na baka sya ang pumatay sa mga kaibigan nya o sa iba pang mga biktimang namatay.
Oh my god!
Alam kong mali ang magbintang kung wala kang ebedinsya pero malakas talaga ang kutob ko. Dahil sya lang naman ang huling kasama ng mga kaibigan nya bago ito namatay.
Matagal ko ng minamanmanan si Angel simula noong namatay si Sir Salis. Kasi nag imbestiga ako noon, nalaman ko na ang huling kasama ni Sir noon ay Si Angel dahil may pinasa daw itong test paper bago ito namatay.
At tyaka kina umagahan absent sya. Pero hindi parin ako sigurado kailangan ko pang humanap ng magpapatunay sa kutob ko at wala ng ibang paraan non kundi ang bantayan at imbestigahan ang mga kakaiba nyang kinikilos.
Malaki ang posibilidad na sya talaga ang killer at sya ang pumatay sa mga kaibigan nya dahil sya ang huling kasama nito.
Kasi nakikita ko sya na palaging may dalang kutsilyo.
Natigil ako sa pag iisip ng may biglang kumalabit sa akin at nakita ko si Patty.
"Is there something wrong Sillie?Kanina ko pa napapansin na nakatulala ka"
"Nothing, may iniisip lang ako"
"What's is it? Come on.Spill it out. Baka matulungan kita"usisa nya.
Oh my god! Patty is always Patty, may pagka tsismosa.
Tumikhim ako bago nagsalita"Ahm- kasi hindi naman sa pambibintang kasi Pat parang may hinala na ako kung sino ang pumapatay"dahil doon napakurap kurap sya. Lumingon lingon muna sya na para bang may hinahanap. At ilang sandali ay bumalik ulit ang tingin nya sakin pero seryoso na ito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi pa man ako sigurado pero pakiramdam ko talaga sya eh. Mababaliw na ata ako nito."
"Sino ang tinutukoy mong killer?"
"Ahm kasi- si Angel malakas talaga ang kutob ko na siya. Hindi na man sa pagbibintang"
"Paano mo naman nasabi?"tanong nya uli parang hindi sya naniniwala sa sinabi ko.
"Kasi sinubaybayan ko ang kilos nya noong namatay si Sir Solis kina umagahan absent sya at may nakapagsabi sa akin na si Angel daw ang huling kasama ni Sir bago ito namatay may pinasa daw itong test paper. At noong mga kaibigan na nya ang nabiktima sya din ang huling kasama. Ewan ko ba basta malakas ang kutob ko"napakamot nalang ako sa batok ko at inayos ang salamin ko.
"Mali ang hinala mo Sillie, hindi si Angel ang pumapatay"sabi nya at parang siguradong sigurado sya.
"Ha? Paano mo naman nasabi? Kilala mo?"nag iwas sya ng tingin at tumikhim bago nagsalita.
"Ha? Ano b-bang pinagsasabi mo dyan. Syempre hindi ko kilala. Kung kilala ko matagal ko ng pinahuli. Kasi naman impossibleng si Angel ang pumapatay dahil hindi tao ang killer kundi multo Sillie multo"
Multo?
Sana mali ang iniisip ko, baka tama nga si Patty hindi si Angel ang pumapatay, baka multo. Pero susubaybayan ko parin si Angel para mawala na ang hinala ko sa kanya.
Hindi nalang ako nagsalita at binaling ko nalang ang atensyon ko sa ibang bagay.
Angel's Pov
Grabi ang saya ng araw ko ngayon. Hahhaa at yun ay dahil sa uto utong Sillie.
Alam kong kanina pa sya tumitingin sa akin kaya nagpasya akong paglaruan muna sya.
Kinuha ko ang kutsilyong ginamit ko kanina at pinapatulis ko ito. Alam kong nakatingin nanaman si Sillie sa akin ngayon kaya nagpasya akong linguin sya at nagtama ang mata namin.
Tinignan ko sya ng walang emosyan at ilang sandali ay humalakhak ako.
Alam kong mukha na akong baliw pero masaya ako sa pang aasar kay Sillie eh.
Tyaka dapat lubus lubusin ko na dahil na bibilang na ang oras ko dito sa mundo.
Kasi ako na ang susunod na mabibiktima. Ako na ang susunod na papatayin. Matagal na akong handa.
Naghihintay nalang ako kung kailan sya kikilos.
Pero aaminin ko noong una sobrang natakot ako noon.
Kaya tumakbo ako palabas ng CR at umuwi sa bahay. Sinabi ko kina Mommy na ako ang susunod na papatayin nya pero hindi sya naniniwala. Ang sabi pa nya baka stress lang daw ako dahil sa pagkamatay ng kaibigan ko.
Kaya nagpasya akong wag nalang sabihin sa iba dahil pati ang mga sarili kong mga magulang hindi naniniwala sakin.
Kung sa bagay alam ko naman na hindi ako importante sa kanila dahil puro business lang ang inaatupag. Kaya tatanggapin ko nalang na ako na ang susunod.
Tulong!
Tatayo na sana ako para pumunta sa Tent namin ng may bigla kaming narinig na sumisigaw.
Agad naagaw ng sumigaw ang atensyon naming lahat. Agad namang kumilos ang ibang kalalakihan para hanapin kung saan nanggagaling ang boses.
Ilang sandali pa ay may grupo ng mga lalaking dumating at dala dala ang isang babae.
Kilala ko ang babaeng to. Kaklase ko ito. Si Chariss. Isa ito sa mga kasama ko noon na nagplanong gawin ang pambubully namin kay Sillie.
Agad naman namin itong nilapitan at sinuri kung buhay paba. Dumating na rin si SIR Mk at pinakiramdaman ang pulso ni Chariss kung buhay pa ba pero ang sabi nya hindi na daw tumitibok ang puso nya.
Tinitigan kong mabuti at nilapitan ang bangkay ni Chariss at may napansin akong isang bagay.
Isang piraso ng pagkain na hawak nya. Dahilan ng kanyang pagkamatay.
LASON!
♡IwaynEix
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
HorreurThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...
