Secret 15

1K 25 1
                                        

Hanggang ngayon nandito parin ako sa labas ng gate. Hinihintay ko sila Patty kasi sabi nila magmamall daw kami kaso may metting sila kaya hanggang ngayon hindi pa sila tapos.

Ilang oras ng nakakalipas hindi pa sila dumadating. Bakit ang tagal nila. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sa manong guard na nag iisa kaya nagpasya akong puntahan sya para malibang naman ako sa pakikipagkwentuhan sa kanya.

"Hi Manong magandang hapon po"masigla bati ko sa
kanya

"Magandang hapon din sa iyo Sillie. Mag gagabi na ah bakit hindi ka pa umuuwi?"tanong nya sa akin

"Kasi po hinihintay ko po kasi sila Patty sabi kasi nila mag mamall daw kami tapos wrong timing ata kasi may meeting pa sila ang tagal matapos"sagot ko sa tanong nya

"Ahhhhhh"sabi nya sabay tango tango

Bakit hindi pa umuuwi si Manong Junie dapat sa oras na ito umuuwi na sya.

"Manong Junie bakit hindi pa po kayo umuuwi? Diba po dapat ngayon umuuwi na kayo? Dipa po ba dumadating ang ka swap nyo?"tanong ko sa kanya

Dito kasi pag sa umaga Manong Junie at pag gabi si Manong Oscar, isa sa mga security dito. Kaya nagtataka ako bakit nandito pa sya.

"Dumaan lang ako dito iha. Magpapaalam lang ako sana ako"sabi nya

Ha? Anong sabi nya? Magpapaalam? Aalis ba sya? Saan? Kailan? Sayang naman ang trabaho nya dito kung iiwan lang nya.

"Ano pong ibig nyong sabihin? Hindi ko po kayo maintindihan"tanong ko sa kanya

"Pst! Sillie"napalingon ako sa bandang kanan ko dahil may tumawag sa akin. Nakita ko sila Patty na kumakaway sa akin.

"Hoi kanina ka pa namin tinatawag di ka nakikinig. Sino ba kausap mo?"tanong ni Patty sa akin

"Ahh sorry. Si Manong Junie"sagot ko sa kanila at nilingon ko uli si Manong pero pagtingin ko nawala.Ang dali namang mawala ni Manong. Vampira ba sya. Nagteleport ganon?

"Sino kamo? Tama ba yung narinig ko si Manong Junie?"tanong ni Kristyl sa akin

"Oo kausap ko palang sya kanina kaso hindi ko maintidihan ang sinasabi nya. At nilingon ko sya pabalik pero nawala agad"kaya mas lalo pa silang nagtaka sa sinabi ko. Anong problema?

"Sure ka ba na si Mang Junie ang kausap mo?"tanong sa akin ni Grace.

Ano ba ang dami nilang tanong. Anong bang nangyayari sa kanila? Bakit bawal bang makausap si manong kaya ganyan sila maka react? Tsk. Alam naman nila kung gaano kami ka close ni Manong.

"Oo nga ang kulit nyo. Anong bang problema nyo?"iritadong tanong ko sa kanila.

"K-kasi S-sillie s-si Mang J-junie kasi namatay na. Kanina lang kaya natagalan ang meeting namin dahil pinag usapan namin ang dahil kung bakit namatay si Mang Junie"dahil sa pagkabigla ko sa sinabi ni Patty tila nanlamig ang buo kung katawan. P-paanong nangyari yun eh kausap ko palang sya kanina. Nagkwentuhan pa nga kami.

Kaya ba sya nagpapaalam sa akin dahil wala na sya. No panaginip lang to pero hindi eh gising na gising ako. Paano na yan, paano ang pamilya ni Mang Junie. Sya lang ang inaasahan ng mga ito. Kawawa naman ang mga anak nya.

"P-paano nangyari yun? K-kausap k-ko p-palang sya k-kanina. Baka nag sisinungaling lang kayo"utal kong sabi sa kanila. Hanggang ngayon hindi pa rin nag sink-in sa utak ko ang masamang balitang sinabi sa akin nila Patty.

"Sorry Sillie pero totoo ang sinasabi namin. Pauwi na sana sya ng masagasaan sya ng isang kotse dahil hinabol nya ang isang magnanakaw. Kaya nabundol sya. Dead on arrival na sya pagdating sa hospital" sabi ni Kristyl

"Kaya nga laking pag kabigla namin noong sinabi mo kung sino ang kausap mo. Kasi namatay sya 4:35 p.m at 6:10 p.m na ngayon" sabi ni Patty at tiningnan ang kanyang relo.

Nakaramdam ako ng awa sa pamilya ni Mang Junie. Kawawa naman ang mga anak nya. Sana mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nya.

"Patty nakuha ba ng mga pulis ang plate # ng kotseng nakasagasa sa kanya?"tanong ko kila Patty

"Ewan ko pero ang sabi ni Dean na iniimbestigahan na daw ng mga pulis kaya wag kang mag aalala Sillie mabibigyan din ng hustisya ang pagkamatay ni Mang Junie"gumaan ang loob ko sa sagot nila. Sana nga mabigyang hustisya ang pagkamatay nya.

"O sya tara na nga alis na tayo. Lets go to the mallllllllll."sabi ni Kristyl sabay taas ng kamay sa ere at kinaway kaway

Ilang oras ding nakakalipas dumating na kami sa harap ng mall. Pero hindi pa kami bumaba dahil nag hahanap pa kung saan e pa-pa-park ni Kristyl ang kotse. Actually si Kristyl ang nagmaneho. Marunong sya pati na rin si Grace at Patty, ako lang ang hindi marunong.

Pagkatapos pinark ni Kristyl ang kotse bumaba na kami. Pagpasok namin dumeritso na kami sa Botique dahil may bibilhin daw si Grace. Ilang oras din kaming nagtagal doon bago namin napagpasyahang kumain muna.

Habang naglalakad ako di ko maiwasang hindi maisip si Mang Junie. Dahil sa pag iisip ko hindi ko na namlayang may ka engkwentro pala ako, gustuhin ko mang umilag pero huli nagkabangga na kami. Shit! Bulag ba sya?

"Opps sorry Miss nagmamadali kasi ako. Pasensya na talaga"sabi nya at tinulingan akong pulutin ang mga nahulog kong pinamili.

Tinignan ko sya, he has a thick eyelashes, pointed nose, perfect shaped red kissable lips, defined jaw and he's wearing a black jacket na pang detective na nakakadagdag pa sa kanyang kakisigan. Almost perfect. Ang gwapo nya. Wag kang malandi Sillie hindi pa nga kayo nagkakakilala.

"Ahh ok lang ayos lang naman. Sorry din hindi din kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko"sagot ko din sa kanya at tinaas nya ang paningin nya para makita nya ako. Nag abot ang mga mata namin pero iniwas ko din agad. Pero kahit ilang seconds ng nakakalipas hindi parin nya inaalis ang tingin nya sa akin. What's wrong with him? May problema ba?

"Ahh Sir ayos lang po kayo? May problema ba?"tanong ko sa kanya at nagbalik ang kanyang diwa.

"Ahh sorry, sorry. BTW ako nga pala si Ace Martinez" pagpapakilala nya sabay lahad ng kamay sa akin.

"Nice to meet you Ace. Ako pala si Sillie, Sillie Sebastian"sagot ko sabay abot ng kamay nya.

"Hoy! Sillie dalian mo dyan. Mamamaya na ang pakikipaglandian"pahamak ka talaga Kristyl. Ang lakas pa ng boses mo kaya lahat ng atensyon ng mga tao napunta sa akin. Nakakahiya.

"Oh sige pasensya na tinatawag na ako ng mga kaibigan ko"paalam ko at hindi ko na hinintay ang sagot nya at umalis na ako kaagad.

Ace Pov

Tila nag slow motion ang lahat ng makita ko si Sillie. Magkamukhang magkamukha sila. Akala ko bumalik na sya pero mag kamukha lang pala sila.

Kailangan kung mapalapit kay Sillie dahil sya ang nagpapaalala ng mga magaganda kong alala sa kanya. Kaya dapat ngayon gagawa na ako ng hakbabg para maging kaibigan ko sya.

♡IwaynEix

The Library's SecretMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon