Secret : 4

1.4K 32 0
                                        


"Mama tulong po, Mama ,Papa, hmmmm hmmm" tawag ng isang batang babae sa kanyang mama habang umiiyak

"Papa, Mama tulong po, malapit na po sya  " 

"Wag kang lalapit sa akin wag  kang lalapit"

"Sinabi ng wag kang lalapit, Multo ka , Multo ka"sigaw ng batang babae

"Papa sasaktan nya ako, Papa sasaktan nya po ako,mama tulong po"

"Mama malapit na po sya , Papa tulong"

"Maawa ka lubayan mo na ako, maawa ka sa akin, please"

"Wag muna akong guluhin pa"

"Nakikiusap ako sayo lubayan mo na ako"

****

"Sillie anak anong nang yari sayo , anak gising nanaginip ka lang"

Nagising ako dahil kay Mama.Bakit palagi ko nalang iyong napapanaginipan?
Matagal ko ng kinalimutan ang pangyayaring iyon.
Matagal na yon nangyari.

"Anak ayos ka lang ba? Pawis na pawis ka, di ba sabi ko sayo bago ka matulog magdasal ka muna"- mama

"Mama wag nyo po akong iwan, dito lang po kayo sa tabi ko wag po kayong aalis"

"Anak naman, diba sabi ko sayo.nandito lang ako, hinding hindi kita iiwan at tyaka tapos na yon anak kalimutan mo na ang nangyari"mama sabay yakap sa akin

Bakit hindi ko makalimutan yun?Bakit ayaw mawala sa isip ko?Nang dahil sa pangyayaring iyon namatay ang papa ko.

Nang dahil doon nawalan ako ng ama.Nang dahil doon nawalan ng asawa ang mama ko.Nang dahil doon nawala ang pinakamahalagang lalaki sa buhay ko.

Sana ako nalang ang namatay, sana ako nalang ang nawala sa mundong ito.

Sana ako nalang,
Sana

Hindi ko namalayang bumagsak na pala ang aking mga luha galing sa aking mga mata.

Bakit sa tuwing naaalala ko ang nangyari hindi ko mapigilang hindi pumatak ang aking luha.

Akala ko ubos na dahil sa kaiiyak ko noon
Bakit ngayon bumabalik na naman?

Natigil ang pag iisip ko ng nag salita si mama.

"Anak wag ka ng umiyak, magbihis kana, may pasok ka pa baka mahuli ka " mama at kumalas sya sa pagkakayakap sa akin

Buti nalang nandito pa ang mama ko.Ang ka iisang taong nagpapagaan ng loob ko.
Kaiisang taong tumanggap at minahal ako ng lubos.

Agad kong pinahid ang aking mga luha gamit ang aking mga daliri at nagtungo sa banyo.

*********

7: 45 ng umaga nandito na ako sa school.

Buti nalang nakapag-aral ako kagabi kasi pinahiram kasi ako ni patty ng libro about sa topic namin.

Buti nalang mahilig sya sa mga ganong klaseng libro kaya nakahiram ako.

Habang naglalakad ako papunta sa room ko may tumawag sa pangalan ko.

"Sillie"

Nilingon ko ito at nakita ko si Patty na may kasamang dalawang babae, ang isa naka uniform, ang isa naka Civillian.

"Sillie Hai, kumusta ka na?"tanong nya sa kin

"Ayos lang naman ako ikaw"-sagot ko

"Same, by the way ito nga pala si Grace  Almero" tinuro nya yung babaeng naka uniform"At Grace si Sillie Sebastian bago kung friend"

The Library's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon