Someone's PovMag aala sais na ng gabi ngunit nandito parin ako sa cafeteria.
Bukas pa kasi ito kaya nagtungo ako para maka inom ng kape.
Paalis na sana ako ngunit parang may tumuwag sa akin.
Tumingin tingin ako sa paligid ngunit wala na mang tao.Kaya pinagpatuloy ko ang aking paglalakad.
Pst!
Lumingon ako sa bandang kanan at nakita ko ang isang lumang library.
Baka nandyan ang tumawag sakin. Sinimulan ko ng ihakbang ang aking mga paa patungo roon.
Nandito ako sa harap ng pinto.Lumingon lingon ako sa paligid ngunit wala namang tao.
Baka na sa loob nagtatago.Kaya pinihit konang doorknob at bumukas.
Hinakbang ko ang aking mga paa ngunit parang kinakabahan ako.
Ang dilim naman.Kaya kinuha ko ang Cellphone ko para mag silbing liwanag. Hinakbang ko pa ang aking mga paa hanggang sa may nakita akong isang babaeng naka kamesitang puti na nakatalikod sa akin at nakaupo.
Nilapitan ko ito at tanapik sa kanyang braso.
"Miss ayos kalang?"tanong ko
Sinimulan nyang igalaw ang kanyang kamay at nakita kong may dala itong kutsilyo at tinaas sa ere.
"Aaaaaaahhhhhhhhhhh"
Sillie's Pov
Nandito na ako sa school ngayon.Tinig nan ko ang mga ibang studyante.
Bakit tumatakbo sila? Anong nangyari?Tinignan ko pa ang iba at nagmamadali silang maglakad papunta sa-library?
Nagbago yata ang ihip ng hangin ngayon. Akala ko ayaw nilang pumunta sa libraryng iyan.
Sinimulan ko ng ihakbang ang aking mga paa patungo roon.
Bakit ang daming tao?Lumapit pa ako ng husto at nakipagsiksikan sa mga tao.
Nang nasa unahan na ako inangat ko ang aking paningin.
At napatakip ako ng aking bibig dahil may isang babaeng nakanbitin sa ere gamit ang lubid.
Isang babaeng nagsuceide? Nakatali ang leeg nito ng lubid pero bakit sira sira ang uniform?
My god! May bago na namang biktima.
Oo nga nakakatakot naman.
Bakit pa kasi pumasok sila sa loob e alam naman nila na may pumapatay dyan.
"Bago so, marami na palang nabiktima dito?"hindi ko maiwasang hindi makisali sa kanilang usapan kaya napatimgin sila sa deriksyon ko
"Hindi mo ba alam? Maraming ng nabiktima dyan. Kaya nga bawal pumasok dyan eh"sabi noong isang babae na naka ponytail
"At tyaka yung huling biktima isang nerd gaya mo, ganyan rin may nakataling lubid sa leeg pero matagal tagal na rin yun mahigit 5 buwan nang nakakalipas."sabi ng naman ng isang babaeng naka sling bag
"Akala namin natahimik na ang killer dahil pagkatapos noong may napatay na Nerd dyan wala nang sumunod na biktima pero nagkakamali kami nagpapahinga lang pala"dagdag pa niya
"Alam nyo ba kung sinong pumapatay?"tanong ko
"Sa naririnig namin, multo daw ang pumapatay dyan kasi naghihiganti daw." sagot uli ng naka ponytail
"Cge na alis na kami, maypasok pa kasi kami eh"paalam nilang dalawa
Nandito na pala ang mga pulis at Soco para imbistigahan ang pangyayari.
![](https://img.wattpad.com/cover/131989516-288-k845176.jpg)
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
HorrorThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...