Secret 2

1.5K 45 8
                                        

Pabalik na ako ngayon sa room.

Hindi mawala sa isip ko ang nakitang library kanina.

Bakit walang ni isang tao sa loob o bakit walang ni isang studyante na nag aaral doon?

Ganoon ba nila ka hate ang mag aral dahil ni isa walang pumupunta doon.

Sa napapansin ko sa tuwing may dumadaan na studyante doon ang iba ay:

Tumatakbo o nagmamadali
Ang iba naman ay nakapikit
At ang iba ay tinatakpan ang tainga.

Ang weird nila

May tinatago ba silang sekreto sa librayng iyon?
O baka naman may multo?

Imposible naman yun dahil kung may multo wala ng mag-aaral dito dahil natatakot.

Tama na nga tung pag iisip ko

Nakarating na ako sa room namin at what i expect lahat ng mga mata nila ay nasa deriksyon ko naka tingin.

Tumingin ako sa harap at nakita ko si prof. na nag didiscuss na.

Dahil sa mala demonyo nilang titig yumuko nalang ako papunta sa upuan ko.
Habang si prof at patuloy lang sa pagdiscuss.

Ilang minuto ng nakakalipas hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng antok.

Pilit kung binubuka ang aking mga mata at kinurot kurot ang aking tainga para hindi tuluyang tangayin ng antok.

"Do ghost truly exist?" tanong ni prof

Nagising ang diwa ko dahil sa tanong na iyon
Tinaas ko ang kanang kamay ko At prof. look at me at tumango bilang pag tugon.

"Yes, I believe that ghost truly exist because nandyan lang sila sa tabi tabi , naghahanap ng mabibiktima o matatakot. Ang multo ay isang spirito na hindi pa nakakapunta sa purgatoryo. Ang iba naman ay gusto pang mabigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay at malay natin may mga multo na gustong gumanti satin."sagot ko

"Thank you for your opinion Miss Sebastian"-prof.

"Tsk. Pa COA" sabi ng isa ko pang kaklase sabay irap

(COA- Center of attraction)

"Di ba sir ang mga multo ay hindi totoo? Dahil ang multo ay gawa gawa lamang ng imahinasyon at tyaka sir wag kayong magpapahawa sa kawerduhan ng babaeng yan dahil isa lang syang nerd, weird at bitch." sabi ng babaeng tumawag sa akin na yack. Really? Ako bitch? Baka siya.

Tinignan ko ang I.D nya. Sya pala si Angel Lourence
Wow nice name, sayang hindi bagay sa kanya ang pangalan na Angel dahil ang ugali kasing sama ng demonyo.

"Miss Lourence,would you stop insulting Miss Sebastian because thats her opinion in my question"sabi ni prof

"Correction Sir, hindi Opinion kundi Fuck and Damn Opinion"sagot nya

"Shut up Miss Lourence,stop cursing in front of me, I'm warning you, don't you dare to talk to me like that because you are just my student and also I don't remember that I give a permission to say your Useless Opinion kaya please shut up and listen. Understand?" prof.

Talagang galit na galit na si Sir. Nakaktakot pala syang magalit parang lion na gutom.

"Yes Sir, sorry po Sir" angel at tumingin sa akin at inirapan pa ako.

Bakit ang hilig nilang mang irap ang sarap dukutin ang mga mata.

Syempre joke lang yun hindi ko naman yun gagawin no.

"Ok class don't mind it before you leave you need to study about this topic dahil mag bibigay ako sa inyo ng long test"

Kringgggg

"Ok class you can go now"

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at umalis na rin si prof.

So kailangan ko palang mag-aral ngayon kaya pupunta nalang ako doon sa library na nakita ko kanina.

Umalis na ako sa room namin at naglakad na patungo sa library pero bakit ako lang atang may plano na mag aral.

Kasi walang ni isa ang pumunta sa deriksyon kung saan naroroon ang library.

Hindi ba sila mag-aaral?

Guyz doon nalang tayo mag -aral sa bahay namin baka may mangyaring masama sa tin kong dito tayo mag mag-aaral.

Oo nga sama ako.

Ako din.

Rinig na rinig ko ang usapan nila. Anong mangayaring masama e mag -aaral lang naman dito

So ako lang pala ang may balak na dito mag-aral.

Bakit ang mayayaman gusto mag review gamit ang computer?

Pero ako gusto ko talaga ang libro dahil completo ang detalye.

LakAd lang ng lakad ang ginawa ko hanggang sa makarating na ako sa harap ng library.

Bakit nakakaramdan na naman ako ng kilabot?

Shit! Ang lakas ng kabog ng dibdib ,Nanginginig ako

Tinignan ko ang library bakit nakasara ang pinto?Ang dilim.

Paano ako makapag-aral nito kung walang ilaw?

Pero parang may tumutulak sa akin na pumasok sa loob.

Iba talaga ang nararamdaman ko ngayon
Parang may ibang presensya na nanggaling sa loob.

Ano ba talaga ang tinatagong sekreto ng skwelahan na ito.

Kailangan ko talagang malaman kundi, hindi ako matatahimik.

Sinimulan ko ng ihakbang ang mga paa ko at ng nasa harap na ako ng pinto ng library dahan dahan kong inangat ang kamay ko.

Shit! Bakit nanginginig ang kamay ko?

Nahawakan ko na ang doorknob at dahan dahang inikot pakaliwa para mabuksan pero hindi ko pa tuluyang nabuksan ay biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at ang nakarehistrong pangalan ni mama sa telepono ko ang lumitaw.

"Ma napatawag ka?" agad na bungad ko sa kanya

"Nak, asan ka ba? Gabing gabi na hindi ka pa umuuwi, pinag alala mo na man ako"

"Sorry po Ma, nandito po kasi ako sa library ngayon eh , mag aaral sana ako dahil may test kami bukas."

"Ahh ganon ba anak, ang sipag naman , o sya pagkatapos mo dyan umuwi ka agad kasi nagluto ako ng paborito mong pagkain at tyaka mag inggat ka."

"Opo Ma, pagkatapos nito uuwi din ako"

Agad ko nang binaba ang tawag.Tumingin tingin ako sa paligid . Madilim na sa labas.

Inangat ko ang aking kamay para maabot ang doorknob at ng mahawakan ko na ito ay dahan dahang inikot pa kaliwa pero bago ko pa mabuksan may humawak sa aking kamay.

Tinignan ko ito at nakita ko ang isang kamay na maputla at sobrang lamig.

♡IwaynEix

The Library's SecretMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon