Tatlong araw na rin ang nakakalipas simula noong nahospital ako.
Hanggang ngayon wala parin akong naaalala. Minsan tinanong ko si Mama kung may kilala ba syang Lala pero umiiyak lang sya.
At ang sabi nya hindi daw nya pwede sabihin dahil nakakasama sa kalusugan ko.
Para akong tanga. May naalala nga ako pero kunti lang naman. Minsan ang labo at di ko maintindihan.
Gusto kong pilitin ang sarili ko pero sumasakit naman ang ulo ko.
Kung pwede ko lang sana iuntog ang ulo ko sa dingding para magka alala na ako matagal ko ng ginawa.
Pero hindi eh,mas lalo ko lang palalain ang sitwasyon. Sa halip na bumalik ang alaala ko baka mawala na lahat.
Sa tatlong araw na nakalipas palaging dumadalaw si Kristyl, si Grace at si Patty sa kin. Pagkatapos ng klase nila agad silang dideritso dito sa bahay para kumustahin ako.
Hindi ko pa sinabi sa kanila ang nangyari sa kin. Ang alam lang nila na hospital ako.
Hindi naman sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan pero nais ko munang masagot lahat ng tanong ko bago ko sabihin sa kanila.
Hindi muna ako pumasok dahil gusto ko munang magpahinga.
Kasalukuyan ako ngayon nandito sa kwarto ko at tumitingin sa mga picture frame.
Nagbabakasakali ako na baka nandito nga ang batang babae na palaging gumugulo sa isip ko. Ang batang babaeng si Lala.
Pero ilang oras na ang nakakalipas ni katiting na imahe sa utak ko walang lumabas. At wala rin akong nakita na larawan na may kasama akong batang babae.
Kaya nagpasya akong ipagpahinga muna ang sarili ko. Sa mga panahong lumipas palagi kung iinisip kung sino ang babaeng nakikita ko lagi sa panaginip ko.
Alam kong may koneksyon kaming dalawa at naging parte sya ng buhay ko. Pero ang hindi ko lang alam kung anong parte nya sa buhay ko.
Saktong paghiga ko sa kama ay pumasok si Mama na may dalang pagkain.
"Kumain ka muna. Alam kong gutom kana kasi maliit lang yung kinain mo kanina"sabi nya at nilapag ang mga dalang pagkain sa study table ko.
"Busog pa ako Ma. Mamaya nalang"malamig na sagot ko.
"Nak galit kaba sakin? Sorry-"
"Ma pwede ba umalis mo na kayo magpapahinga lang ako"
Alam kong nabigla sya sa pagtaas ng boses ko pero hindi ko na talaga mapigilan.
"Nak-"
"Alam nyo ba ma na sa tuwing lumilipas ang araw para akong baliw. Baliw na hindi alam ang buo nyang pagkatao. Ma maliit lang naman ang hinihiling ko diba? Mahirap bang sabihin sa kin ang mga bagay na nakalimutan ko? Ma mahirap ba? Kasi ako Ma pagod na pagod na ako sa kakaisip. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng bumalik ang mga alaala ko. Sa tuwing napapanaginipan ko ang babaeng yun bigla nalang tumutulo ang luha ko. Alam kong may malaki syang parte sa buhay ko. Gusto ko lang malaman kung sino sya. At anong parte nya sa buhay ko. Yun lang naman. Yun lang naman. Hindi naman mahirap diba?" at tuluyan na akong napapahagulhol ng iyak.
"Pakiusap Ma sabihin mo na sakin. Pakiusap"
"Nak si- si Lala a-ay k-ka-pa-tid m-mo"
At dahil doon may biglang pumasok na alala sa utak ko. Mabilis at malinaw.
"Aghhhhhhh"
Ang sakit. Ang sakit ng ulo ko.
"Aghhhhhhh"
"Nak ayos ka lang?"
"Ate Lala. Ate ko patawad kong nakalimutan kita. Patawad!"
Yun nalang ang huling nasabi ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
♡IwaynEix
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
HorrorThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...
