Secret 12

1K 29 1
                                        

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papasok sa paaralan namin. Habang naglalakad ako lahat ng mga mata nila ay nakatingin sa akin.

Anong problema nila? Bakit sila nakatingin sa akin?Weird! Hindi ko nalang sila pinansin at nag patuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng pinto sa room namin. Pagpasok ko walang tao. At bakit ang ibang mga estudyante nagtatakbuhan papunta sa park?

Kaya dahil sa pagcurios ko pumunta rin ako sa park. Pagdating ko ang lahat ng mga studyante ay nagsisiksikan.Anong nangyayari dito?

Humakbang din ako papunta sa harap para makita ko kung ano ang nangyayari. Pagdating ko harap bumungad sa akin ang isang lalaking basag ang bungo. Ang daming dugong na nasa sahig. Nakakadiri. Nahulog yata to galing sa Roof top. Nagpakamatay?

Tinitigan ko lang yung lalaki. At parang pamilyar sya sa akin. Hindi ko na namukhaan dahil ang mukha ay puno ng dugo.

My god, kawawa naman si Sir Salis-studyante 1

OMG kaya pala pamilyar sya sa akin si Sor Salis pala to. Ang Prof. namin sa Physics.

Oo nga, bakit sya nagpakamatay-student 2

Hoy gaga, ang sabi sabi hindi daw nagpakamatay si Sir may tumulak daw- student 3

"Diba may CCTV dito hindi ba nila nakita?"hindi ko na mapigilang hindi makiaalam sa usapan nila dahil naguguluhan na talaga ako

Tinignan muna nila ako. Ang isa naman tinaasan ako ng kilay bago sumagot. Anong problema nila?

"Walang CCTV nasira daw"sagot ng babaeng naka pony tail

Nasira? Impossible!Nasira ba kamo o Sinira?
Kailangan kong malaman kung sino ang nasa likod nito.Anong atraso ni Sir para mahantong sa ganito ang kanyang buhay?

Ilang oras na ring nakakalipas at dumating na ang mga pulis at kinuha ang bangkay nya para dalhin sa morgue. Iniimbistigahan pa nila ang pangyayari kung suicide ba ito or pinatay.

Habang nag iisip ako ng malalim napagpasiyahan ko munang bumalik sa room namin. Pagdating ko sumalubong sa akin sina Kristyle na kumakaway sa akin. Nilapitan ko sila.

"Patty nabalitaan muna ba ang nangyari kay Sir Salis?"tanong ko sa kanila

"Buti nalang hindi sa library yun nangyari kundi matatakot na talaga ako"arteng sabi ni Grace at inirapan sya ni Patty at ni Kristyle

"Pero ang pinagtataka ko bakit lahat ng CCTV naka off at ang nakapwesto sa ng Roof top sira."sabi ni Kristyl

Yan din ang pinagtataka ko. Baka naman plinano tong mabuti para maging malinis ang crimen. Ngayon alam ko na hindi nagpakamatay si Sir kundi pinatay. Pero ano naman ang kasalanan nya bakit sya pinatay?

Natigil ang pag iisip ko dahil dumating na ang bagong prof. namin sa Physics.

"Good morning class, alam kong hindi na kayo nagtataka kung bakit bago ang guro nyo dahil alam kung nabalitaan nyo ang nangyari sa kanya. Nakikiramay ako sa inyong lahat dahil sa pagkakaalam ko close kayo ni Sir Solis. Kaya ngayon dapat magpakabait kayo sa akin para maging mabait din akonsa inyo" sabi ni Sir at lumingon sa akin at ilang oras din bago tumingin sa ibang deriksyon ang kanyang mata.

"BTW my name is Mark Kenji Dassel just call me Sir MK for short"tuloy nyang sabi at tumingin uli sya sa akin.

Anong nangyayari sa kanya? Anong problema nya? Bakit palagi syang tumitingin sa akin? Ang weird nya. Kung hindi lang sya ang bagong prof namin baka mapagkamalan ko pa syang drug user o may saltik sa ulo. Ang talim nyang tumitig sa akin. Tumitindig tuloy ang mga balahibo ko.

"Sir may girlfriend na po ba kayo?"sigaw sa isa sa mga kaklase ko

Tsk. Kumikiringking na naman. Pero aaminin ko may itsura sya. Matangos ang ilong, mataas ang pilik mata, matcho, ang pula ng labi. Tama na nga nagiging malandi na tuloy ako.

"That's question is not related to our topic but if you want me to answer your question, ok. Im single and 19 years old but Im not available"sagot nya at tumingin uli sa akin.Naiinis na ako.

Bahagyang sumimangot silang lahat sa sinabi ni Sir na hindi available. Tsk. Hanapin nila ang paki ko.

Makalipas ang ilang oras na natapos na rin ang clase namin. Dumeritso na kaming apat sa Cafeteria para makakain.

Nakailang hakbang na kami at dumating na rin kami. Umupo na kami sa bakanteng mesa. At umorder na si Grace para sa amin.

"Pst!, Sillie iba ang tingin ng Prof natin sayo ha. Type ka ata"pang aasar sa akin ni Kristyle

Sa halip na sumagot ako inirapan ko nalang sya.

"Hoy joke lang, to naman ang sungit"sabi uli ni Kristyle

"Guyz ito na ang food natin"napalingon kaming lahat sa nagsalita at nakita namin si Grace may kasamang dalawang lalaki na syang nagbitbit ng kanyang inorder.

Nilapag ng dalawang lalaki ang tray at nagpasalamat si Grace.

"Tsk. To naman si Grace gagamitin ang kagandahan para makautos"sabi ni Kristyle sabay irap

"Tumahimik ka nga dyan, inggit ka lang"sagot naman nya

Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko sa Patty. Kanina pa ako nagtataka kung bakit ang tahimik ngayon ni Patty. May problema ba sya?

"Patty may problema ba?"tanong ko sa kanya

Lumingon sya sa akin at sumagot "Iniisip ko kasi ang nangyari kay Sir Solis. Kanina pa ito gumagabagbag sa aking isipan. Bakit pinatay si Sir Solis pero hindi naman sya pumasok sa library? Lahat kasi ng biktima rito namamatay pag pumasok sa library.Ngayon lang ito nangyari na may nabiktima na wala sa loob ng library. Multo ba talaga ang pumapatay o Tao?"sabi nya

Oo nga, Multo ba talaga ang pumapatay o Tao? Pati ako naguguluhan na rin.

Multo ba o Tao?

Multo ba o Tao?

Grrrr. Bakit hindi mawala sa isip ko ang huling sinabi nya.

Nacucurios naman ako.

"Patty ilan na ba ang na biktima?"tanong ko sa kanya

"Pang 5 na si Sir Solis. Ang una ang librarian sayang nga dahil maganda pa naman, pangalawa isang Ms. Queen Bee, pangatlo yung nerd, pang apat babae noong isang araw, ngayon si Sir Solis"sagot nya

Lahat ng apat na biktima mga babae. Ngayon lang nangyari na may lalaki. At saka bakit nya pinapatay ang mga babae.

"Patty di mo ba napapansin, lahat ng apat na namatay mga babae lahat. Ngayon lang nangyari na may lalaki"sabi ko sa kanya

"Oo nga no, di ko naisip. Lahat ng mga babae namatay ay may aking kagandahan. Magaganda silang lahat pati na yung nerd maganda rin yun. Pero bakit pati si Sir Pinatay ng multo kung mga babae ang gusto nyang patayin?"

"Baka insecure ang multo sa beauty ng mga biniktima nya"singit ni Grace

Tsk. Nakikinig pala ng babaeng to. Insecure? Yun lang ba ang dahilan? Bakit naman? Patay na nga.

"Ikaw talaga Grace ang babaw ng isip mo. Insecure? Crazy" sabi ni Kristyle sabay irap

"Che! Anong paki mo. Bakit hindi? Pwede naman diba? Walang impossible"sabi nya

"Oo nga walang impossible pero impossible yang sinasabi mo ngayon"sabi uli ni Kristyle

"Patty kung pahihintulutan nyo ako pwede ba akong pumasok sa library?"tanong ko.

♡IwaynEix

The Library's SecretMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon