Secret : 20

941 22 0
                                    

"Lala gising na, laro tayo"sabi ng isang bata at
sabay yugyug sa babaeng nag nangangalang Lala

"Mamaya na Lili inatok pa ako"sagot nong Lala sabay taklob ng kumot.

"Ano ba Lala laro na tayo malulungkot ako pag di ka payag"nangingiyak na sabi nong Lili

"Lili please mamaya na ang aga pa. Inaantok pa ako eh. Please"mahinahong sabi ni Lala

"Sige 'sniff' na nga 'sniff' aalis na 'sniff' na ako 'sniff' mamaya nalang"

"Sige na nga pumapayag na ako basta wag ka ng umiyak kawawa naman ang baby Lili ko."sabi ni Lala at dahil doon umaliwalas ang mukha ni Lili.

"Yehey payag na sya. Laro na kami" sabi ng ni Lili sabay lundag lundag sa kama.

"Oh sige hintay kalang dyan maliligo lang ako"sabi ni Lala at tumango nalang si Lili pero nagtatalon parin ito sa kama.

Ilang oras ding lumipas natapos na rin si Lala.

"Ok tayo na laro na tayo"masiglang sabi ni Lili at nginitian lang ni Lala sabay tango.

Habang naglalakad sila papunta sa park may narinig silang isang malakas na putok ng baril dahilan para mapalingon sila kung saan nanggagaling ang putok. Agad silang tumakbo para hindi madamay sa kaguluhan pero di nila inaasahan na matatamaan ng ligaw na bala si Lala sa ulo dahilan para gumulong ito papunta sa isang bangin.

"Lalllllllllllaaaaaa"sigaw ni Lili at di nya namalayan na may paparating na sasakyan. Parang na paralized ang buong katawan nya at di nya magalaw at

Boggssh!

*********

Napabalikawas ako ng bangon mula sa aking pagkakahiga. Napahawak ako sa dibdib ko at habol habol ko ang aking paghinga.

Bakit ko napapanaginipan iyon?.Sino ang babaeng iyon? Pero hindi ko masyadong naaninag ang mukha dahil sa liwanag. Ngayon ko lang namalayan na pinapa wisan na pala ako. Pero bakit parang nangyari na yun. Tyka bakit parang kilalang kilala ko yung Lala na yun. Parang familliar din sa akin ang ganoong klaseng pangalan. Di kaya-

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Tsk. Baka dala lang to ng pagod sa nangyari sa akin kahapon sa Library.

Kaya nagpasya nalang akong maligo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Patty bakit nag kakagulo ang mga estudyante rito? May problema ba? Or nabiktima ulit?"tanong ko kila Patty, Kristyl at Grace.

Kasi pagkarating ko dito nagkakagulo na ang mga estudyante. Ang iba nag hihiyawan. Parang ang saya saya nila.

"Late ka sa balita Girl. Kasi palagi ka nalang na lalate. I nonounce kanina na magfifield trip daw tayo. 3 days girl kaya ganito ka active ang mga estudyante ngayon"sabi ni Grace

May Field trip? Ang daming problema sa school na ito tapos mag fi-field trip pa sila. Gusto ko sanang sabihin yun sa kanila kaso lang nandito si Patty baka masaktan sya.

"Ah ganun ba. Kailan daw? At tyaka pwede bang hindi sumama?"tanong ko sa kanila dahilan para mapataas ang kilay nilang tatlo.

"HINDI PWEDE"sabay nilang sabi

"At tyaka mag impaki kana dahil bukas na ang alis natin"sabi ni Patty sabay higit sa kin.

Hindi nalang ako nag react hanggang sa dumating na kami sa room namin. Hays! Buti nalang wala pa si Maam.

Ilang oras ding nakakalipas dumating na rin si Sir. Mk yung teacher namin kinababaliwan ng mga estudyante rito. Hindi naman ako nagtataka dahil gwapo naman sya. Lahat ng mga estudyante sa room na ito pag magsisimula na si Sir Mk tahimik na silang lahat at titig na titig kay sir. Iwan ko ba nakikinig ba ang mga ito or pinag nanasaan na si Sir sa kanilang isipan.

"Sorry Sir Im late" nabigla nalang kami ng may nagsalita kaya nabaling ang lahat ng atensyon sa kanya.

"Mr. Martinez why are you late?"seryosong tanong ni sir sakanya.

Yep! Tama kayo si Ace ito. Si Ace wala ng iba.

"Sorry co'z tanghali ako nagising eh. Pasensya kana Sir pinsan di na po ma uulit"sabi nya. Tyaka anong sabi nya pinsan? Kaya pala magkahawig ng konti.

"Stop calling me cousin, well you? Tyaka nandito tayo sa School kaya call me 'Sir' not my name, cousin or whatever."sabi nya

"Ok sorry Sir hindi na mauulit" tugon nya at sumaludo pa sya bago umupo sa upuan nya.
.
.
.
.
.
.
.

Papunta ako ngayon sa CR kasi na iihi ako. Kanina pa umalis sila Patty papunta sa Canteen kasi pipila pa daw sila nauna na sila sa akin.

Pagkatapos kong umihi tinanggal ko muna ang salamin ko para maghilamos. Binasa ko ang mukha ko at pagmulat ko laking bigla ko ng may nakita akong isang batang babaeng nakatayo sa likod ko. Nakatitig sya sa akin. Titig na titig.

Nagsimula na akong kabahan. Sisigaw na sana ako kaso bago pa ako makasigaw may biglang tumakip ng panyo sa ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay.






Nagising nalang ako na parang ang lamig ng likod ko. Minulat ko ang aking mata at wala akong makita. Ang dilim ng paligid. Nasaan ako?

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan. Agad mayroong ilaw na lumabas galing sa cellphone ko.

Nilibot ko ang aking cellphone para malaman ko kung saan ako napadpad.
Hanggang sa may nakita akong switch. Nagpasya akong tumayo para puntahan ang swicth na naka dikit sa dingding at tinaas ko ang cellphone sa ere.

Habang dahan dahan akong naglalakad may napansin akong isang anino. Isang aninong nanggagaling sa ilalim ng mesa. Ilang sandali pa ay may narinig akong kaluskos.

Nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko ito pinapahalata dahil baka pinagtritripan lang nila ako o baka may nagtritrip sa akin. Gusto kong malaman kung sino o ano ang nandoon sa ilalim ng mesa. My curiosity ate me.

Dahan dahan akong lumuhod at binaba ang aking tingin sa ilalim ng mesa. Nilibot ko ang aking paningin kasabay ng liwanag.

Shit!

Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa aking nakita. Isang batang gumagapang papalapit sa akin habang nakabaliktad. Duguan, magulo ang buhok.

Dali dali akong tumayo at kinuha ang cellphone ko. Sinubukan ko itong buksan ulit pero wala ng ilaw na lumabas. Lowbat na ito.

Nanginginig na ang tuhod ko dahil sa nakita ko. Naramdaman ko na ang labis na pagtibok ng aking puso dahil sa kaba.

Kahit nakaramdam ako ng kaba at panginginig ng tuhod ko pinilit ko paring tumayo para puntahan ang switch.

Patakbo ako pumunta doon at natalisod ako dahil sa isang bagay sa sahig. Lumuhod ako at kinapa kapa ang sahig hanggang sa may naramdaman akong isang bagay.

Libro?
Ano to? Bakit may libro? Saan bang lugar ito? Ngayon ko lang napagtanto na nadito ako sa loob ng library. Madilim, nakakatakot.

Pano ako napunta dito? Ang huling naaalala ko ay nasa CR ako at naghilamos. Tapos may nakita akong batang babae. At may biglang tumakip ng panyo sa ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay.

Tatayo na sana ako pero maybiglang humila sa paa ko dahilan upang mahiga ako sa sahig at kinaladkad.

♡IwaynEix

The Library's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon