Guys this is the chapter 18. Im sorry for the error. Enjoy😉
Sillie's Pov
Pagdating ko sa school ang daming studyante. Lahat sila ay nagkakagulo. Ang iba nakatakip ang ang kamay sa bibig. Ang iba naman nakakunot ang noo.
Laking pagtataka ko kung bakit nandito pa sila at wala sila sa kanilang room. Kaya nagpasya akong ihakbang ang aking mga paa at lumapit sa kanila para malaman kung anong nangyayari.
Hindi pa ako masyadong nakakalapit pero laking bigla ko ng may nakita akong mga myembro ng SOCO .Agad akong nakaramdam ng kaba dahil may bit bit itong bangkay. Hindi lang isa kundi tatlo na may takip ang mukha.
Anong nangyari dito? Bakit may bangkay? At sino ito?
Lumapit pa ako sa kanila. Paglapit ko sinuri kong mabuti ang katawan ng mga bangkay. Alam kung mga babae ito dahil sa hubog palang ng katawan.
Pero hindi ko makilala kung sino dahil may takip ang kanilang mukha kaya nagpasya akong alisin ang takip. Paghawak ko sa tela agad ko itong inangat. Pagtingin ko bumungad sa akin ang isa sa mga alipores ni Angel. Si Jessy ito may saksak ito sa tyan, sa likod at sa leeg, ito yata ang dahilan kung bakit nawalan sya ng hiningi.
Binuksan ko naman ang ibang tela nakatakip sa dalawang bangkay at bumungad sakin ang malamig na bangkay nila Maica at Lenny. Si Maica ay may saksak sa mukha, sa dibdib at tyan. Si Lenny naman ay may saksak sa pinaka masilan ng parte ng katawan, ulo, at dibdib rin.
Napatakip nalang ako ng aking bibig dahil sa pagkabigla.
Paano ito nangyari? Kahapon lang nakita ko pa sila. Binugbog pa nga nila ako, sinampal at pinagtatawanan.
Ang lakas pa nila kahapon tapos ngayon madadatnan ko nalang ang malamig nilang bangkay.
Magkasama pa sila ni Angel kahapon. Oo nga si Angel. Kumusta kaya sya.
Agad kong nilibot ang paningin ko para makita si Angel. Ilang sigundo pa ang nakakalipas at nahanap na rin sya ng mga mata ko. Nagtama ang mga mata namin.
Tinignan ko syang mabuti.
Alam kong nalulungkot sya dahil sa pagkawala ng mga kaibigan nya. Alam kung nasasaktan sya at nabigla sya sa bilis ng pangyayari.
Kahit na sinaktan nila ako kahapon wala parin akong sama ng loob sa kanya. Lalapitan ko na sana sya para damayan pero tumalikod sya at tumakbo paalis.
Pipigilan ko sana sya na wag umalis pero huli na ako, tuluyan na syang nakatakbo paalis.
Angel's Pov
Shit! Paano nangyari ito. Nabalitaan ko nalang na patay na ang tatlo kung kaibigan kaya dali dali akong pumunta sa school.
Pagdating ko nadatnan ko si Sillie na inaangat ang mga tela nakatakip sa mukha ng mga kaibigan ko.
Tinignan ko lang sya. At ilang sandali pa ay inangat nya ang kanyang paningin at nilibot ang buong kapaligiran.
Alam kung may hinahanap sya. Pagtingin nya sa deriksyon ko nagtama ang mga mata namin at agad akong nagbitaw ng tingin.
Kanina ko pa gustong umiiyak pero pinipigilan ko lang dahil ayaw kong may makakita sa akin at higit sa lahat ayaw kong makita ako ni Sillie dahil baka sabihin pa nila na mahina ako.
Napala iyak at mababaw ang luha. Ayaw kong kawaan nila ako. Lalapit sana si Sillie pero agad akong tumalikod at tumakbo paalis.
Baliw ba sya! Kaya ba sya lalapit sa akin para pagtawanan dahil nawalan ako ng kaibigan? Pwes! Nagkakamali sya. Magdusa sya dahil hindi hindi ako magpapa api sa kanya. Kahit na nag iisa nalang ako.
Kahit anong pigil ko sa mga luha ko pero wala parin. Wala parin akong nagawa katulad ng wala ako nagawa para iligtas ang mga kaibigan ko.
Sana noong nagpaalam sila sa akin na aalis muna sila dapat hindi ko nalang sila pinayagan. Sana pinasakay nalang sila sa kotse kahit maka ihi sya at mangangamoy mapanghi.
Ayos lang dahil kasama ko pa sila. Nandito pa sila sa tabi ko at higit sa lahat buhay pa sila.
Ang dami ng SANA. Pero kahit ganoon wala parin, wala na sila, wala na sila sa tabi ko, patay na sila at higit sa lahat wala na akong kaibigan.
Kahit pa lagi kaming mag away ayos lang basta kasama ko pa sila. Kahit mga baliw yung mga yun minsan, mahal ko yun. Dahil sila lang ang umintindi ng ugali ko, tumagal at naki sama sa akin.
Kaya napakasakit isipin na sa isang iglap wala na sila, hindi ko na sila makikita at higit sa lahat hindi ko na sila masasabunutan.
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa harap ng CR. Kaya nagpasya akong pumasok para manghilamos. Kasi parang namamaga na yung mata ko sa kakaiyak.
Pagpasok ko agad kong binuksan ang gripo at pinikit ang aking mata.
Naghilamos ako para kumalma ako kahit kaunti.
Ilang beses ko pang binasa ang aking mukha hanggang sa makuntinto ako at kinuha ang towel sa bag ko.
Pinusan ko ang mukha ko at ilang sandali pa ay minulat ko na ang aking mata.
Pagmulat halos atakihin na ako sa puso at tumayo na ang mga balahibo ko dahil sa nakita ko.
Pawis na pawis na rin ako, nanginginig na rin ang tuhod ko sa sobrang takot ar ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
P*tang Ina!
Sino ang may gawa nito?
Natatakot ako, natatakot ako.
Please wag ako, wag ako, maawa kayo.
Nakakapanindig balahibo hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa nabasa ko sa salamin.
Sino ang sumulat nito? Kanina wala pang nakasulat na ganyan?Paano?Paano nangyari to?
Humanda ka Angel ikaw na ang susunod. Dugo mo naman ang kakalat sa sahig
♡ IwaynEix
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
HorrorThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...
