Secret 29

243 7 10
                                    


Maraming maraming salamat aking mga mambabasa. Salamat sa matyagang paghihintay sa update ng storyang ito. Kayo po ang naging dahilan ko na tapusin ito. Maraming Salamat. Enjoy Reading!

*****
Galit at takot ang  nararamdaman ngayon sa ina ni Sillie. Galit sa sarili, at takot na baka mawala sa kanya ang kanyang anak.

Ayaw na nyang maulit muli ang nangyari noon. Nang namatay ang kanyang anak at asawa halos kinabaliw nya ang nangyari. Gustuhin man nyang sumuko na pero hindi pwede.

Kahit pagod na pagod na sya, na kahit gusto na nyang magpahinga, lumalaban parin sya. Lumalaban para sa anak.

Sya nalang ang natitirang pamilya nito kaya hangga't kaya pa nya lalaban sya.

Nasa hospital si Margarete ngayon, at nakaupo habang hawak hawak ang kamay ng anak.

Simula kanina ay hindi parin ito gumigising. Sabi ng doktor walang dapat problemahin dahil maayos naman daw ang lagay nito.
Pero bilang ina hindi maalis ang pag aalala para sa anak.

"Nak gising ka na. Sige na naman oh, alam kong may kasalanan ako pero wag naman ganito ang isukli mo sa akin. Ginawa ko lang naman yun para sayo. Kasi sabi ng doktor baka bumalik yung sakit mo pag sabihin ko sayo ang nakaraan mo. Natatakot lang naman ako na baka iwan mo rin ako at sasama ka sa ate at Papa mo. Kaya nak please gumising ka na"

*****
2 years ago

"Dok, tulungan nyo po ang anak ko. Gawin nyo po ang lahat para mabuhay sya. Please lang dok."sabi ng ina ni Sillie habang tinatakbo sya papunta sa Emergency Room.

Halos hindi na makahinga ng maayos si Margarete sa kaka iyak.

Ang bilis ng pangyayari. Kanina lang nagkukulitan pa yung dalawa. Pero ngayon, ang isa nawawala at ang isa naman agaw buhay.

"Nurse dalhin sa emergency room to"agad agad na lumapit ang doktor at mga nurse sa batang si Lili na nakaratay para tignan kung tumitibok pa ba ang puso.

Habang ang ama ni Lili ay patuloy parin sa pagkalo sa ina nito na hanggang ngayon ay wala paring tigil sa pag iyak.

"Ma'am pasensya na po pero bawal po kayong pumasok. Dito nalang po kayo maghintay sa labas" sabi ng isa sa mga nurse.

"Please po, Im begging. Gawin nyo po ang lahat para mabuhay ang anak ko. Nakiki usap po ako iligtas nyo siya." paki usap ni Margarete.

"Don't worry po. Gagawin po namin ang lahat para po maligtas ang anak nyo. Ang kailangang gawin natin ngayon ay magdasal sa panginoon. Sigeh po ma'am iiwan ko po muna kayo."

Ilang oras na ang nakakalipas hindi parin lumalabas ang doktor sa operating room. Hindi maiwasan ng mga magulang ni Lili na makaramdam ng kaba para dito dahil sa tagal ng operasyon.

"Hon, what if may mangyaring masama kay Lili, what if-"

"Sshh, hon wag kang mag isip ng ganyan. Alam kong hindi sya pababayaan ng panginoon at tsaka malakas si Lili alam kong makakaligtas sya."sagot ng ama ni Lili

Dahil sa sinabi ng asawa nabawasan ang bigat na naramdam nito ngunit hindi parin maiwasan na makaramdam sya ng kaba.

Sa tagal ng paghihintay at dahil narin siguro sa pagod nakatulog na si Margaret pero bakas parin sa mukha nito ang kalungkutan at pag aalala sa dalawang anak.

Pero si David ay nanatiling gising at binabantayan ang asawa.Ilang sandali pa ay may dumating na mga pulis.

"Magandang gabi po sa inyo kayo po ba ang magulang ng mga biktima?"

Agad na napatingin si David sa nagsalita at agad tumayo para kausapin ang mga ito.

"Ako nga, kumusta na? Nahanap nyo ba ang isa kong anak? Kumusta na sya ligtas na ba sya?"  tanong nya rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Library's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon