Sillie's Pov
Habang mahimbing akong natutulog laking gulat ko ng may biglang pumalo sa pwet ko.
Ano ba yan sturbo. Ang aga aga pa gusto ko pang matulog. Grrrr!
"Hoi Sillie gising na, alas kwatro na. Kanina pa whistle ng whistle si sir MK"
Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Patty. Halatang bagong gising rin sya dahil magulo pa ang buhok nya halatang hindi pa nakasuklay.
"Bakit ba ang aga pa"maktol ko
"Hoi Sillie wag kang tamad, bumangon ka na. Kung ayaw mo sige ka wala kang makain mamamaya"ha? Bakit naman.
"Bakit?"tanong ko habang nakakunot ang noo
"Kasi sabi ni Sir ang first activity natin ngayon ay maghanap ng makakain. May tinago daw sila sa tabi tabi kaya kailangan nating hanapin at yung partner mo sa tent sya daw ang kapartner mo sa paghahanap ng pagkain."wow! Ano to scouting? Hanep ah iba din ang trip nila.
Akala ko ba field trip to. Parang training to ah. Hindi naman ako sumali sa Girls Scout. Bakit may hanap hanap pang nangyayari.
Argh! Nakakapagod. Sana hindi nalang ako sumama.
"Ano? Tayo ang maghahanap ng pagkain natin? Akala ko ba Field trip to? Parang scouting yata itong pinuntahan ko"kasi naman ang field trip yung pupunta ka sa isang lugar na may matutunan ka. Eh ano to? Field trip ba talaga to?
"Wag ka ngang maraming reklamo dyan. Wala ka namang magagawa. Tyaka masaya to, exciting!"Patty at soobrang lawak ng ngiti.
Ano pa nga bang magagawa ko. Kaya tumayo nalang ako at naghilamos.
Ilang sandali pa ay gising narin ang lahat. Sila Kristyl at Grace ayon busy sa paglalagay ng kolorete sa mukha.
Sinabi na ni Sir kung anong dapat naming gawin. Ang iba nagreklamo pa dahil masisira daw ang balat nila. Marami kasing mga puno rito at patay na sanga.
Pero sabi ni Sir kaya daw may ganito kasi para may challenge daw. Kaya ayon ang iba wala ng nagawa.
Sabi pa nya pupunta daw kami sa Museum sa mansyon ng mga Montecarlos pagkatapos nito kaya ang iba ay todo hiyawan.
Ilang sandali pa ay nagsimula na, magkapartner kami ni Patty kasi sya naman yun katabi ko sa tent. Ayos lang naman sa akin.
Lumakad na kami papasok ng gubat. Medyo madilim pa dahil madaling araw palang kaya wala pang liwanag na nagagaling sa araw. Nagdala kami ng flashlight ni Patty at iniilawan namin ang daan.
"Sillie, dyan ka muna ha may titignan lang ako doon"paalam sa akin ni Patty pero hindi na nya hinintay ang sagot ko at tumalikod na sya papunta sa deriksyong tinutukoy nya.
Sinundan ko sya nangtingin hanggang di ko na sya nakita.Ilang minuto ng nakakalipas pero hindi pa rin sya bumabalik.
Nakaramdam ako ng kaba dahil baka kung ano ng manyari kay Patty kaya nagpasya akong sundan sya.
Hinakbang ko ang mga paa ko papunta sa deriksyon kung saan dumaan si Patty kanina.
"Patty"tawag ko pero walang sumagot
"Patty"tawag ko ulit pero wala pa rin.
"Patty"
"Patty"
"Patty asan ka na bang babae ka. Bakit hindi ka sumasagot"bulong ko
Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan nya pero ni isa don walang sumagot.
Kinakabahan na ako dahil baka may nangyari ng masama kay Patty.
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa gitna ng gubat. Paano ako napadpad dito?
Asan na kaya si Patty?
"Patty"
"Patty, sumagot ka asan ka?"
Gusto ko ng magmura dahil sa kabang nararamdaman ko pero pinipigilan ko lang.
Habang naglalakad ako nakaramdam ako na parang may nagmamasid at nakasunod sa akin.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil baka may mangyaring masama sa akin dito.
Sino bang may pakana ng activiting ito?
Mas lalong binilisan ko pa ang hakbang ko para hindi nya ako maabutan. Gusto ko mang ilibot ang paningin ko pero natatakot na baka- oh my god wag naman sana.
Nasaan na ba si Patty?
Babalik na sana ako ng may humablot sa braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.
Pagharap ko nakita ko si Angel na may dalang kutsilyo at nakatutok ito sa kin.
"Angel kung ano man ang binabalak mo, wag mong itutuloy"sabi ko sa kanya
"Walang hiya ka Sillie, ikaw ang pumatay sa mga kaibigan ko"
"Anong pinagsasabi mo?, wala akong kinalaman sa pagkamatay nila"
"Sinungaling ka, ang kapal ng mukha mo"
"Angel please maawa ka kung ano man ang binabalak mo wag mo ng ituloy"sabi ko sabay taas ng dalawang kamay ko
"Sorry Sillie ha pero wala na akong awa, kating kati na ang kamay ko na saksakin ka kaya magdasal ka na"
"Wag Angel maawa ka wag mo akong patayin"
Dahil sa takot ko napaupo nalang ako sa lupa dahil na rin sa panginginig ng tuhod ko.
Pero ang dalawang kamay ko ay nakataas parin. Anong nangyayari kay Angel, bakit nya ako pinagbibintangan na ako ang pumatay sa mga kaibigan nya? Nababaliw na ba sya?
"Magdasal ka na Sillie, dahil papatayin na kita"sabi nya at itinaas ang kamay sa ere para bumwelo.
"Wagggggggg"sigaw ko sa sobrang kaba ko napapikit nalang ako.
"HAHAHAHHA"
Nabigla nalang ako ng may humalakhak ng malakas. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Angel na ang lapad ng ngisi.
"Hahahhahaha ang galing ko, pwede na akong maging artista. Hahhaha"
Napakunot nalang ang noo ko dahil sa inasta nya. Akala ko ba gusto nya akong patayin? Pero bakit ngayon tumatawa pa sya?
"Anong i-ibig mong s-sabihin?"nauutal kong tanong
"Hahhah tinakot lang naman kita, hahaha ang ganda ng mukha mo Sillie pagnatatakot hahahah lumalaki ang ilong hahahha"
Shit! Para syang baliw. Hindi nya ba alam kung gano ako kinabahan kanina? Ako nalang kaya ang sasaksak sa kanya mas masaya pa siguro.
"Alam mo ba kung gaano ako kinabahan kanina? Akala ko katapusan ko na yun pala pinaglalaruan mo lang ako"hindi ko na napigilang hindi magalit dahil muntik na akong atakihin sa puso kanina tapos may gana pa syang tumawa.
"Ang boring kasi kaya naghahanap ako ng mapagtripan kaya bye Sillie, pinasaya mo ang araw ko. See yah later. Hahahah"sabi nya at tumalikod na. Hindi pa rin sya tumigil sa kakatawa, baliw na ata.
Tumayo na ako para bumalik na sana sa Tent namin pero nakita ko si Patty na may dalang pagkain.
"Hay Sillie nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagsususuot kang babae ka?"wow! Sino ka yang nang iwan sa amin? Muntik na nga akong mamatay sa takot.
"Buti na lang nakita ko na ang pag kain natin" ipinakita nya sa akin ang isang supot na may lamang ulam at kanin na may nakatatak Sillie Sebastian and Patty Almodovar. Kaya nagpasya na kaming bumalik na sa tent para makakain na.
♡IwaynEix
BINABASA MO ANG
The Library's Secret
HorrorThis library has a lot of secret A library ,full of secret A library that Can put your life in danger A library where no one can ever escape A girl who has a past in that hidden library Isang library na punong-puno ng kababalaghan at kamisteryo...
