Ikatatlo

78 12 2
                                    

Jaydee

Patuloy lang ako sa pag lakad, at nakita kong si Clark ay may binabasang letter kaya busy siya at di niya ako nakikitang palapit sa kaniya.

Kinakabahan talaga ako ng todo kasi nasa harapan kona ang pinaka gusto kong tao, pinaka iniidilo kong tao, at hinahangaan ko sa lahat.

Parang pakiramdam ko kamimg dalawa lang nandito sa paningin ko. I can't take my eyes on Clark lalo na nung nasa tabi ko siya at harapan-haparan ay pwede ko siyang yakapin.

Nasa harapan na niya ako non pero di pa ako nakaka upo hihintayin ko syang paupuin niya ako baka kasi mabastos ko sya pag-umupo agad ako.

Napatingin siya sa akin at yon na lamang ang kaba sa dibdib ko parang merong mga kabayong nag uunahan sa dibdib ko

"Hi, take your seat, Miss" nakangiting sabi niya, ang galang naman!

Pwede naman babe or baby na lang!

"A-ahh, s-sige" napa-sabi ko na lang dahil siguro na black out na yong utak ko.

Nahihiyang napa upo ako at nung maalala kong 15-20 minutes lang kaming puwedeng mag usap ay lahat ng tanong ko ay itatanong ko na sa kanya.

Umupo na ako at parang may kakaiba sa kanyang pag tingin sa akin, parang may lungkot, may saya, may takot, at may pag ka dismaya.

Andami andami-dami niyang reaksyon ko nagiging hiwaga lang makita ang mga mata niya? Nababaliw na ba ako ngayon na nakikita ko na siya?

Di ko na pinansin yon at ngumiti na lang ako sakanya.

"Hi what's your name" sabi niya.

"J-ja-jaydee po" pahinang pahina ang boses ko sa kakahiyan. Pero susubukan kong mawala ang aking kaba para hindi maging awkward.

"Wow! It suit's you!" Masigla niyang bati.

"Thank you" sabi ko saka inilagay sa likod ng tainga ang takas na buhok.

"So, sabi ng mga staff's dito at ang manager ko na may gagawin kayong hindi ko inaasahan para sa akin, pero bawal ang malalaswa ah? Hahaha, yun lang, so anong gagawin mo?" Sabi niya at napaisip naman ako.

Tumayo ako at pumunta sa harapan at sinigaw...

"Ang gwapo-gwapo mo Clark! Baka naman" nang dahil don sa sinabi ko nag sigawan ang mga tao.

Andami pang mga sinisigaw ang nga fangirls niya pero di kona pinansin dahil sa kaba at kahihiyan na nagawa ko.

Bumalik ulit ako sa upuan na may ngiti ako sa mukha at nakita kong nagulat sya siguro sa ginawa ko. Syempre isang Jaydee ang gumawa non dapat talagang magulat ka! Napapatawa ako sa naisip ko.

Siguro mga ilang seconds rin nawala sya sa sarili niya dahil sa ginawa.

"Wow as in wow! Unbelievable i-ikaw palang ang nakakagawa nan sa lahat ng Fan Girls ko dito" sabi niya na todo ngiti.

"Ahm" pauna ko sabay tawa na dahil sa kahihiyan. "Yon na lang kasi ang naiisip ko imbes na kung ano ano pa ang gawin ko sayo diba?" Sabi ko saka ngumuso sa kaniya, natawa naman siya kaya nahihiya ko siyang nginitian.

"So mauuna na ako? Tapos na oras ko eh" sabi ko sabay tayo pero nung pagtayo ko meron cord don sa malapit sabay pikit ng mga mata ko at bigla akong nahulog at hinihintay ko ng mahulog ang mukha ko sa sahig nung parang wala naman, minulat ko na ang mga mata ko at nakita ko si Clark! At napaka lapit ng mukha niya sa mukha ko!

What?!

Mabilis akong umalis sa pag yayakap niya sa akin at nag punas ng katawan ko. May iniabot sya sa aking papel at mabilis ko munang inilagay iyon sa bulsa ko, mamaya ko nalang babasahin baka death threat yon.

Lumapit sya sa akin at bumulong...

"Be carefull mahirap na kapag walang sumalo sayo" sabi niya sabay layo ng mukha niya sa akin at kindat na kinabigla ko naman.

Wala akong naisagot sa sinabi niyang iyon!

Kinabahan ako ng todo-todo dahil doon at nung malaman kong tapos na ang oras ko mabilis akong bumaba at pumunta sa pwesto namin ni Mayette kanina.

Nakita ko si Mayette na kausap na niya si Clark at nung lilingunin ko na si Clark ay tumingin sya sa akin! Tumingi---, mabils kong pinunasan ang mata ko baka guni- guni ko lang iyon mahirap na!

Mahirap na lalo na kapag sinabi ko iyon sa iba at walang naniwala, wala akong sapat na ebidensiya para masabi iyon sa kanila.

Pero nung pagdilat ko wala na! Di na sya naka tingin sa akin! Ano ba yan! Hindi man lang natagalan!

Mabilis na tapos ang fan meeting at maya maya lamang ay uuwi na kami ni Mayette. Nandito kami ngayon nag dadaldalan ni mayette sa upuan namin at hinihintay nalang namin si Clark na lumbas sa back stage para sa closing performance nya.

"Pakner ang gwapo niya" kilig na sabi ni mayette habang inaalala ang nangyari sa kanika kanina.

"Oo nga, dream come true 'to! Hindi ko ito nalilimutan!" sabi ko habang tuwang tuwa rin.

"Kaya nga! Sana makasama ko man lang siya kahit isang araw lang" she said.

"Agree! Kahit ano la--" di na natapos ang sasabihin ko nung lumapit yung assistant at biglang nag-salita.

"Ahm" paninimula niya. "Sino po sa inyo si Jaydee?" Tingin saming dalawa, nag taka naman ako kung bakit niya ako hinahanap.

"Ah sya po! Sya po si jaydee" turo sa akin ni Mayette.

"Ah ikaw pala ma'am hindi ko kasi natanong kanina ang name mo kaya nag libot muna ako sa buong venue para hanapin ka!" Sabi niya.

"Bakit mo ba ako hinahanap?" nahihiwagaan kong tanong.

"Ah eto kasi ma'am, may pumuntang dealer ng flowers tapos ang naka lagay po ay Jaydee!" sabi niya saka itinaas ang magagandang bulaklak. "Kaya hinanap ko agad yon, eto po yung flowers! Ang ganda no ma'am?" saka ibinigay sa akin bago magalang na umalis.

"Ah, salamat" nahihiyang sabi ko at umalis na siya.

"Pakner kanino galing yan? Siguro may secret admirer ka no? Di mo lang sinasabi kasi nahihiya ka sa akin! Baka naman pogi yan I-share mo naman o kaya meron bang kapatid na lalaki? Pinsan? Ibigay mo naman sa akin oh" pagdadarag niya.

"Ano kaba! Wala akong secret admirer no! Tsaka yang pinagsasasabi mo di totoo mga conclusions mo tuloy humaba na! Tsk" sabi ko habang tinitignan ang bulaklak.

In fairness maganda ang pag kakaayos, inamoy ko rin ang bango niya, sino kaya nag bigay nito? Wala naman akong mga secret secret admirer na ganyan sa school o kahit saan.

Well, meron na sumusubok but si Mayette lagi ang humaharap kaya siguro natatakot na makausap man lang ako, depende na kung pabor ba sa kanila si Mayette.

Di ko na namalayan na nag sisigawan na ang mga tao at napatingin ako doon dahil lumabas na si Clark, na nakatingin na naman sa akin! O baka nililibot niya lang ang mga mata niya? Hindi ko na iyon pinansin pa.

"Hi guys! Thank you sa inyo! My pleasure to meet you all in my first Fan Meeting! I just want to say thank you, thank you for all support! Kung hindi dahil sa inyo wala naman ako diba?" Sabi niya di ko na napakinggan pa ang sinabi niya dahil nagwapuhan na naman ako sa kanya!

Bakit kasi ang cute niya?

Mabilis kaming nakapunta sa bahay ni Jaydee, at umalis na rin sya kani-kanina lamang at pagod na pagod kaming dalawa dahil doon.

Habang iniisip kung ano ba ang nangyari kanina ay mabilis ako nakatulog ng dahil doon.

Im His FanGirl (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon