Ikaanim

78 9 1
                                    

Jaydee

"Okay na ba ako?" Tanong ko kay Mayette.

Sabay pakita ko sa kaniya ng aking ayos.

"Oo pakner okay na okay kana!" Sabi pa niya.

Siya kasi ang pumili ng aking susuutin for today dahil magaganda ang mata ni Mayette when it comes to fashion.

"Eh? Parang hindi bagay sa akin itong suot ko" sabi ko pa habang nakasimangot.

Nandito kami sa kwarto ko at nag bibihis na ako, kaya lang naman nandirito si Mayette dahil pinapatingin ko sa kanya kung ayos lang ba itong suot ko dahil ngayon na ako pupunta sa SM. Kung saan pinagdarausan ang fan meeting niya dati.

Naka black off shoulder ako then jeans with a white shoes, nilabas ko ng kaunti ang aking balikat at baka dahil dito ay magustuhan or masulyapan man lang ni Clark ang ganda ko.

"Oy pakner okay na ba mukha ko?" Tanong ko kay Jaydee.

"Oo pakner okay na okay na! Tama na ang pagpapaganda hindi ka naman magugustuhan non ni Clark" pag-iingit niya sa akin.

"For real? Baka naman inaano mo lang ako ah?"

"Anong inaano?"

"Ano yung, basta!"

Tumawa siya. "Joke lang ayos na yan!" Sabi niya sabay thumbs up.

"Sige sige tara na! Anong oras na oh? Dapat maaga tayo! Bilisan na natin nakakahiya naman kay Clark na pinaghintay pa natin sya doo" sabi ko pa at nag madali na.

Isipin ko pa lang siya na pag-hintayin roon ay parang mahihimatay na ako.

"Sige sige eto na hihintayin ko kayo don ha? Text text nalang pag tapos na kayo, dun na rin ako kakain o kaya gagala nalang ako, pero kung pwede akong kasama tawagan mo lang ako ha?" Sabi pa niya na may parang pangaral sa pagsasalita.

"Oo na, oo na iiyak kana eh" inggit ko pa.

"Tse! Tara na nga!" Sabi niya sabay hila sa akin.

Nandito na kami ngayon sa trycicle-an at nakaupo na kami ni Mayette.

May bag ako, pouch bag to be exact onti lang nama kase laman non wallet, cell phone, earphones, pamaypay, bimpo, at isang hand sanitizer.

"Pakner earphones lang ako ha? Baka kasi magsalita ka dyan mag-isa na walang kausap" natatawang pahayag ko sa kaniya.

"Sige sige ako rin"

Pumili na ako ng kanta at pumikit para madama ang kanta.

It was a good song and hit back then, original song ng isang magaling na mang-aawit na nag cocover ng song. Halos lahat ay alam at saulo ang kantang ito, maging ako ay nasasabayan ang kanta at saka nahihiwagaan sa ibinibigay ng kanta.

And then another song played.

Ang kantang kahit ulit-ulitin ko ay hindi ako magsasawa. Unang beses ko pa lang ito mapakinggan ay nagustuhan ko na agad ito. This was their hit song at magandang pakinggan kapag acoustic.

Mahilig talaga ako sa mga ganitong uri ng kanta. Hindi ko alam kung bakit apektado ako habang napapakinggan itong kantang ito.

Maya maya lamang ay may kumalabit sa akin at namulat na ako. Nandito na pala kami sa sakayan ng jeep pa punta doon sa SM.

"Pakner tara!"

"Oo sige-sige eto lang" sabi ko pa.

Nakapila kami dito sa sakayan ng jeep at mukhang makakaabot naman kami sa tamang oras.

"Oh dito dito na kayo sakay oh! Papuntang SM! Dito SM! Sakay sakay oh!" Sabi nung dispatcher ng jeep.

Nakasakay na kami at binuksan na ni kuyang driver ang makina.

Sinalpak kong muli sa tainga ko ang earphones sabay pikit ng mata para naman maginhawaan ang utak ko mamaya sa pag-uusap namin ni Clark, nakaka bored kasi.

A kpop song played who hit's 1 Billion views.

"Hmm~hmmm~" ayoko sabayan yung kanta kasi baka kung ano-ano lang masabi ko kapag sinubukan kong sabayan ang kanta.

Napapakanta na ako minsan at bigla nalang nag layag ang isip ko.

Ano nalang kaya ang mangyayari mamaya? Napanguso tuloy ako habang iniisip kung amo ang posibleng mangyari mamaya. Siguro civil lang parang friendly date ng isang artista sa kaniyang fan. At ako yun.

Marami na akong naiisip nung may kumukulbit na sa balikat ko, mumulat na ako nung nauntog ako dun sa hawakan ng kamay dun sa bubungan jeep. Nakarinig naman ako ng tawa sa aking tabi kaya napanguso ako.

"Alam mo lagi kang nauuntog!" natatawa niyang saad. "Tara na bilisan mo! Anong oras na oh!" pagmamadali niya.

"Ay excited much? Ikaw ba makikipag date ha?" taas noo kong saad sakaniya.

"Hinde excited lang ako makita ulet sya"

"Parang inaano mo na siya diyan sa utak mo ha? Sumbong kita don eh!" natatawa kong sabi habang nakikita siyang iminumuwestra ang kaniyang sa katawan niya.

"Hoy hinde no! Anong inaano ba ikaw!" Sabay turo nya sakin.

Nandito na kami papasok at ako nauna dahil mas maganda ako sakanya.

Biglang nag ring ang telepono ko, tumigil muna ako, napatigil rin si Mayette, agad ko itong sinagot.

Sino kaya ito? Walang nakaregistered na name kaya tinignan ko muna ng mabuti bago sagutin.

"Hello?" Sagot ko

"Uhm, nandito na po ba kayo?" Hala! Si ating taga-assist.

"Ah opo opo nandito na kami sa SM pupunta nalang talaga diyan" maligaya kong sabi.

"Yun okay, naghihintay na rin kasi dito si Clark kaya bilisan na rin, hihintayin kita dito sa labas ha?"

"Sige po!"sabi ko at pinatay na niya.

"Anong sabi pakner?" Tanong ni Mayette.

"Tara bilisan na daw natin dahil naghihintay na si Clark!" Sabi ko pa at hinila sya ng mabilis.

"O sige!" Sigaw niya pa.

Mabilis kaming tumakbo.

Di na ako makapaghintay! Makikita ko ulit sya, mahahawakan ang mga malalambot niyang kamay.

Nakikita ko na si ating taga-assist at mabilis siyang kumaway sa akin. Kinakabahan man ako sa aking ayos ng damit at kung paano ko siya makakausap, it was a date kaya hindi ako mapakali.

Syempre kumaway rin ako pabalik saka nag-thumbs up para sabihin na maayos lang ako at ready na sa kung ano ang magaganap sa date namin ni Clark!

Nung lumapit na ako ay biglang syang nagsalita.

"Ready kana ba?" Tanong niya pa habang ngingiting nakatingin sa akin.

Ready-ing Ready!

Im His FanGirl (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon