Jaydee
Pagkatapos ko non kumain ay inilapag ko yung mga pinagkainan ko sa side table saka humiga.
Nakatulog rin ako kaagad dahil na rin sa pagod na nagawa ko buong maghapon, simula dun sa pag momall ko, pag kauwi ko, kay maka, parang andaming nangyari diba?
Inayos ko muna ang pinagkainan bago simulan ang aking araw ngayon.
Tapos kinabukasan ay may pasok na, muntikan na akong malate dahil sa late na ako nakatulog.
Habang naglalakad ako para papasok sa room namin ay may biglang humablot sa akin.
S-si Kyle?
Ano na naman ba ang problema nito? Ako na naman?
Tss.
"Bakit ba?" Sabi ko.
Siya naman mukhang ewan na nakatingin lang sa akin.
Crush bako neto? Probably not! Hoy Jaydee! Magising ka nga! Taas ng pangarap mo ah? Yang unggoy na yan magugustuhan ako? Imposible! Bakit? Sikat yan e! Baka magutaygutay ako sa mga FanGirls niya! Ako pa masabunutan everyday! Masampal kahit saan kami mag punta ayoko kaya non!
Pero tanong crush niya ba ako? Kung crush man niya ako at gusto niyang gawing gurlfriend siguro hindi pa ako ready.
Nafefeel ko kapag naging crush niya ako ay hindi ako makapaniwala, wala lang parang yun lang nafefeel ko talaga!
"Hoy bakit ba?" Tanong ko ulit kasi malilate na talaga ako.
Kanina pa kami nagtatago sa isang hall way na walang tao na lagi dumadaan, may kwento na rin dito na nakakatakot kaya siguro wala ng dumadaan dito.
Lumapit siya sa akin saka ako ikinulong gamit ang dalawa niyang kamay sa aking gilid.
Tumahimik kaming dalawa dahil sa wala na akong masabi, parang ang dami dami kong tanong pero wala akong mabanggit maski isa.
Unti unti kong initataas ang dalawa kong mata kung ano nga ba ang ginagawa ni Kyle, at nagulat ako nung nakakatitig pala siya sa akin. Nahiya naman ako don, at ibinaba ko na ang ulo pero gamit ang isa niyang kamay ay initaas niya pa ito.
Those eyes that mysteriously gorgeous.
Ang seryoso ng mukha niya kaya parang hihigupin ka nito. Iniwas ko na lang ang tingin ko para hindi ako mailang.
"I love you" mahina niyang sinabi pero rinig na rinig ko.
Puso ko! Nakarinig ako ng malakas na kalabog! What!!?
Napatigil ako doon at tumingin ako sa mga mata niya, nandito pa rin kami pero parang wala ata siyang iniisip na may pasok kami.
Nakakahipnotismo ang mga mata niya na parang sinasabing mahal niya ako, o sadya lang to na may pagka play boy?
Pero iba ang sinasabi ng puso ko? Na sundin ko lang ito o ititigil ko? Iiwas?
"A-ano ka ba naman" nauutal kong sinabi.
Narinig ko siyang napamura kaya inalis na niya ang dalawang kamay sa gilid ko.
"Remember? Yung sa mall?" Sabi niya. Bigla na lang nawala yung pagkaseryoso sa mukha niya saka sa mga boses niya.
"Yes" maikli kong sinabi.
"Come with me" sabi niya.
Sinabi niya yon saka umalis, ako naman sumunod para mag tanong.
Biglang nag init ang ulo dahil don.
"Hoy! Anong come with me-come with me ka diyan! Bakit ako sasama sayo ha?!" Sigaw ko sakanya sa tumigil.