Ikalabing-pito

55 8 6
                                    

Jaydee

Naging mabilis ang araw namin non at nung pauwi na kami ay sabi mag hintay kami dahil may susundo sa amin.

Nakakapagtaka na bakit hindi siya nag kotse nung papunta kami diba? Ay sabagay 'hindi' pala kami sabay na pumunta rito, coincidence lang.

Eh coincidence rin ba ang pagkikita namin dito? Syempre coincidence! Alangan naman tadhana diba? Kasi wala akong gusto sa kanya at siya rin sa akin! Kaya hindi mutual ang feelings namin, wala rin one sided love na mangyayari!

Tapos maya maya lang ay dumating na yung kotse niya at sumakay kami sa likod.

Palingon lingon ako sakanya non at may gusto akong sabihin na hindi ko talaga masabi.

"Sabihin mo na" mahinahon niyang sinabi.

Alam niya pala na may sasabihin ako! Pero bakit niya nalaman? Does he staring on me? Or he has powers to read someone's mind?

"A-ano maraming s-salamat ah? S-sinamahan mo a-ako" Jaydee!

Why are you stuttering? Siya lang naman yung nag- aya sayo na mag-gala at may picture pa siya sa cellphone niya!

"Tss" ano ibig sabihin nan?

"Yun lang sagot mo?" Mahinahon kong tanong, nakaupo kaming dalawa sa likod ng isang HiAce at ako nakatungo lang while siya ay naka upo rin habang nakatapat yung cell phone sa mukha niya.

"Ano ba dapat isagot ko?" Pabalang niya sinabi.

"Edi 'welcome' or 'or ganun rin ako kaya maraming salamat!" Sabi ko at nag cross arm sabay tingin sa labas. Siguro para sakanya wala lang iyon pero para sa akin hindi! Nalibre niya ako tapos parang wala lang sakanya?

Pero bakit big deal sayo Jaydee?!

"Welcome" bulong niya, napipilitan pa ata.

"Hindi naman sincere" bulong ko ren habang nakatingin parin sa labas.

"Eh ano?" Sabi pa niya.

"Wala! Alam mo talaga! Nakakainis ka!" Humarap ako sakanya at mukha akong girlfriend na nagpapalambing sakanya!

Ako magpapalambing? At bakit? Hindi ko naman siya boyfriend! At kung boyfriend man ay dapat niya muna akong ligawan! Tumango-tango ako sa aking naisip.

"You know? Parang may sapak ka lagi" mahinahon niyang sinabi habang nakatingin na rin siya sa akin.

Dahil sa tinginan namin napahiya ako kaya agad akong tumingin sa unahan at nakita ko yung driver na patingin tingin sa rear view. 

Ngumiti naman ako ng sarcasm kay manong driver at siya naman parang napilitin ring ngumiti dahil amo niya ang sinisigawan ko.

Binalik naman niya ang tingin sa kalsada.

Naging tahimik nalang ang biyahe namin at ako ang una nilang inihatid. Dun ako nagpababa sa malaput sa amin kase nakakahiya at baka makita pa ako ni Mama, hindi pa naman ako nag paalam na may mag hahatid sa akin diba? Pagbaba na pagbaba ko ay humarap agad ako sa bintana at nagpasalamat na ako kay Kyle, alam mo ba ang ginawa niya? sinaraduhan lang naman ako ng bintana, diba ang bastos? Walang manner!

Edi yun binalik ko yung tingin sa bahay na may nakakaasar na mukha talaga! Kaso nung pagkatingin ko ay mag nakita ako na kotse na paalis, tapos sa bahay pa namin, sino kaya yon? Baka pumarada lang sa bahay? Pero kasi nakita ko si mama nakikipag usap dun e.

Baka nagtatanong ng direksyon? Yun bang nawawala? Ah hayaan na, itatanong ko na lang, pagkadating ko.

Sinarado ko na ang gate at pumasok ng bahay. Nakita ko pa si Mama na nakabihis? Bakit nakabihis to ah? Si Mama pak oh! Rumarampa na rin! Agad ako pumasok at saka bibistuhin si mama kung san ba siya pumunta ngayong araw.

Im His FanGirl (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon