Jaydee
Sinundan ko naman yung dalawa at dahil sa nauna sila hindi ko na sila nahanap.
Lingon sa kaliwa.
Lingon sa kanan.
Asan yung mga yon?
Busy ako sa paghahanap nung may umakbay sa akin, nilingon ko naman iyon at nakita kong nakangiti sa akin si Kyle.
Ngayon ko lang siya nakita ng ganitong kalapit at nakakahiya! Maayos ba mukha ko? Did my face really that funny, kaya siya natawa? Pero di ko na naisip pa iyon dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Ugh! Nakakaasar! Damn! Tama ba ito?
"Ano? Nakita mo ba sila?" Tanong niya.
"H-hindi nga eh" naiilang kong sinabi kasi bigla na lang niya nilapit ang mukha niya ng todo para mas makita ko siya. Pero syempre nakakahiya yon, kaya hindi ko na lanh ulit pinansin.
Inhale. Exhale. Repeat.
"Tara na? May alam akong masarap na kainan" sabi niya saka inikot yung dila sa buong labi niya saka niya kinagat ang pangibabang labi. Why he is always do that?
Akala ba niya mahuhulog ako sakanya?
'Jaydee!! Umayos ka nga! Every part of him alam mo na nangyayari! Stop it! He's a certified Playboy sa school!'
"Shawap"
Yan dapat sasabihin ko e kaso baka naman humagalpak sa tawa to.
Napatulala na lang ako sa kanya at nung nag yaya siya ay saka niya hinawakan ang kamay ko at sabay hila.
Magkaholding hands lang kaming dalawa, napunta kami sa isang malaking kainan. Makikita mo agad na dinarayo siya dahil sa lawak at maraming sasakyang nakaparada sa harap ng kainan.
"Our family used to eat here" malalim na boses niyag sinabi habang naglalakad kami galing sa pinarada niyang kotse.
"Ano na ngayon? Wala na?" Dahil sa kuyursidad ko napatanong pa ako.
"Well" napabuntong hininga siya bago niya itinuloy, " wala ako na lang" pagpapatuloy niya habang pataas na kami sa hagdanan. "Maliit lang to dati naging malaki lang dahil sa dami at laging dinarayo" dagdag niya pa.
"Tas yun eventually naging pagmamay-ari ko na siya" sabi niya with his killer smile (na parang gummy smile ni JB ng Got7! Na nawawala yung mga mata) habang binubuksan na ang pinto pa loob.
'So he's managing this kind of restaurant in his high school?! Would anyone imagine that? I think no one, pero in his case, siguroo oo nga, bagay siya sa ganto'
Napahanga akong napatingin sa kanya while siya tinitignan kung maayos ba ang lugar ng kanyang pag mamay-ari.
Napadako naman ang tingin ko sa menu dun sa may counter at mukha namang masasarap ang mga bilihin dito.
"Maghahanap na ako ng upuan" sabi ko.
"No, stay here" sabi niya.
Ha? Bakit? Baka maubusan pa kami! Pagaalala ko, Tsk.
"Baka maubusan tayo ng upuan" pagsasabi ko habang inililibot ang tingin sa paligid.
"Hinding hindi tayo mauubusan ng upuan because this is mine" sabay kindat.
'Can he stop doing that? Di nakakatuwa'
Di ko pa rin lubos maisip ang ginawa niya nunh may nagsalita. "Ah, sir Kyle! Bakit po kayo nakapila? A-ah ano po order nyo?" Natatarantang sabi nung nasa cashier. Nagtinginan naman yung mga cook and crews na makikiya mula dito at mukha naman silang nagmamadali nung makita si Kyle.