Jaydee
Nandito na ako sa school at papunta pa lamang sa room namin. Habang naglalakad ako ay biglang may umakbay sakin kaya agad ko itong tinignan, si Kyle.
Napatingin pa ako sa lahat ng taong narito dahil nahihiya ako. Nakita ko pa yung mga kasama ni Kyle at yung girlfriend niya. Hanggang ngayon ba girlfriend niya pa rin yon?
Wala naman sinasabi si Kyle kaya minabuti ko na lang din na hindi na magtanong pa. Basta iba ang pakiramdam ko kapag si Kyle ang kasama ko. Parang wala na akong pinoproblemang iba. Pero ngayon siya ang problema ko.
At kung babalakin kong itanong ay pag iisipan ko kung ano ang mga sasabihin ko para di ako masaktan but I think lahat naman makakasakit sakin lalo na kung mahal niya pa din ito.
Andito pa din siya sa tabi ko, medyo naiilang man masaya naman sa feeling. "Good morning" rinig kong sinabi niya habang patuloy kami sa paglalakad.
"Morning" maikli kong sinabi dahil naglalakad kami ngayon at nakaakbay pa rin siya sa akin! Sinong hindi mahihiya non? Nakatungo lang ako habang naglalakad dahil isa naman ito sa palagi kong ginagawa kapag hindi ko kasama si Mayette.
She always asked me kung bakit ako nakatungo minsan pag naglalakad pero ngiti lang ang tanging naiibigay ko sakanya. She always pushes me to be confident dahil pwede akong maging artista whenever I want to.
Hindi ba siya nahihiya sa pinaggagawa niya?! 'E kasi ako e hiyang hiya dahil alam kong maraming nakatingin sa amin.
Isinantabi ko ang pagiging mahiyaan ko kahit na naririnig ko ang sinasabi ng ilan.
"Why are they together?"
"Ano ba namang ginagawa ni Kyle?"
"That bitch?"
"Hindi niya ba alam na may girlfriend na yung tao?"
"I dont know? She's really are.... stupid!"
"Sinabi mo pa"
Yan lang naman ang naririnig ko habang nag lalakad ako papunta sa room, pero ewan ko kung naririnig ba ni Kyle yang mga yan. Pero panigurado naririnig niya yan! Ang lalakas ng boses e!
"Dont mind them" bulong niya habang naglalakad kami papunta sa room namin malapit ang kanyang labi sa aking leeg kaya nakiliti ako roon but I remained silent para hindi niya mahalata.
Nakatingin pa din ako sa nilalakaran ko naka pinipilit na ipoker face ang mukha. Mukhang nag aalala sa akin si Kyle ah? Ngayon ko lang napag isip isip that I should not let fear control who I am. Kaya ngayon susubukan kong maging confident sa sarili.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa loob ng room namin.
I wonder kung bakit pinili ni Kyle na room ito, kase hindi namin kaklase yung girlfriend niya! Pero okay na yon! Halos buong isang araw ko naman siyang kasama kaya okay na okay ako doon.
Pumasok na kami sa loob at saka ko siya iniwan sa unahan dahil dun sa parteng gitna ang kanya tapos ako sa hulihan. Pero nung pagkaupo ko nakita ko na si Miguel! Ugh what at blessed day for me?! Nagulat pa akong nandon siya pero hindi ko na ipinakita ito sa kanya.
Nagulat pa rin talaga ako! Dahil alam kong may nakaupo dati diyan! Sino nga ba iyon? Si Joshua! Mabait naman siya pero masyadong loko-loko kaya minsan nasasaway pa kami ng teacher ng dahil sa tawanan naming dalawa.
"Hi?" Rinig kong sabi niya habang nakatingin sa unahan namin.
"H-hello" pahina ng pahina kong sinabi dahil nakakahiya! Tinakloban ko na lang yung mukha ko dahil yung mukha ko ata kanina na gulat na gulat dahil parang hindi ko expected na makita siya dito? E ako pa nga ang nagsabi sakanya na dito ang room niyo diba? Pero bakit ko naman nakalimitan?