Dalawamput-isa

29 6 2
                                    

Jaydee

"Yeheeey! Tara na" rinig kong sabi ni Mayette sa aking likod saka siya lumapit sa akin at yumakap habang tumatalon talon pa. Napaharap tuloy ako sa kanila.

Hindi ako makangiti dahil sa ayaw ko talagang sumama pero nung nalaman ko na tuwang-tuwa si Mayette na makasama ako ay ngumiti naman ako ng kahit papaano.

Sinubukan kong tumingin kay Kyle pero siya itong nakatingin ng mariin sa akin. Bakit ganito?

"Okay na ba kayo? Let's go na!" Sabi ni Kent saka sabay silang lumabas ni Mayette.

Naiwan naman kami ni Kyle kaya nauna na akong nag lakad sakanya.

Nung palabas na ako nung room ay may biglang umakbay sa akin.

Nagulat ako sa inakto niya kaya tumingin ako sa gilid para makita ko siya.

Tapos nung nakatingin na ako ay nakatingin rin pala siya sa akin!

Nakangiti siya kaya ngumiti rin ako nahihiya pa.

Nakapunta na kami sa parking lot dahil may mga sasakyan itong mga 'to.

"Ano san tayo magkikita kita?" Tanong ni Kent saka siya lumapit sa sasakyan niya, si mayette naman ay tumabi sa tabi ni Kent.

Magkatabi kasi yung sasakyan nila, bale onti na lang ang nakaparada dahil na rin sa awasan na kaya kami kami na lang narito.

"Dun na lang sa Entrance or Text text na lang" sabi ni Kyle.

Tumingin si Kent kay Kyle na parang may kahulagan ang ipinaparating niya dito.

Bago sumakay sa kotse si Kent ay tumingin pa muna siya sa akin, ngumiti naman ako at ganon rin siya.

"Tara na" sabi ko.

Tumingin ako kay Kyle dahil tumakbo siya sa harapan ko.

Napatingin naman ako dahil kung ano ba ang gagawin niya.

Unti unti niyang binuksan ang pintuan ng kotse at napatigil ako roon.

Tumingin pa muna ako sa mukha ni Kyle ay nakatingin rin siya sa akin at saka siya ngumiti.

Ngumiti rin ako ng may onting hiya.

Lumapit na ako sa pintuan nung sa unahan na upuan.

"S-salamat" nahihiya kong sinabi.

Tumingin pa muna ako kay Kyle pero wala na siya sa likod ko kung hindi papunta na siya sa Driver's Seat.

Ano ba naman yan Jaydee! Puro ka tingin!

Nakaupo na ako nung hindi pa rin kami umaalis.

"Aalis pa ba ta-" di na natapos ang sasabihin ko nung biglang inilapit ni Kyle ang mukha niya sa mukha ko!

Ito na ba ang first kiss ko?

Yung puso ko!

Napapikit ako non at naghihintay na may lumapat sa labi ko pero bakit wala? Nung umandar na yung sasakyan ay saka ako namulat.

Tumingin ako sa paligid ko kung ano ba anh nagbago at yun pala yung sa seat belt!

Ugh! Naisahan ako don ah!

Bakit pa kasi ako umaasa? Ansakit-sakit na!

"What are you doing?" Tanong niya habang napapatawa.

"H-ha?" Pabebe kong tanong.

"Bakit ka nakapikit?" Tanong niya pa.

"A-ah eh, may nakita akong-akong a-ano yung" wala na akong masabi nung may nakita akong ibon. "Oo yung ibon oh! Hinahabol tayo kaya ako nakapikit para hindi niya tayo makita!" Sabi ko.

Im His FanGirl (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon