Tatlumput-lima

34 6 0
                                    

Jaydee

"Kung saan mo gustong pumunta" sabi ko naman sakanya.

Pinabayaan ko ulit siyang mag isip kung saan pupunta kaya binuksan ko na ka agad yung data nito at buti may load ako! Naging busy ako dahil sa mga messages. Napapansin ko sa peripheral vision ko na napapatingin sa direksyon ko si Miguel pero hindi ko na ito pinansin.

Hinde nagkali-kalikot ako sa cell phone ko nung biglang may nagvibrate. Agad ko naman iyon tinignan at nakita ko na minention na naman ako ni Mayette sa kung ano ano.

Nung pagkakita ko ay...

"Wah!" Sigaw kaya napagilid si Miguel para tignan ako, napatingin pa nga ako sakanya dahil gulat na gulat ang expression ng mukha niya.

"What the! Bakit?!" Sigaw niya rin.

"Bakit ko ngayon lang to nakitaaa?!" Sigaw ko.  Hindi na talaga ako updated sa mga ina-idol ko.

Nalabas na pala ng BTS ang bago nilang MV na Fake Love! Idadownload ko na lang! Di ko pa naiistream.

"Ang alen?!" Nakikisigaw na rin siya.

"Wala" sabi ko saka ko ulit tinignan yung sa cellphone ko. Kinuha naman niya yon kaya hindi ko na inagaw pa at papabayaan ko siyang makita niya yon.

"Nako! Kpop lang pala to 'e!" Sabi niya saka abot sa akin, kinuha ko naman yon. "Akal ko naman kung ano na" dagdag niya pa habang umiling iling nakatingin sa akin.

"'E ano kung kpop?" Sabi ko sabay harap sa kanya.

"Wala..." Sabi niya at saka parang may ibinulong kaya pinabayaan ko na siya.

Napansin ko ang daan naman at papunta na naman sa panibagong mall kaya nag isip na ako ng isang pupuntahan habang nakatingin sa labas ng bintana ng mapansin ang kotseng kanina ko pa tinitugnan dahil kung saan kami magpunta ay andoon siya.

Hmm, baka parehas lang kami ng pinupuntahan lagi. Isinawalang bahala ki na iyon ng sabihin sakanya kung saan magandang pumunta tutal parehas kaming gutom sa pag iikot dun sa game zone at lalo na sa pag kanta ko.

Hindi ko pa din akalain na madaming tao ang nagustuhan ang pag kanta ko. That is how I deliver songs kasi I sing it with sincerity and full of passion, kaya siguro maraming nagkagusto. Napangiti ako sa opinyon na iyon.

"Alam mo?" Nakangiti kong sabi. "May alam akong maganda..." Saka napakunot yung noo niya, mukhang iniintay kung ano yung sasabihin ko. "Mas maganda pa rito, at masasarap ang mga pagkain." Sabi ko.

"Ano g?" Sabi ko. Tumungo naman siya at saka kami bumalik sa kotse at agad kaming umalis. Napatingin pa nga ako sa gilid ko na nakita ko yung kotse na sumusunod sa amin? Hays hayaan na nga baka parehas lang kami ng pupuntahan.

Tinuro ko ng tinuro yung daan at malapit na kami. Ngayon ko na lang ulit to mapupuntahan! Nakakamiss talaga to.

Nung nakita ko na yung karatola na dating Leyzels ay naging Raffy! So Raffy's Lomihan na siya. Bakit kaya? Maitanong nga kay Kyle... And why I am thinking about him?

"Wah! Eto na!" Masaya kong sabi at nakita ko pa si Miguel na napatingin sa akin at ngumiti ng tipid.

I Wish Kyle is here. Ano na naman ba yan Jaydee! Wag muna siya! Busy siya sa babae niya! At ikaw naman ay ibusy mo sarili mo dyan kay Miguel, make him feel entertain! Artista na 'to o.

Bumaba na ako at saka ako pumasok sa loob para makita sila aling Leyzele!

"Aling Leyzele!" Tawag ko. "Bakit naging raffy's na?"dagdag ko pa.

Nakita ko pa sa loob na marami raming tao kaya mukhang busy sila dito. Napangiti ako dito dahil at last naka bisita rin ako dito kahit papaano. Malayo layo ito sa amin sa Cabuyao pero okay na rin. Ito kasi yung usual na pinupuntahan lagi namin ni mama.

Im His FanGirl (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon