Jaydee
Mabilis akong nagising dahil sa walang kwentang alarm ko na 'to sa cellphone ko.
Agad kong kinuha yung cellphone ko na nagriring ng ganitong oras! Anong oras na ba? Tinignan ko yun at saka nakita na 5:00 am na pala! At lunes na! Papasok nga pala ako! 7:00 kase dapat nasa school na kami!
Agad akong nagpunta sa banyo at nagmumog muna at nagpunas ng mukha. Bumaba na ako at saka nakikita ko si mama na parang bata dahil sumasayaw at kumakanta habang nagluluto. Nanay nowadays. Lumapit na ako kay mama at saka tinignan kung ano ba ang niluluto niya, nagsasangag pala, tsaka may itlog at hotdog nasa lamesa. Natawa na lang din ako sa sitwasyon niya dahil mukhang hindi siya malungkot sa mga nagdaang araw. Wala naman araw na hindi siya masaya 'e, and I am thankful of that.nmy mothers happiness will be my priority.
Natutuwa akong tinititigan ang binigay na na neclace ni Kyle sa akin. You will see the detailed beadings of the necklace kaya masasabi mo itong maganda. Isa na siguro ito sa mga pinaka iingatan ko na naibigay niya sa akin.
Umupo na ako at saka patuloy pa rin ako sa pagtitig kay mama at nakisabay na lang din sakanya.
"Ma?" Pagtatawag ko sakanya. "Nyare sayo?" Natatawang sabi ko.
"Ah wala naman anak" sabi ni mama at nauwi sa tawa.
"Ma! Baka nagdadrugs ka ah!"sigaw ko. Napatingin naman sa akin si mama.
"Anak? Ako magdadrugs? Wag na! Sasayangin ko lang ang maganda kong katawan" sabi ni mama saka pinakita yung katawan niya. Natapos na si mama at saka inilagay sa isang lalagyanan ang sangag at saka ako kumain.
Masarap talagang magluto si mama. Wala atang alam na hindi masarap si mama sa pagluluto eh. Sangag pa lang yan ah! Natapos na ako sa pagkakain at saka nagpaalam na ako kay mama, binigyan naman ako ni mama ng pera at ang lai kumpara sa mga nakaraan kong baon.
Hmm, mukhang makakagaan gaan kami this days, ha.
Habang palabas na ako sa bahay ay may nakatigil na kotse sa harap ng gate. Kanino to? Pero parang kilala ko kung sino to ah! Palapit na ako ng palapit at kay Kyle pala itis! Akala ko naman kung kanino? Pero bakit siya nandito? Nandito na ako sa tapat ng kotse niya at nakita ko na unti unting nababa ang bintana, and guess what? Nakita ko na naman yung mukha niya!May nararamdaman akong thousands of butterflies sa tiyan ko! Nakakakiliti!
Nag iinit ang pisngi kong napapatingin kay Kyle and because of that he smile larger.
"Tara na!" Sabi niya. "Baka malate na tayo sa klase" dugtong niya pa.
"Okay" unti unti kong sinabi.
Sumakay na ako sa shotgun seat at saka agad niyang pinaandar. Pero nakakapagtaka bakita hindi pumunta sa bahay si Mayette?
"Nakita mo ba si Ma-" di na niya pa tinapos na nung nagsalita siya.
"Pinauna ko na siya" sabi niya sabay sulyap sa akin at ayun na naman yung mga butterfly! Gusto kong magalit sakanya kaso hindi ko magawa! At bakit naman ako magagalit sakanya?
"Bakit mo pinauna? Pwede mo namang isabay?" Gusto ko talagang sabihin yan na pasigaw pero naging mahinahon ako, ano ba nangyayari sa akin? Parang natatakot na akong sigawan siya dahil baka masaktan ko yung damdamin niya.
"Ah wala lang..." Sabi niya saka huminto. "Gusto ko masolo kita at mahitid kita" sabay yung ngiti na nakakapagpatibok ng puso ko! Ilang butterfly ba ang meron sa tiyan ko? Milyon na ba? "Bawal ba yon?" Sabi niya saka niya inilapit pa lalo ang mukha niya sa akin! Double kill ako dito! Napatingin pa ako sa labi niya bago sa mata niya.
Unti unti niyang inilapit ang mga labi namin at saka lumapat na ito sa akin. Napapikit ako dahil sa dinadama ko kung paano ba humalik! Hindi ako marunong! Hindi ko na lang ginalaw ang labi ko at maya maya ay tinanggal na niya ang pagkakalapat sa aming labi!