Jaydee
"Huy ano na nangyari sa iyo?" Tanong ko kay mayette.
Sinserado talaga ako nung sinabi ko iyon, sino bang kaibigan ang hindi mag aalala para sa kanilang pagkakaibigan? 'E diba kayo-kayo lang rin naman?
"A-ano kasi" nahihiya niyang sinabi.
"Ano?" Mahinahon kong tanong.
"Sila mama at papa kasi nag away" napapaluha niyang sinabi.
Sabi ko na nga ba, parang araw-araw kasi nag aaway magulang niya, pero ganan nga talaga, alam ko naman eh kapag may problema yan si mayette, lumalapit agad siya sa akin, ako lang naman naging kaibigan nan na umabot ng taon, simula bata pa talaga namin kami na talaga ang magkasama, kaya kita mo na ngayon our friendship is that strong like nobody can tear us together.
"Ha? Bakit naman?" Agaran kong sinabi. At hindi ako makapag hintay sa kung ano na naman ang pinagawayan nila tita at tito.
Bago siya mag kwento may isang patak na luha muna siya bago niya sabihin lahat. Napapaiyak na rin ako ng dahil don, kaya iniiwasan ko talaga na may mga drama drama na yan, naantig ang puso ko, naaawa ako sa kung ano ang ilalabas ni Mayette dahil iba ang mata niya ngayon.
"Akala siguro ni mama na nangbababae si papa, pero sa tingin ko h-hindi naman. Yung parang ang dali dali mag selos ni mama, u-ultimo yung sa k-kanina na pinuntahan namin na store na may k-kinausap siya lang na dati niyang kaklase tas yon n-nagselos agad si m-mama non tapos-tapos umuwi agad kami dahil parang d-doon pa ata sila mag aaway sa loob nung store na iyon, k-kaya yon pagkauwe na p-pagkauwi namin nagtalo agad sila sa l-labas pa lang ng bahay k-kaya yon pumunta agad ako rito d-dahil nga nag aaway sila, hindi ko na alam g-gagawin ko- " hindi na niya natuloy dahil sa agarang pag iyak niya, niyakap ko siya at tuluyan siyang lumuha sa aking balikat.
Patuloy ako sa pakikinig at minsan ay napapaluha na talaga ako, minsan kapag naman lumalakas na ang iyak niya ay hinahagod ko na ang likod niya para naman guminhawa ng kahit papaano.
"-yung p-parang araw araw ba nag aaway sila sa h-harapan mo tapos ikaw walang ibang g-ginawa at umiyak ng umiyak sa l-loob ng kwarto hanggang sa m-makatulog nalang ako, tapos k-kinabukasan madadatnan ko na wala pang p-pagkain at puro beer ang nasa l-lamesa namin, si papa n-nakahiga naman sa sofa at si mama naman sa k-kama nila, ako naman magluluto ng s-sarili na para bang walang ibang iniintindi k-kung hindi ang sarili, p-parang wala na nga akong pamilya eh, pamilyang m-maasahan ko, haha, n-nakakatawa lang na hindi kami nag p-papansinan masyado, w-walang pakielaman sa mga b-business ng isa't isa-" tulad kanina ay napaiyak na naman siya ng todo at ng dahil don ay nadali niya iyong sugat ko, at ang sakit! At ng dahil doon ay napaasim iyong mukha ko dahil natuunan pa niya! Di ko na isinigaw pa at hinayaan ko nalang dahil para sa kaibigan ko.
I still manage to look at her calmly para naman hindi mabasag ang kaniyang sitwasiyon ngayon.
Pinilit pa rin niyang mag kuwento kahit alam ko ng pagod na siya sa nangyayari sa buhay niya, ewan ko ba. Sana naman matapos na to sa kanila, para wala ng gulo.
"Yon nga, kapag naman ako nasa school, syempre kailangan mong naka ngiti palagi para mag mukha kang ayos para sa mga classmates man o schoolmates-" di ko na pinatuloy ang sinabi niya at hinarang ko na ang isa kong mga daliri sa kanyang labi para hindi na siya makapag salita.
"Shh" yan na lang ang nasabi ko dahil hindi ko na talaga alam kung ano ba dapat ang sabihin ko. Ngayon palang ako mag papacomfort ng isang tao na umiiyak ng ganito.
Never pa kasi umiyak si mayette pwera na lang kung hindi tungkol sa pamilya, tulad ng mga concerts ni clark na hindi kami nakakaputa ay minsan umiyak pa kami nun sa labas ng ticket shop kasi naubusan ma daw kami.
"Tahan na, okay lang yan, makakaya nyo yan ng pamilya nyo..." sabi ko para naman mapag isip isip pa siya.
"What a tiring day" napa sabi niya at humiga sa kama ko.
"Sige dyan ka na matulog sa tabi ko" sabi ko.
"Pwede naman ba?" Tanong niya pa.
Ano ba naman yan!
"Ano ka ba naman nisabi mo na ang mga problema mo tapos yan pa ang itatanong mo sa akin? Ano pa at naging kaibigan kitang bruha ka?!" Inis kunwaring saad ko sa kaniya.
"Oo na, oo na, sorry na po" sabi niya habang nakasuko ang mga kamay niya na para bang sinasabi niya na talo na siya at wag ng makipagtalo pa. At dahil doon ay napangiti ko siya.
Okay na ako doon, makita ko lang siyang ngumiti okay na okay na ako.
Natutong nakinig si Mayette sa akin at kailangan ko rin iyon gawin sa kaniya. She listened when I needed soneone kaya ibabalik ko rin iyon sa kaniya.
"Biro lang, nakakain kana ba?" Tanong ko sa kanya.
"Busog pa ako, salamat" sabi niya. Nakangiti siya habang sinabi niya iyon.
"Sige kuha lang ako ng tubig mo" sabi ko pa. At nag madling bumaba para kumuha.
Pagkakuha ko ay umakyat na ako para maibigay ko sakanya iyon.
"Salamat" tinignan ko siya habang umiinom at nung tumingin siya sa akin ay ngumiti na rin siya kahit papaano.
Parang sinasabi ni kanyang mga mata na, 'maraming salamat pakner dahil nandito ka, kapag kailangan kita' parang ganon.
"Salamat ah?" Sabi pa niya.
"Aba, ano pa ang kahulugan ng pagiging magkaibigan kung hindi tayo magtutulungan diba?" Sabi ko.
"Wow, payakap nga!" Tuwang tuwa niyang sinabi.
"Hmmp!" Napasabi ko.
Ang higpit kasi!
"A-ah m-mayette! A-ang h-higpit!" Napasabi ko.
"Ay sorry!" Sabi niya.
At iyon napatawa na kaming dalawa.
Maya maya ay humiga na ako, at humiga na rin siya.
Pumuwesto na ako kung saan ako mas komportable.
Kaso, di ako makatulog kaya pinilit ko.