Ikauna

178 17 7
                                    

Jaydee

"Manong paki bilisan naman oh" natatarantang sabi ko kay manong dahil malapit na malapit na mag simula ang aming dadaluhan.

"Oo nga manong paki faster please? " english na sabi ni Mayette, kaya napapatingin halos lahat ng tao sa loob dahil sa kaniya.

"Wait lang naman po mga miss, malapit na tayo" napasabi nalang ng driver na mukhang naiinis na rin pero pinipigilan lang, nasanay na siguro sa ganitong traffic.

"Oh sige manong baka malate kami" sabi ko na lang habang lumilingon sa harap para doon mapansin ang daloy ng sasakyan.

"Tsk, traffic po eh" naiinis na sabi ni manong at nang dahil don maraming nagalit na pasahero, mga ilang minuto na rin kasi kami dito sa jeep at ang tagal nga na umusad.

"Inaantok na ak-" di na natapos ang sasabihin ni Mayette dahil sa sinabi ni manong

"O eto na, SM Calamba" sabi ni manong at biglang nabuhay ang diwa ko dahil don.

"This is it pansit, Mayette tara na" masaya kong saad at mabilis kaming bumaba para di kami malate sa pupuntahan namin ni Mayette.

Nung pagkapasok namin sa loob hinanap agad namin ang venue at may na kita kaming board na kung saan gaganapin sa loob ng mall. Poster siya na na roon yung picture ni Clark na naka upo sa silya at ngiting ngiti sa kanyang puting sleeves.

Pailalim ko iyong tinignan. Bakit ang pogi ni Clark? Bakit may mga ganitong tao?

"Tara na pakner, baka maunahan tayo niyan e" sabi ni mayette sa akin at mabilis akong hinila papunta doon sa venue.

"O sige para kay Clark" sabi ko at itinaas ko pa ang kamay ko.

Nung nakita na namin ang venue maraming ng tao ang nag aabang sa labas para pumila pa loob sa entrance siguro.

"Tch dapat tayo una dito eh" sabi ni mayette at para bang may pinapatamaan siya at tingin ko ako yun.

Naalala ko tuloy kung ano ang nangyari kaninang umaga habang nasa bahay pa kami.

May nakatok sa pintuan sino kaya yon? Nakarinig ako ng mga padarag na katok kaya agad kumunot ang aking noo.

Umagang-umaga may mga ganito? Nakakainis naman si Mama. Hindi na ako bumaba sa aking kama dahil unti-unti na itong nag-bukas.

Kakagising ko lang kasi at nung bumukas ang pinto dahil hindi ko naman ini-lalock minsan yon, tumambad sa akin si Mayette na parang may pupuntahan ata, san naman kaya?

"Saan ka pupunta pakner?" Taka at walang gana kong sinabi sa kaniya.

"Saan nga ba?" Masaya niyang sabi sa akin.

Bakit niya binabalik ang tanong sa akin? Huh? Para namang may pupuntahan kami ngayon araw? Mayroon ba? Walang gana kong pinagana ang utak at nang maalala kung saan ba kami pupunta ay iyon iyong kila: Clark!

"Pupunta tayo sa fan meeting ni Clark hindi ba? Bakit di mo sinabi sa akin pakner? Huh? Wala kang awa! Alam mo bang malelate na tayo tignan mo anong oras na! Malayo pa tayo sa pupuntahan natin" taranta kong sabi, at parang may mga mali sa sinabi ko.

"Pakner? Diba dapat ikaw ang sinasabihan ko nan? Dapat nga ngayon bihis kana eh, tch, bilisan mo hintayin kita sa baba ha?" Sabay ngiti nyang sabi sa akin at nung lumabas na siya sa pinto agad akong nag madali sa pag aayos sa sarili ko: ligo, toothbrush, ayos ng damit.

Simpleng t-shirt at pantalon lang ang sinuot ko, wala naman kasi akong magandang susuutin kaya ganito. Pero wala naman siguro iyon sa damit hindi ba? Nasa nagdadala.

Im His FanGirl (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon