Dalawamput-siyam

22 5 0
                                    

Jaydee

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala dahil sa mga nangyayari ngayon. Boyfriend ko na ba talaga siya? O kailangan pa niyang manligaw sa akin? Kailangan ko bang mag ayos? O pananatilihin kong ganito ang ayos?

Nandito na kami sa sasakyan at hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko! Nanginginig pa naman ako dahil sa pag amin namin sa isa't isa. Umalis kami ng mga 1:00 pm tas nakuwi kami ng 3:00. Halos ilang oras ang nasayang namin dahil sa pag iikot sa mall.

Buti na lang at hindi trapik kaya dire-diretso kami pa sa amin. Tumingin ako kay Kyle na nakangiti ngayon sa tabi ko at napapangiti na rin ako dahil makita ko pa nga lang siya na masaya ay ganun din ako.

Agad nag init ang pisngi ko sa nararamdaman.

Huminto na kami sa bahay at mabilis siyang umalis sa pagkakaupo niya at nung bubuksan ko na yung sa akin ay may humila nito sa akin at nagulat ako room dahil nakita ko si Kyle habang dala dala yung mga naka paper bag naming pinamili.

Ugh! Kyle! Why are you doing this to me?

Nakangiti siyang tumingin sa akin at ganon rin ang ginawa ko. Napatingin pa nga ako sa mga kapitbahay namin na nakasilip pero hindi ko na pinansin pa. Hindi ko naman sila close para makipag chismisan.

Habang naglalakad ako papunta sa bahay ay nakita ko si Almira. Nagulat ako dahil hindi naman ko naman siya ganito ka close pero nakakausap naman minsan.

"Ay Te! Ang gwapo naman niyang kasama mo!" Sabi niya at napakindat pa kay Kyle, narinig ko naman siyang tumawa kaya yung kamay niya na hindi pa rin naalis ay idinidiinan ko yung hawak para mapatigil siya.

Napangiti na lang ako sa pagpapapuri niya sa boyfriend ko.

"Oo gwapo niya no? Crush mo?" Pekeng pang lalapit ko sakanya kay Kyle pero nung hahawakan na niya si Kyle sa kamay ay agad kong inilayo si Kyle sa kanya.

"Ay te! Andamot mo naman!" Pagsasabi niya sa akin. "Ah kyah! Ang gwapo mo! Ano pangalan mo?" Tanong niya na may onting landi sa pagsasalita.

"Ah Ky-" hindi na natapos pa ang sasabihin niya nung nagsalita ako.

"Bakla yan te!" Sigaw ko kaya nagulat pa yung ibang chumichismis sa amin.

Para wala na akong kaagaw sayo! Kaya yan magbaklabaklaan ka muna!

"B-bakla?" Nanlalaki ang matang sabi ni Almira.

"Oo te!" Sabi ko naman at pumekeng tawa at saka tingin kay Kyle na nanlilisik ang mga tingin sa akin. Isinesenyas ko sakanya na gawin niya na yon, na magbakla bakla siya! Para masave yung sinabi ko.

"No, im not a gay" mahinahong sabi ni Kyle. Nagulat pa ako at napaface palm pa! Ugh! Bakit ba ayaw niyang sabihin na oo na, na magbakla baklaan muna siya ha? "Sa totoo nga 'e girlfriend ko na tong si Jaydee 'e, right?" Sabi ni Kyle at napatingin pa ako sakanya na habang inilalapit pa ang mukha niya sa akin at parang sinasabi sa mga mata niya na sabihin ko iyon.

"A-ah o-oo bo-boufriend ko na siya" alam kong mahina iyon dahil habang sinasabi ko iyon ay nakatingin pa rin ako kay Kyle! Paano ako makakaconcentrate diba? I heard my heart pounding so fast! Nahihiya na ako.

Inalayo na ni Kyle ang tingin niya at saka kami humarap kay Almira na nakanganga sa aming dalawa.

"A-alam mo?" Tigil niya. "Bagay pala kayong dalawa! Gwapo!" Turo niya kay Kyle. "At ganda" makahulugan niyang sinabi

"Anong ganda? Baka maganda" sabi ko saka ko na hinila si Kyle papasok sa amin. Narinig ko pang natatawa si Almira na nakakaasar, pero okay na rin yon dahil nasabi ko sa lahat na maganda ako. Well hindi ko ilalaglag sarili ko. I think I am beautiful on my little own way.

Im His FanGirl (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon