Jaydee
Hindi ko ba malaman kay Kyle kung bakit siya naging ganan sa akin. Nasasaktan ako sa ginagawa niya sa akin, kahit wala naman diba? Parang nakita ko lang siyang may kasamang iba nagiging ganito na agad ako.
Kanina habang nandoon kami sa kainan ni Aling Leyzele nagiinsist siya na siya na ang humatid sa akin dahil siya daw ang nakakaalam ng bahay namin kesa dito kay Miguel.
Yun nga siya na nga daw ang maghatid. Napaisip ako kung magpapahatid ako pero nakakahiya naman dito kay kung iiwan ko siya dito mag-isa diba? Kaya yon. Edi sana nakapag-usap pa kaming dalawa eh no? Pero hayaan na may time pa para diyan, sooner or later.
"Huy Jaydee" tawag niya. "Saan ba? Kaliwa o kanan?" Tanong niya at tumingin sakanya. Whenever I see his face naiistarstruck ako. Nakangiti ngayon siya sa akin. Ang bait niya.
Tumingin ako dun sa direksyon at saka tinuro yon. "K-kaliwa" Nauutal ko pang sinabi. Tumungo ako sa kahihiyan nung narinig ko pang napatawa si Miguel. Jaydee naman! Nakakahiya talaga ang nangyayari sayo!
Pumunta siya doon at saka nagsalita habang nagda-drive. "You know what? Ang cute mo sa mga ginagawa mo" diretso niyang sinabi. Napataas pa nga ang ulo ko dahil nanlalaki ang mata kong narinig ang sinabi niya sa akin. "Kahit sa mga maliliit na bagay, para kang bata" natatawang sabi niya.
Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. "Di ako bata no!" Sabi ko sabay pout. At saka humarap sa dinadaanan namin na mukhang malapit na nga sa bahay.
"Tsaka kahit awkward na usapan nagagawa mo pa ring maging cute" ngayon tuwang tuwa na talaga siya.
Parang hindi naman. Hindi nga ako nag papacute 'e.
Nagpout pa talaga ako ng nagpout. "Hindi nga ako ganon" pagpapasang ayon ko sa sarili.
Nang maaninag ko na ang bahay namin ay pinahinto ko na siya at! Nakapout pa rin ako hanggang ngayon. Gusto kong bawiin niya yung pinagsasasabi niya.
Tumingin siya sa akin at nakita kong nagiiba yung itsura niya! Nakatingin kasi siya sa lips ko. Ano ba meron don? 'E naka pout lang naman ako. Kaya lalo ako nagpout."Stop pouting!" Naiinis ba siya? Bakit? Pero maya-maya ay biglang nagbago yung itsura niya. Kaya hindi ko na lang pinansin at ibinalik ang tingin sa harapan.
Inayos niya yung pagkakaupo niya. "Sige na uwi ka na baka hinahanap kana" sabi pa niya at saka tumingin sa akin.
Binuksan ko na yung pintuan nung kotse niya nung biglang may naalala ako.
Tumingin pa muna ako sa kanya bago nagsalita. "Ay teka!" Sigaw ko kaya napatingin siya sa akin. "Ah eh, pwede bang makuha number mo?" Nahihiya kong tanong.
Aba syempre kelangan kong mahiya no hindi yung tulad ng iba diyan walang hiya-hiya. Tsaka artista yan slash model! Pero madali naman siyang makasama kaya mukhang hindi siya artista pero kapag sa mukha mo siya titignan parang ala adonis na yan!
Nung pagkasabi ko pa lang non ay agad niyang inilabas ang cellphone niya. Di ako marunong tumingin ng ganan 'e. Ibinigay na niya sa akin yung cellphone niya saka ako ng type dun sa cellphone ko. Inilagay ko na rin yung aken at yung name ko.
"Ah eto na oh!" Nakatingi ko pa ring sinabi. Tumingin pa muna ako sa kanya bago kumaway. "Gwapo mo talaga" sabi ko sa isip ko pa sa isip ko. Narinig ko siyang tumawa kaya naguluhan ako sakanya.
Nakakunot noo akong tumingin sakanya. "Anong meron?" Tanong ko pa at saka siya naman ay wala pa ring tigil sa pagtawa.
Hinintay ko muna siyang tumigil sa pagtawa bago siya nagsalita. "Diba sabi mo sa akin, 'ang gwapo mo talaga'" natatawa pa rin niyang sinabi.