Apatnapu

19 3 0
                                    

Jaydee

I heard a lot of voices around, there's a boy, a girl and many more. Hindi ko pa din maimulat ang aking mata dahil sa nararamdamang pagod.

Gusto kong igalaw ng maayos ang aking mga binti pero wala akong maigalaw kahit na isa sa kanila.

Muli akong dinalaw ng aking pagkaantok kaya nakatulog ako for the nth time. Hindi ko naman ito minamasa at isa na rin siguro ito para makapag pahinga ng mas maayos. I know I've been trough a lot.

Hindi ko man alam kung na saan ako pero alam ko at nararamdaman ko na safe ako dito.

Lagi kong sinusubukan imulat ang aking mga mata pero wala akong kakayahan para doon. Kaya hinayaan ko lang siyang nakapikit, but my othet sense won't lent me. I smell the scent of the room, ibang lugar na yata ito. Nakahiga ako ngayon kaya hindi ko maigalaw ng mas maayos aking katawan.

Nasaan na ako? Nakaligtas ba ako? If I am dreaming wag na sana akong magising. Masyadong maganda at sa tingin ko ay maaliwalas ang lugarna ito kaysa sa aking nakasanayan.

Naramdaman kong may humawak sa aking mga palad habang may humihikbi sa aking gilid.

Nakarinig ako ng boses.

"Anak gumising kana" paghihikbi ng boses ng babae. Si Mama ito! "I know you could do it but please... gumising kana. I can't wait any... longer" may narinig akong hikbi pagkatapos ng linyang iyon and then I heard a sigh.

"Everything will be alright, Lucy" pagpapagaan ng loob ng isang mababang boses ng lalaki kay Mama. Hindi ko ito kilala. Sino ito? Mama's friend? I don't think so. Wala naman naipapakilalang kaibigan na lalaki sa akin si Mama even before. Narinig kong mas napahikbi si Mama at inalis niya na ang kanyanh palad sa akin.

Hindi ko na kayang paghintayin si Mama. Hindi ko siya kayang makita o marinig na umiiyak.

I know she smiles at me sometimes but her eyes don't lie. Dati lagi ko siyang tinatanong kung okay lang siya but ngayon alam kong hindi siya okay ng dahil sa akin.

Gusto ko ng maimulat ang mga mata ko pero wala akong lakas para magawa iyon. Lumipas ang sandali at muli akong nakatulog. Alam kong kada sandali na lumipas nagiging maayos na ang aking lagay but my body wasn't ready at all, I think yung isip ko lang ang sa tingin ko ang bukas at may kayang kumawala pero ang aking katawan ay hindi pa ganon ka ayos.

Sa aking pag tulog I always dreamt about myself when I was younger. Lagi kong nakikita kung gaano ako kasaya kasama ang aking kaibigan. Nakikita ko si Mama at isang pang babae na mukhang kasama niya na masayang nakatingin sa amin. I saw how my face smile and my mother but I can't see clearly who was the little girl and the woman beside my mom.

Sa paglipas ng oras alam kong maginhawa na ang aking diwa. I can now feel my legs and fingers. I can't wait for too long. Alam kong hindi na din makapag-antay si Mama kaya kailangan ko ng gumising, now I realized I wasn't dreaming at all that I am alive and I survive that shitty moment of my life.

Pinakiramdaman ko ang paligid at sa tingin ko ay walang tao, tunog lang ng aircon ang naririnig ko. Wala naman akong naririnig na mga hakbang o pagsasalita. Anong oras at araw na kaya?

Unti unti kong minulat ang aking mga mata. I saw dim lights kaya hindi ganon nasaktan ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang aking mga katawan at saka iginilaw ang mga kamay para maitanggal ng maayos ang aking kumot.

Napatingin ako sa paligid and I saw a man sleeping on the couch! Sino 'to? Siya ba ang lalaking kasama ni Mama? O baka siya ang nakakita sa akin kaya ako nandito? At bakit siya nandito kung natagpuan niya ako kung ganoon?

Im His FanGirl (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon