Ikalabing-dalawa

52 6 0
                                    

Jaydee

"Bye" sabi niya. Pauwi na kasi siya.

"Ayaw mo talagang kumain?" Taka kong tanong.

"Wag na sa bahay nalang, nakakahiya kay tita" with her usual tone na kapag nahihiya.

"Nako! Ngayon kapa nahiya ah?" Pinipilit kong magbiro para naman mapatawa ko siya.

Natawa siya, "sige sa susunod nalang" sabi niya at tumalikod na siya.

"Bye bye! Text mo ko ha?" Sigaw ko kay mayette.

Humarap si mayette at ngumiti sakin, ayun na siguro ang pag sang ayon niya sa sinabi ko.

"Sige!" Sabi niya. Sabay kumaway.

Parang mag kakalayo kami 'e no? Aba oo, saturday na! At kahapon ang daming nangyari! Mga bagay talaga na hindi mo inaasahan na nangyayari.

Pagkatapos kong ihatid sa labas si mayette ay pumunta na ako sa kwarto ko at doon mag papalipas ng buong maghapon.

Umupo muna ako sa kama at nung tutuunan ko na iyong sa tuhod ko nakalimutan ko nga palang may sugat ako roon.

Muntik ko ng madali!

Ano ba naman yan nakalimutan ko bumili ng band aid kahapon! Gawa nga pala ni mayette, pero okay na rin kasi nakatulong naman ako sa kaibigan ko.

Mamaya nalang siguro ako bibili ng band aid.

Hindi pa kami nakatulog agad non ni Mayette kaya nag kwentuhan muna kami tungkol kay Clark.

"Pakner? Tulog kana?" Tanong niya.

Mulat na mulat kaya ako! Dahil sa sinabi mo kanina no!

Pero ayoko sabihin yan dahil sa ayoko eh.

"Ah hindi pa bakit?" Untad ko.

Nakatingin ako sa kanan sya naman ewan, magkatabi kasi kami nakatualikod ako sa kanya at ganon rin siya. Kaya inayos ko iyong higa ko humarap ako sa gitna at tumingin sa kisame.

"Ah usap muna tayo? Di pa kasi ako inaantok" sabi niya at umayos ng upo, naka indian sit na sya ngayon kaya ginaya ko siya.

"O sige sige ano naman pag uusapan natin?" Tanong ko.

"Syempre sino pa ba?" Pa suspense pero alam kona kung sino.

"Clark!" "Kpop!" Sabay namin sabi at kinuha ang mga cellphone namin.

Sakanya si Clark sa akin ang Kpop, pareho naming gusto yan no! Kaya okay lang samin. Pero sya lang ata ang hindi nanonood ng Kdrama siguro isa pa lang ata. Ba naman kasi ang sabi niya 'wanya kada isang episode parang isang movie na ang napapanood ko, eh 16 or 20 pa naman ang episodes ng Kdrama' kaya yon napatawa naman ako. Ako ata ay mga nakailang kdrama na? Kdrama lover e.

"Tignan mo nga sa fb baka may mga updates si Clark" sabi ko.

"Sige sige sayo naman yung mga kpop, ilang araw na tayong walang updates sa kanila! Baka napakarami na nilang ginawa sa mundo!" sabi niya at napatawa na rin ako.

"Oo nga eh, yung dating maunti lang ang uma-idol sakanila tapos ngayon buong mundo na! Sana naman bago sila mag disband makita man lang natin sila in person! Yung mga concerts na gaganapin nila dito!" sabi pa niya.

Wow, nanunumbalik ang sigla ni Mayette. Kaya yon nakangiti ako habang nag hahalungkat sa FB.

At iyon may na kita ako! Nilabas na pala ang bagong M/V ng BTS na Boy With Luv.

Masabi nga kay Mayette.

Lumingon ako sakanya at nakita ko siyang busy sa pag hahanap.

"Uy may nahanap na ako" sabi ko at nilingon nya agad ako.

"Ano?" Sabi niya at pinakita ko sa kanya kung ano yung nabasa ko.

"Pakinggan natin!" Sabi pa niya kaya binakingan ko siya ng tingin. "Mukhang maganda oh! Featuring Halsey pa!"

"Wala tayong wifi uy, kaya papaload tayo" natatawa kong saad.

"Ay oo nga pala"

Na awa naman ako kaya niyakap ko siya.

"Sa susunod"

"Siguro sa Lunes?"

"Oo sa campus na siguro"

"Oo nga at mukhang maganda iyon!" Tinignan niya pa ang oras.

"Anong oras na rin pala, tulog na tayo" sabi niya at nahiga na siya.

"Hala oo nga!" sabi ko, narinig ko syang bumungisngis.

"Good night" sabi niya, at humikab na siya.

"Good night" siguro narinig naman niya yon ano? Bulong nalang kasi iyon eh kasi inaatok na ako!

Masaya ako na nag karoon ako ng kaibigan na katulad ni mayette, parang hindi namin sinasayang ang pagkakaibigan namin dahil mahal namin ang isa't isa. Para ba kaming 'sisters by heart' dahil pag magkasama kami di naman iniintindi ang mga nangyayari sa mundo.

Bumaba na ako para makakain at nakita ko si Mama na nagluluto ng almusal namin. Napatingin naman siya sa akin, ngumiti siya at napangti na rin naman ako.

"Kain na" mahinahon niyang sinabi.

"Sige po, ikaw rin" magalang kong sinabi.

"Nandyan pala si Mayette? Bakit di mo sinabi para naman mapakain ko naman sya" sabi ni mama saka umupo.

"Yun na nga sinabi ko sakanya eh, nahihiya ata sayo" natatawa kong sabi.

"Hay, ganan na ganan rin yung nanay niya dati sa amin" kuwento pa ni mama.

Ako naman habang kumakain ay nakikinig.

"Madalas yan sa amin noon kaya minsan sabi ko sa amin na siya kumain pero ayaw niya nahihiya daw kay lola mo-" natawa siya matapos naalala ang mga nangyari sakanila noon. "Hanggang sa paglaki namin kumakain pa rin siya kahit papaano" nakangiting sabi ni mama.

"Wala ba silang pagkain ma?" Tanong ko.

"Hinde naman sa ganon, sabi niya kasi sa akin noon na wala daw siyang makausap sa bahay nila ultimo nanay at tatay nila hindi rin nag papansinan, kaya nung nagkakilala kami dun na kami nag simula na maging magkaibigan. Pero hindi na kami nagpapansinan ngayon dahil sa nangyari..." sabi ni mama at ikinalungkot ng kanyang mga mata saka boses.

Ha? Ano kaya yung nangyari?

"Ano po yung nangyari ma?" Tanong ko.

"Magkakaeskwela kami noon, lima nga kami noon 'e, sa isang unibersidad kami nagkakilala lahat, para nga kami ang king and queens non, kasi lahat ng mga schoolmates namin non tinitingala kami, isa sa mga kaibigan kong lalaki ay doon ko nahanap ang una kong pagibig" sabi ni mama at ngumiti na malungkot, basta parang ganon.

"At yun yung papa mo" sabi ni mama sa akin.

Napatigil ako ng dahil doon at parang may tatakas na isang luha sa mga mata ko. Agad ko naman itong pinunsan para di makita ni mama. Di ko na naintindi ang sinabi niya dahil naglayag ang isipan ko.

'Papa' isang salita pero parang tagos na tagos sa puso ko. Siya kasi yung taong gusto ko makilala, ni wala nga kaming picture niya eh o ayaw lang ipakita sa akin ni mama dahil siguro? Saan nga ba?

Minsan nakakatampo na walang tatay pero parang okay na rin ako kay mama dahil naitaguyod niya ako ng sakanya lang, okay na nga iyong ganitong bahay eh. Maliit man pero masaya kahit wala siya.

Ano kaya mararamdaman ko kung dumating siya sa buhay namin? Masasaktan? Iiyak? Matutuwa? Marami akong pwedeng maramdaman pero iba na siguro kapag nandito na talaga siya. Kase hindi ko masasabi kung ano ba ang tunay ko na nararamdaman diba?

Im His FanGirl (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon