Kyle
Hindi ko talaga alam kung bakit ko hinalikan non si Jaydee at hindi ko man lang siya pinansin! Naiinis ako sa sarili ko dahil ayaw kong tanggapin na my girlfriend ako ngayon at pinagsasabay ko sila! Mali ito.
Hindi ako naninira ng relasyon ng iba dahil alam ko kung gaano kasakit kung malaman mo na may kasamang iba ang taong mahal mo, I stay still conservative when it comes to love because I know how it works and ang pang loloko ay wala doon. But ano ang ginagawa ko ngayon?
Pero diba? Isang kiss lang ang kailangan ko? Tapos pwede na akong makawala sakanya? Oo nga...
Inihilamos ko ang kamay sa mukha dahil sa frustation na nadadama. Hindi ko alam kung paano mabuhay pag hindi ai Jaydee ang kasama ko.
Fuck! Why I am thinking about this?
Nung pagkakiss ko sakanya ay hindi ko naman dapat gagawin yun. Nabigla lang ako, parang may nagsabi sa utak ko na ikiss ko siya and yeah I did that. Alam kong nagulat siya sa biglaan kong paghalik. Hindi din naman siya nag respond kasi alam kong wala siyang naging boyfriend since before namin.
And I smile bigger because I was her first kiss. Nauna akong naglakad at alam kong sumunod siya, napatingin ako sa mga babaeng nakatingin sa amin or sa akin lang, sanay na ako sa mga yan, gwapo lang naman hanap ng mga yan, hindi na nila napapansin kung ano ba ang meron sa mga puso at attitude.
Pupunta na sana ako sa room nung natandaan kong may paguusapan kaming lahat ng barkada. Bago kasi ako pumunta kila Jaydee ay nakatanggap ako ng isang message kila Dave na may paguusapan lang.
Kaya lumiko ako at alam kong napatingin pa sa akin si Jaydee pero dire-diretso pa rin siya sa paglalakad. Kinakabahan ako sa bawat hakbang ko, ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil dun sa paghalik ko sakanya.
Nandito na ako sa tapat ng pinto at saka ko binuksan. Nakita ko lahat ng barkada ko na nandoon, tsaka si Trixie. Ngumiti naman sa akin si Trixie at saka lumapit sa akin at saka ako hinalikan sa pisngi.
Iba pa rin yung kay Jaydee.
"Babe, akala ko hindi ka na pupunta" malambing niyang sinabi habang ipinupulupot ang sarili sa akin.
Hindi ako sumagot saka nginitian lang siya. Napatingin ako sa mga kasama ko na nakatingin sa akin ng seryoso.
"Ano nagawa mo na ba?" Sabi ni Dave.
"Ang balita namin ay nahalikan mo na" sabi ni Kenji. Kaya nanlamig ang buong katawan ko dahil sa nalaman ko, paano na nila nalaman agad? Napatingin pa ako sa kanilang lahat at nakita ko silang unti unting tumawa, anong meron? Anong meron?
"Ang seryoso mo naman!" Sabi ni Marvin. "Bakit nahalikan mo na ba?" Dagdag niya. Hindi ako sumagot.
"Alam mo ba babe? Kung halikan mo na lang kaya siya? Para tapos na" sabi niya at saka isinukbit ang kamay sa braso ko.
"Wag mo ng halikan, gawin mo pang memorable ang paghihiwalay niyo" sabi ni Marvin saka tumawa ng malakas.
"Babe! Bakit ka namamawis? At yang braso mo parang manununtok na" pabirong sabi ni Trixie kaya nagulat ako at saka ko pinunasan ang pawis sa buong noo ko. Tsaka hindi ko rin napansin na nangigigil ako sa mga naririnig ko pero hindi ko na lang ipinakita sakanila iyon.
"Babe? Ayos ka lang ba? Parang gusto mong mapalapit pa kay Jaydee" sabi sa akin ni Trixie at mukhang nagtatampo siya sa akin kaya agad ko siyang nilapit sa akin at saka niyakap, pero hindi ko siya sinagot. I should know better. Dapat alam ko ginagawa ko.
"Ano ba naman yan dito pa sa harap namin! Kadiri ah!" Sigaw at pabirong sabi ni Kenji kaya kumuha ako ng isang papel na nakapulupot at ibinato sakanya iyon. Kaya nagtawanan lahat ng mga nakakita.