Jaydee
Humiga na ako nung wala na akong magawa. Hawak ko parin ang cell phone ko kaya nakakatingin tingin pa ako sa fb ko.
Pag kascroll down ko ay nakita kong may bagong MV pala ang twice? Sinabi kasi dito nung isang nag uupdate e, Dinownload ko muna at saka ko nalang papanoorin.
May nakita ako tungkol sa BlackPink, mayroon ding iba, pero ang sabi dito, ang blackpink daw ay ang most awaited kpop girl group, sabagay tunay naman tagal kasi kaya maraming naghihintay. At isa ako roon sa nag-iintay.
Baka sa sobrang pagiintay marami na ang umalis sa fandom, wag naman sana. Or mga feeling blinks na babalik sa fandom kapag nag comeback na sila.
Inilapag ko muna ang cell phone ko sa tabi ko at doon, mag iisip ng gagawin. Hinanap ko ang wallet ko at tinigna kung magkano na lang ang pera ko dito.
Sinubukan bilangin ang pera na mamayroon ako.
"1-2-3-4-5- 100" bilang ko.
"Waw naka 100 nako" sabi ko at inilapag muna sa tabi ko yung pera.
At yun may dalawang 100 na nakatiklop, edi yun nilagay ko muna sa tabi.
"Yown, makakapag gala ako njto" bulong ko, tsaka nag isip kung saan ba pwedeng mapuntahan.
Hmm, saan kaya? Wala naman kasing mga malalapit na pasyalan dito kaya sa mga Malls.
"Sa SM kaya? Walter? No choice, SM" sabi ko at inayos yung pero at inilagay ko sa wallet. At yung mga barya naman ay inilagay ko sa napakalaki kong alkansya.
Bili ko yan sa isang online shop, laki no? Kelan ko pa kaya yan mapupuno? Basta isipin nyo na lang na malaki siguro kalahati ng lagayan ng damit tapos medyo maluwang luwang ng kaonti, at di mo talaga agad makukuha yon dahil sa mahirap talagang kuhain.
Mga nasa magkano na rin yung pera ko at sakto na naman na sa pag gagala ko.
Dali dali akong naligo at nung mag bibihis na ako ay todo-todo ako sa paghahanap ng susuutin ko pero parang wala? Parang walang babagay sa akin? Bakit ganon kaming mga babae no? Andami daming damit pero hindi makapili ng isa? How to be us?
Sinuot ko na yung komportable sa akin yung turtle neck. At may string bag naman ako black siya, fan ako ng black e.
Palabas na ako nung nakita ko si mama na parang andaming hinahakot na p-pagkain? Kaya nagulat ako! Andami naman nito! Tiba tiba anv lola niyo nito.
Mga pagkain talaga! Parang sari-sari showcase. Yung mga paninda? Tapos naka ayos pa? Napataas ang aking kilay habang tinitignan isa-isa iyon!
Pero san kaya galing to? Baka nanalo si mama sa mga pagtatataya niya sa mga kung ano ano pero bakit naman ganito karami? Baka may sinalihan si Mama na hindi ko alam?
May nalalaman ba siyang hindi ko alam? Hmm? Or bili niya lang dahil nakakaluwag-luwag na kami? Imposible sa tagal ko na dito sa bahay ay tingin ko first time ko na makita na may ganito sa loob!
Lumapit ako sa mga pagkain at hinalungkat ang lahat ng mga nakikita ko. Ang rami! Hindi ko akalain! Pwede ko na sigurong pakainin si Mayette ng 1 buwan na hindi nabili sa ibang tindahan.
"Ma?" Taka kong sabi habang hinahawakan ang mga narito.
"Oh anak?" Masayang sabi ni mama at inaayos ang mga pagkain sa mga lalagyanan sa ref, at cabinet para sa mga stocks namin.
Magkakasiya kaya ito doon? Tingin ko hindi?
Kasiya ito sa kwarto ko! Hmm...
"S-san ang galing to? Andami naman?" Sabi ko pa, nahihiwagaan talaga ako.
"Ah" nagulat pa sa akin si mama "Sa isang kaibigan lang naman anak" may ngiti sa kanyang labi na sinabi.
What?
"Ma? Sinong kaibigan naman yan ma?" Kunwaring maldita kong sinabi saka nag crossed arms sa kaniya.
"Ah" naghahanap na sagot ni Mama, sabay kuha sa ibang mga stock na pagkain at nilagay sa mga tamang lalagyan. "Sa matagal na kaibigan anak" ngumiti ulit siya para bang nag-sasabi siya ng tama.
"Isama mo naman ako mama" napasabi ko na lang, tsaka nakakatuwa naman may paganito yung kaibigan ni mama, gusto ko siyang pasalamatan! Or makilala man lang ng personal para makita ko kung gaano siyang kabuting tao.
Natawa si mama, "Ako ang isama mo sa gala mo ngayon!" Pabiro pa niyang sinabi saka niya inilahad ang suot ko ngayon!
Isa kasi ito sa mga pinamili namin ni Mayette dati, ngayon ko lang masusuot kaya pinaghandaan ko na.
"Nga pala ma! Aalis ako, hindi ako mapakali sa bahay 'e, don't worry diyan lang ako sa malapit! I promise!" sabi ko pa at nung paalis na ako ay tinawag ulit ako ni mama.
"Anak! Eto nga pala, 500 yan ha?" sabay lahad ni Mama sa akin ng pera. "Ipunin mo, alam kong hindi ka nanghihingi sa akin ng mga pangbili ng project mo kaya yan, sorry ha?... Kung mahirap lang tayo anak ha? Nagagawa ko naman ng paraan ang pang araw araw natin kaya, fighting!" Sabi ni mama, tsaka initaas ang kanyang mga kamay.
Nagulat naman ako ng kinuha ni mama ang pera at inilagay sa mga kamay ko. Napapaluha ako pero agad agad ko naman to pinunasan. Ayokong maging emosiyonal sa 500!
"Ma naman" nahihiya sa una pero siyempre kinalaunan gusto ko rin.
"Sige na anak" sabi ni mama at saka tumalikod para kumuha pa ng ilang ilalagay.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko at napatingin sa likod ni mama. Di ko maisip na ganon ang mangyayari! Yung magulang mo na bigla bigla nalang nagbibigay ng pera kahit hindi mo alam kung bakit ka binigyan!
Masaya akong lumakad. Saka mabilis na inilagay ang pera sa wallet. Tinignan oang muli ang sarili sa salamin saka iniayos ang mga takas na buhok.
Hmm, parang marami ako mabibili neto ah? Ay wag! Pang ipon sa mga concert a, fan meetings! Yung mga ganan, book launching, mga team airport, at sana wag namang team bahay!
Lagi-lagi na lang akong team bahay gusto ko na maging team concert!
Lumabas na ako ng bahay at agad nag tungo sa sakayan ng jeep.