Jaydee
Pinikit ko na ang aking mata nung pag karating namin dito sa bahay.
Another day was a blur, parang di ko na alam kung ano nangyayari sa akin dahil siguro don sa nangyari? Pero bakit ganon? Parang buong pag katao ko naapektuhan?O baka feeling ko lang iyon? I don't know either!
"Uy pakner? Ano nangyari sayo?" Sabi ni mayette mukhang nag aalala dahil sa akin.
"Di ko alam, di ko talaga alam" walang gana kong sinabi.
"Eh? Pwede ba yon? Di mo alam? Ano ka alien?"
"Pwede ren, magpapakuha na nga ako eh sama ka?" Lantay kong sabi at itinungkod ko ang aking kanang kamay sa aking baba.
"Yak! Ano ka! Yoko nga! Baka kung ano lang ang gawin nila sa aking preciuos and hot body" sabi pa niya at hinawakan ang kanyang katawan na may malanding pamamaraan.
"Ikaw? Aanuhin ng mga aliens? Baka ipatapon kalang sa mars" sabi ko pa, lantay pa rin.
"Oo naman no! Di nila ako ipapatapon" may assurance niyang sinabi.
"Ano naman?" Tanong ko.
"Siguro... ewan hindi ko naman sila kilala e" tawa pa niya.
"Okay" sabi ko pa.
"Di ko kail-" di na natapos ang kanyang sinabi nung dumating na yung teacher namin para sa oras na to.
"Class, magkakaroon tayo ng field trip, ginagawa pa o naghahanap ang school na magandang pupuntahan para sa field trip, maybe Enchanted Kingdom or Star City, pero may gusto ang mga SSG officers na para maiba, iba daw ang gagawin, so di pa ito sure pero sana makasama kayong lahat, sasabihin ko nalang bukas or sa mga susunod na araw pa ang ibang updates. Class dismiss." Sabi nung guro at umalis na siya.
Parang biglang guminhawa ang aking buong katawan dahil sa narinig ko! Parang gusto kong sumama? Pero may naisip ako.
Paano kung may concert pa ang BTS? Twice? Blackpink? EXO?
Hays nakakaasar maging fangirl! Lahat talaga gagawin mo para makapunta sa mga concerts or fan meetings ng mga gusto mo.
Kaya ayun balik sa pagiging lantay ang aking pakiramdan at napag isip isip pa.
Titignan ko muna ang alkansiya ko kung magkano na naipon ko or kailangan ko pa mag work?
Oo nga no! Saan kaya? Sa mga fastfood chains kaya, hmm? Ano naman tatrabahuhin ko? Waitress? Cook? O Cashier?
Kinukulbit ako ni Mayette kaya napatingin ako sakanya. Ano naman kaya ang sasabihen netong bakekang na ito?
"Ano?" Sabi ko.
"Galit?" natatawa niyang saad. "Sasama ka?" Tanong niya. Bakit parang tumamlay siya?
Natawa ako habang tinitignan ang ayos niya. Mukhang nag-iisip rin kung saan pwedeng kumuha ng pera pang-gastos.
"Ewan ko, andami ko na naiisip, at dadagdag pa tong Field Trip na yan" sabi ko pa.
"Pero tanong bakit kaya ganitong kaaga? Di mo ba nahahalata? Dati diba hindi naman ganito? Mga january pa ata or feb nag kakaroon ng ganitong Field Trip, sa tingin mo bakit kaya?" Tanong niya.
"Aba ewan ko! Bakit sa akin mo itatanong?" Tanong ko at inilahad ko ang dalawang kamay ko sakanya para makita niya ang buong university.
"Nagagalit ka diyan? Meron ka ba? Nagtatanong lang 'e" parang galit na rin niyang sinabi.
"Sa hindi ko din alam ang sagot Mayette"
"Oo na! Oo na!" depensa niya.
Lumabas na kami nung classroom noong tapos na ang klase para sa subject at pupunta na kami sa 3rd floor para sa isang subject.
Kapag ang araw na 'to, kahit wala akong ginawa masyado. Kasama ko ngayon si Mayette at naglalakad lakad noong tumigil siya at hinawakan niya ang kamay ko.
Galit naman ako tumingin sa kanya dahil sa ginawa niya pero hindi siya tumingin sa akin kung hindi sa gilid ko.
Unti unti kong tinignan kung sino ba o ano ang tinitignan niya roon.
Nakita ko yung matagal na niyang crush si Kyle Montero yung lalaking gwapo na pinagkakaguluhan at binansagan na campus crush, ako lang yata ang walang tama diyan, si Mayette lang talaga.
Nakatingin doon si Mayette kaya tinignan ko na rin, nakikiusiyoso sa kung ano ba ang nangyayari doon.
Nakita ko na si Kyle once maglaro ng basketball for our school. Magaling siya, laging hiyawan ang mga babae kapag nakaka shoot siya, Team Captain kasi tsaka yun lagi niyang kasama iyong iba niyang mga ka team mates may practice ata? Or nag rerecruit lang para sa Intra Murals?
Napansin ko naman na halos lahat ng players ay nagpapractice at mukhang may pinagkakaabalahan.
"Hey you two, what are you doing here? Do you have a class?"
Napatingin ako sa guro na nasa malapit sa amin. Tinignan ko uli kung nandoon pa ba si Kyle at Kent pero wala na. Kaya napatingin ako sa likod ko si mayette nandito pa rin siya at kami nalang palang dalawa ang nasa hallway at nakakahiya! Nakita pa kami ng isang teacher!
"A-ah, im so sorry ma'am! Di na po mauulit" natataranta kong sinabi at hinatak na paakyat si mayette at doon, ay tumakbo na rin siya.
"Dapat lang!" Sigaw nung teacher at di na ako sumagot dahil sa kahihiyan.
"Ano ka ba naman! Bakit mo ako hinatak? Yan tuloy mahuhuli tayo para sa ngayong subject na to" sabi ko pa kay mayette.
"Ha? A-ah e-eh n-nag-naguguwapuhan kasi ako kay Kyle!" sabi pa niya at tumalon talon.
"Bahala ka diyan! Pupunta na ako sa Room! Late na tayo! Bahala na kung ano mangyari sa akin kapag dumating na iyong teacher natin" sabi ko pa at nag madali ng umakyat.
"Huy! Wait naman dyan oh!" Sabi pa niya at naririnig ko ang mga footstep niya pa taas.
Nandito na ako sa malapit nung natapakan ko yung shoe lace ko at napapikit nalang ako para sa aking paglanding sa lupa.
Pero bakit wala?
Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Kyle. Nagulat ako sa aking nakita habang siya ay prenteng nakatingin sa akin at mukhang tinititigan ako ng mabuti.
Napapikit ako sa aking naramdaman pero namulat muli.
Kyle, the team captain, he was staring at me like a, what? I dont know, what is on his mind.
Am I dreaming?