Jaydee
Paandar na yung jeep na sasakyan ko at nilagay ko sa tenga ko yung earphone at ipinikit ang aking mga mata.
Nasa hita ko yung bag ko, tinodo ko ang hawak dito para hindi manakawan, alam niyo naman ata sa panahon ngayon marami ng masasamang loob.
Napapaisip na rin ako kung ano nga ba ang mga pwede kong gawin sa Mall.
Hmm. Window shopping? Kumain sa fastfood chain? Sine? Wattapd books? Kpop Merchandise?
Dapat pala inaya ko si Mayette but for sure hindi iyon sasama dahil baka mapagalitan iyon ni Tita kung sakaling ayain ko. Nakakatakot pa naman iyon.
Marami pala akong magagawa kahit ako lang mag isa. Tsaka isa rin ito sa mga kailangan kong sanayin sa sarili.
Parang ito na yung gift ko sa sarili ko na makapag-saya naman ako kahit papaano. Yung saya na kahit wala siya ay nagagawa ko pa rin para hindi ako ma bored kahit mag-isa.
Sa pag-iisip ko sa mga gagawin ko ay tumigil ang jeep senyales na may aakyat or bababa inisod ko paatras ang paa ko para naman hindi sila matapilok sa paa ko, masisi pa ako o kaya mapaaway pa ako.
Pero may sasakay at sa akin tumabi dito sa kaliwa ko. Hindi ko na binuksan ang mata ko kasi busy ako sa pag iisip at pag kanta sa mga music.
Pero naaamoy ko yung katabi ko, amoy panlalaki pero hindi ganoon ka tapang yung amoy. Mabango at hindi ganoon nakakalaswaan sa amoy.
Patuloy ko pa rin itong inaamoy pero hindi yung malakas at baka sabihin ng mga katabi ko ay baliw ako. No freaking way! Meron naman akong hiya para sa aking sarili.
Unti unti ko binuksan ang isang mata ko sa kanan at para malaman ko kung sino ito.
S-si Kyle?
Nanlaki ang mga mata ko doon a-at talagang nagulat ako d-dahil isang k-Kyle? Nag jeep? Buti hindi niya nakita ang panlalaki ng mata ko dahil nakatutok sa cell phone niya ang buong atensyon niya!
At bakit naman kaya ito nasa jeep? Meron siyang kotse at sa tingin ko ay mahal to! Nakalimutan ko lang yung tawag pero parang tiger iyon!
Napasinghap ako sa kinauupuan.
Inilibot ko muna ang paningin ko sa jeep at may kaonti rin palang sakay. Pilit kong tinitugnan ng maayos ang mga sakay pero hindi makayanan ng aking kaliwang mata!
Ayokong makita ni Kyle na nahihiya ako ngayon sa tabi niya!
Tumalikod ako kay kyle para hindi niya ako makita at nakakahiya talaga! Kahit wala kaming pinagsamahan, basta talaga nakakahiya.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya kaya nung may nag-abot ng bayad ay nakibayad na rin ako saka mabilis na bumaba.
Bakit ganito nararamdaman ko? Nakakahiya? Eh ano naman? Di niya naman to jeep, bakit nga ba ako mahihiya? Dahil sa isang Kyle na nakatabi ko?
Tumingin ako sa harap at may nakita akong dalawang lalaki na nakatingin kay Kyle, hindi ko na tinignan si Kyle dahil alam ko naman ginagawa niya panigurado ay nag eearphones.
Parang gusto ko na umalis dito ah? Nag aalangan pa muna akong tignan si Kyle at nakita kong nakapikit naman siya at naka ear phones. Tinignan ko rin yung dalawang lalaki at todo titig kay Kyle.
Parang iba yata 'to ah? Napaisip ako.
"Pst!" mahinang tawag ko sa dalawa at mabuti naman napatingin sila agad sa akin.
"Gusto niyo dito?" Tanong ko pa, at parang hindi nila nakuha yung tinutukoy ko.
"Dito? Sa upuan ko? Tapos dyan na ako" sabi ko at tinuro ang upuan ko.
"Sige!" Sabi pa nung isang bakla at nung tatayo nako may kamay na nakaharang sa dinaraanan ko.
Napatingin naman ako don at si Kyle yon!
Kinakahaban na ako at tinignan ko yung mukha niya na nakatingin rin sa akin!
Todo kabog ng dibdib ko at namamawis na talaga ako!
At ang mas nakakainis pa ay biglang pumureno ang jeep at tumilapon ako paunahan ay biglang may humawak sa bewang ko at nahulog kaming dalawa sa upuan.
Nakapikit ako nung nangyari yon at nung mumulat na ako ay ansama ng tingin ni Kyle sa akin! As in talaga! Pangalawang beses na ito ah? Sinasadya na ba ito?
Ano na naman atraso ko dito? May kinuha siya at ako naman ay hindi alerto sa ginawa niya dahil agad niya akong pinicture-an at dahil sa nainis ako sa kanya ay agad ko siyang tinulak pero ang bigat niya!
"U-umal-lis kana" unti-unti kong sinabi saka ipinakita sa kaniya ang aking pag-kainis.
"As you say so" english niyang sinabi at ang bango ng hininga niya. Panlalaki pero hindi ganoon kasama, ano kaya gamit niya? Bakit amoy mint?
Tumayo na siya at bumaba sa sasakyan.
Bumalik ang ulirat ko non nung sigaw ng sigaw ang driver na nandito na kami sa SM!
"Hoy! Nasa SM na tayo! Pwede na po kayong lumabas!" Sigaw ni manong.
"Oo na! Oo na bababa na! Sungit!" Sabi ko at inayos ang sarili.
Napatingin pa ako sa paligid at nakita ko yung dalawang lalaki na ang sasama talagang tumingin sa akin, parang handa silang pumatay para kay Kyle!
Ngayon pa nga lang nila iyon nakita! Ganiyan na agad sila!
Bumaba na ako at biglang umalis ang jeep!
"Maka sigaw akala mo sa kanyang SM" pabulong kong sinabi.
Tumingin ako sa paligid at may nakita akong lalaking nakatalikod at may hawak na payong sa unahan ko.
"Sino na naman ba to?" Pabulong ko ulit sinabi.
Lumakad na ako at gusto ko talagang makita kung sino ba yung lalaki, s-si Kyle?
Tumigil ako sa harapan niya at nakita ko na nakatingin rin siya sa akin. Tsk! Di niya ako madadaan sa gwapo nya no!
Alam nyo naman na may Clark na ako! Hmp.
Tsk! Sya na naman? Bakit pa siya nandito? Sino naman kaya ang hinihintay nito? E ang pag kakaalam ko walang girl friend yan!
Tumingin ako sa paligid para malaman ko kung may hinihintay nga ba siya.
Wala naman!
Umalis na ako at may biglang humawak sa braso ko para tumigil. Napapikit naman ako sakanya at naiinis na talaga dahil kanina pa siya!
Hindi na ako humarap at saka siya nag salita,
"Ginulo mo ang pagbiyahe ko, dahil dyan sasamahan mo ako ngayon" sabi niya.
W-wow! As in wow!