Jaydee
"Handa ka na ba?" Tanong ni ate na taga assist-- yung sa fan meeting ni Clark?
Nagulat nga ako habang tinitignan siya pero siya itong parang wala lang na makita ako. Hinayaan ko na lang.
"Handang handa na!" Sabi ko habang naka taas pa ang dalawa kong mga kamay.
"Dapat lang kaya tara na!" Sabi pa niya sabay hila sa akin papasok.
Di ko akalain na makakapunta ako dito sa Fan Meeting nya nung una kasi wala kaming pera tapos di pa kami ganong kayaman like the other students na kayang makabili ng kahit ano by just one snap pero kami? Naka ilang snap na pero wala pa rin, kailangang kumilos para magkapera at makuha ang gusto.
At malalaman ko na lang ngayon na makakadate ko pa sya? Alam mo yon? yung parang sa BTS or EXO basta sa lahat ng kpop group tas makadate mo yung isang member don dream come true na talaga.
Napatingin ako sa palibot at ang masasabi ko ay ang ganda talaga! Parang wala ka sa Pilipinas right now, pinaghandaan talaga 'to.
May mga palamuti, naka dim lights lang ang mga ilaw at mas tutok na tutok ang ilaw ay doon sa isang table sa pinaka gitna, may patugtog rin pero di ganoon kalakas at sakto para lang sa aking pandinig na nakakagaan sa aking dibdib.
Napangiti ako ganitong ganito ang gusto kong mangyari sa aking buhay tapos ngayon? Nandito na siya sa harapan ko! Masasabi ko na isa ako sa mga swerteng tao na makakasama at makikilala pa ng ayos si Clark.
Masyado siyang guwapo para maka date ang isang katulad ko na hindi katanggap- tanggap.
Tumigil na si ate na taga-assist at napatigil rin ako.
"Ah, ma'am dito nalang po ako, ayun naman po si sir Clark kaya hindi ko na kayo sasamahan papunta roon, nakikita mo naman siya diba?" buong ngiti niyang tanong.
"Oo naman po, ang gwapo niya nga eh!"
"Asus! Sa kahit na anong anggulo gwapo yan!" parang kinikilig na sabi ni ate.
"Oo nga po" nahihiya ko pang sabi at the same time kinikilig rin.
"Ah siya sige na pumunta kana roon para maka date mo na siya! See you!" Sabi niya sabay tulak sa akin papasok at agad niyang sinarado ang pinto.
Napaharap pa ako sa pintuan upang buksan ito pera may humawak sa aking mga balikat kaya ako na patigil.
Napaistatwa ako sa aking kinatatayuan ng dahil doon.
"Let's go" sabi niya. At narinig ko namang humakbang siya pabalik sa upuan.
Humarap na ako at mabilis na pumunta doon, nung pag tingin ko ay hinawakan niya yung upuan at ipinaatras.
Dali dali naman akong umupo.
"Salamat"
"Your always welcome"
Bakit ganto? Syempre! Nasa harapan ka lang naman po ang isang Clark!
"Lets eat..."
"Okay..."
Kinuha ko ng maayos ang pagkain nung iaangat ko na ay tumingin muna ako kay Clark at napatingin rin siya sa akin. Bigla kong sinubo ang pagkain sabay inom ng tubig.
Napatawa naman sya ng dahil doon.
"Are you okay?" Sabi niya.
"Ah oo naman no! Kinakabahan lang ako kasi isang Clark lang naman ang nasa harapan ko, bakit di ako kakabahan?"
Sinuri muna ng aking mga mata ang nasa hapag at alam kong mamahalin nga ang lahat ng nanditrito, siguro ang alam ko lang na pagkain ay yung karne basta! Steak ata to! Tapos may tubig sa kanan at wine ata o soft drinks ang nasa kaliwa, naka ayos naman ang mga napkins at yung kutsara at tinidor. Maraming mga pagkain kaya magsasawa ako dito, may mga desserts rin tulad nung tarts, cup cake, at iba pa na mahihirap banggitin.