Jaydee
Nakatitig pa rin ako sakanya at ganun rin siya.
Nakakahiya!
Parang nahuhumaling ako sa ganda ng mga mata niya.
Jaydee! Whats wrong with you? Kakasabi mo lang hindi ba na ayaw mo sa kaniya?
Tsaka diba may Clark kana? Ano ba nangyayari sayo?
Mabilis akong tumayo at napatingin naman ako sa paligid nakita ko si mayette at mukha rin siyang nagulat sa pangyayari.
Pero agad nagbago ang hitsura ng mukha niya at napalitan na masayang reaksiyon siguro dahil sa nakita? Hindi ko alam.Hindi ako nagpasalamat o ano agad ko silang tinalikudan dalawa at mabilis akong naglakad at pumunta ako sa room.
"Ms Jaydee Tenorio, you're late, with... Ms, Mayette Cervantes? Come in, wag nyo nalang uulitin" mabuti naman at nakaligtas kaming dalawa ni mayette.
What a very nice day! Note the sarcasm.
Mga tao talaga! Nakakainis! Bakit ba siya nandoon? Anong ginagawa nya don? Is he following me? Syempre hindi! Kase kung sinusundan niya ako ano naman mapapala niya doon? Diba wala? Wala naman siguro siyang intensiyon sa akin no?
Wala lang naman siguro iyon hindi ba? Ayon na lang ang itinatak ko sa aking isip.
Tinutok ko na lang ang aking mata at pag iisip sa itinuturo ng guro sa unahan.
Masyado naging mabilis ang oras at lunch break na!
Dun na guminhawa ang pakiramdam ko, para mahismasmasan naman ang ulo ko. Bakit ganon? Wala naman akong pake sakanya pero bakit naging ganito iyong epekto niya sa akin?
Kasama ko ngayon si Mayette at bakit ang tahimik ng isang to? Siguro dahil sa nangyari kanina? Pero bakit naman ganito ka tahimik? Na speechless ba to?
Pumunta ka agad kami sa cafeteria at nilabas ang dala dala naming pagkain.
Hindi kami nabili dito ni Mayette kase ang mamahal ng pag kain ultimo yung mineral water? Ang mahal siguro kalahati ng baon ko mapupunta doon kung bibile pa ako. Marami naman kami na nagbibinalot talaga yung mga kasama namin na hindi ganoon kayaman.Kumain na kami at dinaldal ko na talaga si Mayette.
"Uy anong nangyari sayo? Tahimik ah? Kakaiba yata yan" Sabi ko sakanya.
"Wala na guwapuhan lang talaga ako kay Kyle!" Wala sa sarili niyang sinabi.
"Sure? Baka naman kailangan mo na pumunta sa mga espesiyalista at roon pagamutin?" sabi ko sabay tawa. Tumingin ako sakanya at nakita ko naman siyang napangiti, napangiti na rin ako.
"Anong ako baka ikaw! Mental, hinahanap kana kaya! Punta kana!" Sabi pa niya sabay muwestra na pinapaalis ako.
"Edi maganda ngumiti kana rin! Yan mas okay pa yan sayo" sabi ko pa, para di na siya sumimangot.
"Kani-kanina lang ikaw iyong hindi naka smile tapos ako naman ngayon, tara sa mental?" Sabi pa niya sabay kami hagalpak sa tawanan, at saka lang naman nakita na nasa cafeteria kami kaya nagkatinginan ulit kami sa tawa ng mahina.
Habang nakikipag asaran napapalingon ako sa paligid at bigla kong nakita si Kyle na nakatitig sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin baka kasi nag iimagine lang ako kaya tumingin na lang ako kay Mayette at sakanya na lang ituon ang buong atensyon.
Uwian na at naglalakad ako pauwi, halos araw-araw naman. Dumiretso na ako sa bahay namin. Hindi ko kasama si Mayette dahil may pupuntahan daw siya with her family. Friday kase kaya ganon.
Ang bilis nga ng araw 'e, parang kahapon lang kasama ko pa si Clark tapos ngayon hindi na.
Tunay nga iyong, kapag masaya ka bumibilis ang oras tapos kapag malungkot ka naman ang bagal-bagal ng oras.
Tsaka ngayon narerealize ko na ang buhay na kahit hindi maraming nagmamahal sayo ay maayos na basta lahat sila ay totoo at napapagkatiwalaan mo, tulad ni Mayette mag bestfriend ang mama at mama namin kaya nagkasundo rin kaming dalawa, we're just two and we're fine at that.
"Ma dito na ko" sabi ko kay mama na nanonood ng tv.
"Dumating kana pala, kumain kana at matulog" sabi pa niya, tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Sige Ma, nakakain kabna ba?" Tanong ko.
"Ah oo, marami pa kasi akong ginawa kanina" dagdag niya.
"Sige" sabi ko at pumunta muna sa kwarto at nagpalit ako.
Kinuha ko iyong komportable sa aking pakiramdam na damit.
Nung pababa na ako ay natalisod ako dahil may na kaharang na picture frame, at ang sakit! Tinignan ko yung tuhod ko at may sugat! Ang sakit.
Tinignan ko yong picture frame at si mama ito, ang ganda niya dito, maganda talaga!
Parang ako lang, mukha pa siyang mayaman dito pero di ko lang alam kung bakit sa mala iskinita ang tinitirhan namin ngayon.
Baka mayaman lang talaga dati si mama, si papa naman, nervermind wala na daw siya. Oo wala na 'daw' siya sabi sa akin ni mama.
Wala siyang sinabi kung hindi ay wala na, ewan ko ba kung patay na or iniwan kami, kaya ayon lumaki ako na walang Papa, okay lang naman kasi natutugunan naman ni mama ang pagiging magulang niya sa akin, nanay at tatay, kaya gustong gusto ko na makapagtrabaho para may maitulong naman ako kahit papaano. Tsaka never ko rin nakita si papa ko, mula siguro bata ay iniwan na niya kami, ewan ko rin kung may kapatid pa ba ako or ako lang mag isa, siguro wala na, at kung meron man sana hindi babae, at mukhang hindi magkakasundo.
Ibinalik ko sa dating lalagyan ang picture frame, buti naman ay walang basag. Kung hindi baka magalit sa akin yon.
Bumaba na ako at kumain. Hinugasan ko iyong pinagkainan ko at pumunta agad ako sa cr para mahugasan ang sugat ko sa tuhod.
"Ma!" Tawag ko.
"Ma!" Ulit ko pa.
"Oh? Bakit?" Tanong niya at mabilis siyang pumunta rito sa cr.
"Bibili ako ng band aid"
"Nariyan kuha ka ng pera, may sobra naman yata riyan" sabi niya saka umalis sa aking harapan.
Agad ko naman sinunod iyon at kumuha ng sobra para makabili ng pagkain pa sabay pumunta sa labas para bumili.
Pagkalabas ko nakita ko si Mayette, bakit parang di pa siya nakakapag bihis ng pang bahay? Naka pang school pa kasi siya, nakita ko siyang tumatakbo ng mabilis papunta sa amin, ay sa akin pala. Nakita ko rin na napapalingon sa kanya iyong ibang tao na parang may kinakahulugan ang mga tingin nila.
Mukha siyang nag mamadali, at bakit siya umiiyak?
Nung naparito na siya sa akin ay bigla niya akong niyakap.
"Huy napa ano ka?" Tanong ko.
Patuloy pa rin siya sa pag iyak.
"Tara muna sa kwarto at ikuwento mo sa akin kung ano nangyari" sabi ko pa.
"S-sige" sagot niya.
Pag kasabi niya non ay inalalayan ko na siya paakyat sa kwarto ko.
Ano ba yan! Di nako makakabili ng band aid.