Dalawampu

27 6 1
                                    

Jaydee

Napaka boring ng araw ko ngayon! Wala akong makausap at magawa! Hindi pa naman kasi nag b-breaktime.

At kapag dumating yung oras na yon! Patay yan saken si Mayette. Isinawalang bahala ba namana ako kay Kent? 'E parehas naman silang hindi kaguwapuhan ni Kyle.

I need an acceptable reason para bumalik kami sa dati, sabi ko sa aking isip.

Tampo lang naman ang nararamdaman ko ngayon eh, pero alam kong mag sasabi yan sa akin, pero kailangan siya muna ang unang pumansin sakin. Hmp!

Nakatunganga lang ako hanggang sa mag recess yung nakahalumbaba ako hanggang sa mag breaktime? Diba? Sulat sulat, pero walang naiintindihan.

Tunog para malaman ng nga estudyante na oras na para mag recess.

Sumigla ako dahil doon at tumayo na ako para makapunta kila Mayette ay may biglang humawak sa braso ko.

Anu ba yan!

Nakasimangot akong humarap sa kanya.

"What?" Sabi ko.

"Sabay tayong kakain" sabi niya habang titig na titig sa mukha ko.

Parang nahuhumaling talaga ako sa mata niya! Napaka interisado! Hindi ko din alam kung bakit!

Nakakahiwaga talaga na ngayon nagpapansinan na kami kaya nga minsan nakakahiya na dahil alam kong maraming nag kakagusto sa dalawang yan!

Tumayo na rin siya, magkahawak pa rin kami ng kamay pinabayaan ko na yon saka ako naglakad papunta kila Mayette na tawa ng tawa.

"Uy mga brad breaktime na" prangka ko sa kanilang dalawa. Napatingin naman sila sa kamay namin at dahil doon ay kinalas ko na ang kamay namin ni Kyle.

Napatigil naman sila kaya ang ginawa ko ay lumapit ako kay Mayette saka ko siya hinila palabas.

"Huy! Anong nangyayaru sa'yo?" Sabi ko saka siya sinimangutan.

"Ha? Hindi kase, may sinasabi lang si Kent na nakakatawa" sabi niya.

"Tsk! Pero wala ka bang napapansin sa kanilang dalawa?" Seryoso kong tanong.

"Ha? Ano yon?" Sabi niya sa akin.

"Tignan mo dati hindi tayo nagpapansinan diba? Kahit mga classmate pa natin sila, tapos ngayon? Biglaan lumapit yung ganon? What do you think?" Taka kong sinabi.

"Ahm, oo nga pero hayaan na natin! Swerte ka nga eh kase kasama mo yung crush ko! Pero alam mo ba? Parang nagugustuhan ko na si Kent! Kase nung linggo? Umalis ako tapos nakita ko siya! Edi yun lumapit siya sa akin saka nagkasama na kami" kwento niya. "Mamaya nalang natin pag usapan" sabi niya saka ako hinila kung saan.

Nagulat naman ko nung sinabi niya yan, Linggo? 'E linggo rin kami nagkasama ni Kyle ah?

Baka naman pinaglalaruan lang kami ng dalawang yan? Hmm...

Pumasok na kami sa loob ng canteen at ano pa ba ang madadatnan namin? Maiingay, magugulo, ganan naman ata sa lahat diba?

Dito kami sa pinaka gilid dahil ayaw naman ma expose ang ganda namin sa gitna.

Nakaupo na kami ni Mayette nung biglang may naglapag ng mga pagkain sa table namin at initaas ko ang paningin ko at nakita ko si Kyle at Kent!

Ano ba naman yan!

Hanggang dito ba naman? Susundan kami? O ako? O si Mayette? Feeling-era na nga ako!

Tumingin ako sa paligid at nakita ko na ang dami na nakatingin sa amin kaya nahiya ako don dahil ako ang una nilang makikita bago si Mayette.

Im His FanGirl (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon