Jaydee
Kinabahan talaga ako dahil doon sa tumawag sa akin dahil makakasama ko na si Clark! Sa isang date pa!
"Mayette" sigaw ko sakanya at hinawakan sya sa balikat at tumalon talon.
"Hala ano yon?" Excited nyang tanong.
"Makakasama ko si Clark sa isang date!" sabi ko pa.
"Weh? Tunay?" Tanong niya at mukhang hindi makapaniwala.
"Oo kaya nga ako tinawagan diba?" Sarkastiko kong sabi.
"Talaga?" sabi ni Mayette tas parang napaisip.
"Bakit?" agad kong tanong na tas bigla siyang humarap sa akin na parang may naisip na kabuluhan.
"Paano kung scam pala yan?" Hala oo nga no? Paano yon? Tapos di pala tunay.
Napakunot bigla ang noo ko. Tanda ko na!
"Hala tunay yon!" bigla kong sabi sabay hawak sa balikat niya siya naman tong mukhang nasasaktan pero hindi ko na pinansin iyon.
"How can you say that aber?" nagtataray niyang tanong.
"Yung babaeng tumawag siya yung nag a-assist sa atin! Oo nga siya yon!" tuwang tuwa kong sinabi. "So it means tuloy!"
"Kaingget sana all!" Sabi niya pa.
"Gumaya ka kasi sa mga magagandang katulad ko!" sabi ko pa at ininggit sya.
"Hmp! Kainis ka sama ako" sabi niya na pabebeng salita.
"Ano ka!" pagtataray ko pilit siyang asarin.
"Tao bakit ikaw? Hayop!" Sabi niya.
"Galit ka na niyan?" Pang asar na tanong ko.
"Hindi pa malapit na" sabi niya, halatang naasar na, pero nakangiti naman siya.
"Joke lang eto naman" sabi ko sabay hampas ng malakas sa balikat niya.
"Ano ka ba naman nakakainis ka na ah?" Sabi niya at tinalikuran ako.
"Oy parang binibiro lang eh"
"Anong biro don? Eh naiingget na nga ako tapos ganon pa ang sinsabi mo diba ang sakit? Kung ako kaya ang nasa posisyon mo syempre maingget ka rin dahil ako ang napili pero ngayon ikaw! Ikaw napili kakaingget talaga!" Sabi niya habang pumapadyak padyak ang paa.
"Kows, eto naman, kung pwede lang sumama pa ng isa isasama kita syempre friends tayo e." sabi ko para mapagaan ang loob niya.
"Tunay ba yan?" Paninigurado niya pero may tampo pa rin sa tono niya kaya napapatawa ako.
"Tunay na tunay" sabi ko habang nakapikit pa.
Kinilig naman siya kaya yinakap ako ng mahigpit saka inilayo para mag-salita siya.
"Kailan ba daw?" takang tanong niya.
"Sa wed" sabi ko sabay isip kung ano ang magandang maisusuot, para naman mag mukhanh disente sa harap niya diba.
"Linggo ngayon diba?"
"Oo"
"Bili ka ng damit mo para naman magandahan sya sayo haha pangit mo kase!"
"Libre mo ba?"
"Ano ka! May pera ka pa dyan a?"
"Hingi kaya ako kay mama?"
"Sige baka mabigyan ka ng pera kahit papaano tapos sabihin mo na rin na may date kayo! O sya sya uuwi na ako nakakain na ko neto bye! Balitaan mo ako ha? Pasok ka bukas sunduin kita" sabi niya sabay kaway pa.