Jaydee
Ano? Sino kaya iyong swerteng babaeng iyon? Tapos kamukha ko pa siya? Di ako makapaniwala.
Napaka imposible naman nun pero kung iisipin, nahihiya na akong mapatingin kay Clark dahil sa iba ang tingin niya rin sa akin.
"A-ano?"
"Yes, you really look like her" sabi pa niya na naka seryosong tingin sa aking mga mata pilit kong tinitigasan ang tingin sa kaniya para hindi niya mahalata na nahihiya ako.
"Hindi ako maniniwala, sino iyon?"
Isang Clark, nag ka girlfriend na pala, maikalat kaya iyon sa social media? Paniguradong trending iyon!
"No need to say" sabi niya, at iniba niya kung saan siya nakatingin.
"Okay..."
"Alam mo naman kung paano ako tumingin sayo nung una kitang makita diba?" Sabi niya at ibinalik ang tingin sa aking mga mata.
"Ah, yon? Oo kaso di ko nalang pinansin" sabi ko pa.
Pagkatapos ko iyong sabihin ay inangat ko ang aking paningin at nakita ko na nakatingin rin siya sa akin, agad kong iniwas ang aking mga mata dahil sa sobrang kahihiyan.
"Awkward" sabi niya.
Itinungo ko ang aking ulo dahil parang may mag babadyang lumabas na luha.
Suminghot ako at parang napa lakas ata yun kaya narinig ko nalang na may nag mamadaling mga paa na pumunta sa gawi ko.
"Hey, why are you crying?" Sabi pa niya at inaangat ang aking ulo, at nung pagka angat ko ay nakikita ko nalang ay blur, dahil siguro sa luha.
"Ah ito? Wala to, nakakainggit lang kasi" pabiro kong sabi at pinunasan na ang aking mga luha.
"Ha? Kanino ka naiinggit?" Sabi niya na may naguguluhan.
"Sa girlfriend mo" sabi ko.
"Ah wala yon"
Is there any chance that he will love me back? Or he will see me only as his fangirl? Malungkot akong ngumiti sa kaniya.
Mabilis dumating yung oras at nakauwi na ako na kasama si Mayette. Napakatahimik ko sa buong biyahe at hindi na rin nag tanong si Mayette dahil alam naman niyang mag kukwento ako sakanya kapag okay na ako o kailangan ko ng isang advice na manggagaling sakanya.
Inalala ko kung ano nangyari kanina at napangiti naman ako ng dahil doon.
Sinarado ko na ang pinatuan at mabilis na nag lakad, kinuha ko ang aking salamin at inaangat ito. Medyo mamula mula ang aking mga mata dahil siguro sa aking pag iyak.
Tinignan ko rin ang oras sa telepono at past 10 na pala. Pagkatapos ko tignan ay nag tipa ako para sabihin kay Mayette na uuwi na kami.
To: Pakner;
Huy! Tara na uwi na tayo hintayin kita dito sa labas.
Nung ibabalik ko na ang aking telepono ay biglang may nag beep.
1 message received, napangiti ako ng dahil doon, alam ko talaga na maasahan ko iyong aking kaibigan.
From: Pakner;
Sige sige, on the way!
Di na ako nag reply dahil, makakapunta naman siya dito. Umupo ako at ipinatong ang aking ulo sa aking mga tuhod. At doon nag isip isip...
Hindi ko malubos maisip na ganito pala mangyayari, yung kanina? Sainyo wala lang kasi hindi niyo naman finafangirl/boy si Clark kaya di nyo maisip kung ano ba ang aking nararamdaman.
Alam nyo naman kung gaano kasakit makita sila Jungkook, Baekhyun, BamBam, Jun, Kang Daniel at iba pa na may kasama na ibang babae diba? May nag shiship, oo, kasi part of being a fan, part of being a fan rin ba ang masaktan ka nalang?
Its hard to say pero alam kong oo naman ang isasagot niyo dito.
Bakit ganon? Nalaman ko lang na nag ka girlfriend yung tao na sasaktan ako. Ex na yon pero ganito yung sakit, hindi kami pero nag seselos ako. Haha
May humawak sa aking mga balikat at doon ko pinunasan ang aking mga luha.
"Uy pakner bakit ka naiyak? Minolestiya ka ba ni Clark? Or what?" pabiro niyang sabi, sinasabi niya ito upang mapagaan ang aking pakiramdam.
"Kasi-" di na natapos ang sasabihin ko nung umungol na ako dahil sa pag iyak.
"Kasi ano?" Mabilis niyang sabi sa akin.
"Nagka girlfriend si Clark" halos bulong ko na sinabi at mukhanh hindi niya naman narinig.
"Ha?" Agaran niyang sinabi siguro hindi narinig ng buo ang aking sinabi.
"Nag ka girlfriend si Clark!" sabi ko at umiyak ulit kahit na walang tumutulo na luha.
May naririnig ako na hagikgik sa aking tagiliran at sumulyap ako doon. Nakita ko na si Mayette tawa ng tawa, napatigil ako sa pag-kukunwaring pag-iyak at tumingin sa kanya.
Nakarinig ako ng tawa niya at humahawak kasi siya sa tiyan o kaya malapit sa mata na parang iiyak na siya.
"B-bakit?" Sabi ko na naguguluhan sa kanyang ginagawa.
"Ikaw kasi!" Sabi niya sabay tumawa ulit.
"Ano? Ano sakin?" Sabi ko pa at wala na tumulong luha.
"Ikaw kasi! Parang girlfriend lang! Iniiyakan mo? Sabi mo 'nag ka' girlfriend, so ibig sabihin 'ex' na niya?"
Tumungo at tumawa na naman siya. Di ko alam kung ano nangyayari dito pero ansarap niyang pagbabatukan.
"Eh ano kung ex? Wala na yon no! Ex is ex! Wala na siyang halaga para kay clark kasi ex! Di na niya mahal, kaya nga ex diba? Pero ewan ko kung ganon ba yung nararamdaman ni clark ngayon kung may gusto pa rin ba siya o wala na?" Mahaba niyang sabi.
"Iba kasi tumingin sa akin si Clark eh"
Pag-aassume ko sa aking sarili.
Biglang lumapit sa akin si Mayette mukhang curious.
"Wow curious na oh!" Sabi ko pa sakanya, inaasar.
"Sige sige na! Kwento mo na mukhang maganda eh" sabi niya at umupo ako ginaya niya rin ang aking ginawa.
"Iba-" hininto niya ako gamit ang kaniyang mga kamay.
"Oo na, oo na alam ko na iba siya tumingin sayo tapos?" Sabi niya at mukhang interesadong-interesado si Mayette.
"Alam mo mahilig ka pala mag paulit-ulit ng word na una mong sinasabi, robot kaba?" natatawang saad.
"Hindi naman, go say it!" sabi niya at mukhang naiinip na nga siya.
"Teka lang" sabi ko pa saka inayos ang sarili.
"Itutuloy mo ba o hinde?" Iritado niyang sabi.
"Di ko na muna sasabihin sa bahay nalang o kaya bukas sa school, inaantok na ako, kakain pa ako, alam mo bang di ko naubos ang kinain namin don? Yun tuloy naging awkward kaya di ko na masyado na pag tuunan ng pansin kaya gutom na gutom na ako" mahaba kong sinabi.
"What? Bakit naman?" Sabi niya. "Baka kasi kung ano-anong pinag-gagagawa mo sa kaniya kaya ka naging ganyan ka concious!
"Mahaba ang napag-kwentuhan namin ni Clark!" sabi ko pa at nauna na ako naglakad sakanya, pupunta na ako sa sakayan ng jeep pa uwi sa amin. "Tsaka hindi ganon no! Bahala ka nga diyan!"
"Oy sorry na! Binibiro lang eh! Sige na, tara na, uwi na tayo, kahit bukas mo nalang sabihin, okay na okay lang" pahabol niyang sabi sa akin.
"Sige sige" sabi ko pa at umakyat na ako sa jeep.