Jaydee
Habang tumatakbo ako ng walang alam kung saan pupunta ay nakarating ako sa likod ng building. Mapuno at mararamdaman mo ang fresh air na nanggagaling sa buong paligid ang tahimik ng lugar na mabilis makakababa ng iyong damdamin. Marami tao dito minsan pag hindi mainit and I was thankful kasi kahit na anong oras na makulimlim pa din.
Nandito ako sa ibaba ng puno at saka inihiga sa tabi ko yung bag at saka napagisip isip. Nasa kalagitnaan na ako ng pagiisip ay may narinig akong kumaluskos. Kinabahan agad ako ron! Nanlaki pa ang mata ko, at saka niyakap ang bag sa tabi ko. Inalala ko ang mga gagawin ko. Scream. Yun lang ang tanging magagawa ko.
Si Mayette! Asan si Mayette? Siya lang ang bukod tanging manliligtas sa akin bukod kay... Kyle.
Napalingon pa nga ako sa kaliwa't kanan para makita kung sino iyon. Narinig ko na naman at mukhang palapit ng palapit sa akin, pumunta ako sa likod ng puno at doon nagtago at saka tinitignan kung sino ang paparating.
Nakakita ako ng anino ng tao and I wasn't sure enough if it was a boy or a girl. At hanggang sa nakita ko na yung buo niyang katawan at parang nakita ko na 'to?
Nakita ko siyang pumunta sa pwesto ko at doon humiga? Gaya-gaya si kuya kaya nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago lumabas para umalis na pero gusto ko talagang makita kung sino iyon! Nilingon ko kaagad ang ulo ko doon at nagulat ako sa nakita ko! S-si Miguel?
Si Miguel Villanueva? Wtf! Yung model slash actor? Eh bakit siya nandito? Ugh! Ang gwapo! My fangirl instict!
Pero Kyle pa rin ako!
Ang puti! Ang tangos ng ilong! Mahahabang pilik mata! Kahit naka pikit yan ay color brown ang mata nan! Alam ko yan eh! Syempre! Sinearch ko! Dati ako naging fan nan kaso natigil nung dumating si Clark 'e.
Pero ngayong makita ko na siya sa harapan ko ngayon? Parang parehas ko na silang ifafan! Harap harapan pa naman and I can't look away kasi gusto ko siyang maaninag pa ng maayos.
Tama ba ang nakikita ko? Kaya napapikit pa ako ng ilang beses at saka kinurot amg hita ko! Tunay nga ito! Kaya nakaisip na ako ng magandang idea.
Lumapit ako doon at saka ko siya tinitigan nakahiga lang siya at saka nakaunan sakanya yung dala niyang bag.
Inilapit ko pa yung mukha ko sakanya at saka ko hinawakan yung pisnge niya! Bakit ba ang swerte ko? Dinudutdot ko ng dinudutdot ang pisnge niya at ang lambot talaga! Parang ayaw ko ng umalis dito ah! Habang busy ako sa ginagawa ko ay iminulat ng mata ni Miguel ang mata niya at sobrang grabeng nanlaki ang mata ko! Parang mailuluwa na ang mata ko! Kaya agad ako tumayo at saka nakatapak ng kung anong madulas at nahulog kay Miguel! Nagulat naman siya at napahawak pa nga siya sa balikat ko eh! At ako naman ay nagulat pa lalo nung magkalapit ang mukha naming parehas! Hindi ko na kaya to!
Parang mahihimatay ako ng wala sa oras!Ang bango bango niya pa! Parang ansarap naman netong singhutin ng singhutin ah! Basta ang gwapo! Bakit kasi ang gwapo niya?
Nakatitig pa rin ako sakanya na nanlalaki ang mata at saka ko napatingin sa paligid ko nung ano ang naging pwesto namin. Tumayo ako at saka nagsisisigaw.
"Waaaaaaah!"
"Waaaaaaah!" Irit ko at siya naman ay tumayo na rin at saka parang pinapahinto ako.
"Hey hey! Why are you shouting?" Mahinahon na sabi ni Miguel.
"Kasi nakikita na kitaaa!" Kinikilig na sabi ko kaya nakita ko siyang napapatawa kaya naman yung kilig ko ay nauwi sa pagtawa na rin.
"You know what?" Sabi niya saka niya pinagpag ang damit.